Habang sila ni Erron ay nasa elevator napatingin si Amilah sa binata at humilig siya sa dibdib ng lalaki, dinig na dinig ni Amilah ang malakas na pintig ng dibdib nito. Ilang taon na ang lumipas pero ang binata ay parang hindi nagbago. Maganda pa rin ang katawan nito at binaba niya ang tingin sa body hug na t-shirt ng binata halata ang six pack abs nito. "Ang tikas at guwapo pa rin niya. Ang tigas ng dibdib niya katulad din nang.." Sabi ng dalaga sa sarili saka pinamulahan kaagad ng pisngi. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ng dalaga kaya nahiya siya tuloy sa lalaki kahit pa hindi niya intention na mag-isip nang kung ano-ano ay kusa itong pumapasok sa utak niya. "Ano ba Amilah, ang dumi ng isip mo. Kababae mong tao ay gan'yan ka mag-isip, ikaw nga ay maghunos-dili," wika niya na nap

