"Amilah, alam ko ang iyong nararamdaman ngayon pero huwag mong isisi lahat kay May. Walang may gusto na mawala ang kambal at hindi rin ito kagustuhan ni May. Ang mga bata ay mahal na mahal niya," saad ni Fate pabulong pero ang lahat nang ito ay maliwanag na narinig ni Amilah. "Mahal, isipin natin ang lahat nang posibilidad. Hindi tayo puwede padala sa ating galit dahil oras ang kalaban natin ngayon," "Lumapit si May at lumuhod ito sa harap ni Amilah upang humingi nang tawad. Si Erron at Fate naman ay nakatingin lamang sa kan'ya. "Ate, sorry na po talaga, hindi ko talaga akalain mawawala ang mga bata, ilang hakbang na lamang ang gate nang sila ay iwan ko," umiiyak na wika ni May kay Amilah. "Fate, nireport mo na ba ito sa mga pulis?" tanong nitong binata sa kaibigan ni Amilah. "Oo pero

