Naintindihan ni Erron ang bilin ni Amilah sa kan'ya pero ayaw niya na sundin ito dahil kapag pinatagal pa niya ang usapin na ito ay baka makalimutan na siya ng mga anak niya. Kumatok si Erron sa pinto, alam niyang umalis na si Amilah at ito ay sumundo na sa isa pa nilang anak na si Ck. Pumasok si Erron at nakita niya ang anak na si Cj na natutulog. Siya ay lumapit dito at hinalikan ito sa noo. "Anak, sorry at hindi ko gusto na paiyakin ang nanay mo pero mahal ba mahal ko siya at if possible, I will catch everything that people will throw at you," anito sa anak na natutulog at may pumatak na luha sa pisngi ng binata. Inayos niya ang kumot ng anak pero biglang nagising ang bata at nagmulat ito nang mga mata saka tumingin nang masama sa ama. "Bakit po kayo naririto?" ang mahina pero may

