-=m*******e's Point of View=- Isang linggo na din ang nakakalipas magmula nang malaman ko ang totoo kay Brent, at hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagkakalakas ng loob na magtapat sa kaibigan ko, dumagdag pa sa guilt na nararamdaman ko ay ang tungkol sa lihim ko patungkol kay Kevin na hindi ko din masabi-sabi kay Rick, at sa mga magulang nito. Ngayon kasing naranasan ko ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan noon ay nagkaroon bigla ng takot sa dibdib ko na baka biglang mawala ang mga ito sa oras na magsabi ako ng totoo, kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakapagtapat. Ganoon siguro talaga kapag meron ka ng pinanghahawakan na nagiging dahilan para maging masaya ka, natatakot ka na tuluyan iyong mawala. "Ok ka lang ba, Jane?" Ang narinig kong tanong ni Sandy na naka

