-=m*******e's Point of View=- Sobrang bigat ng pakiramdam ko ng magising ako ng umagang iyon, hindi kasi agad ako pinatulog ng mysterious text message na iyon. Muli ko tuloy naalala ang nakalagay doon na sinasabing mag-ingat daw ako, at alam niya ang mga lihim ko! Hindi ko tuloy alam kung anong lihim ang tinutukoy nito. "Alam kaya niya ang tungkol sa amin ni Brent? O baka naman alam niya ang tungkol sa pagmamaltrato ko sa mga batang inalagaan ko noon, o baka naman both?" Sa totoo lang ay litong-lito na ako, maaari din naman na nagloloko lang ito, at tinatakot lang ako ng kung sino mang taong nagpadala ng text message na iyon na isang malaki ding posibilidad, pero hindi ko kasi gusto ang ganitong pakiramdam, lalo na't meron naman talaga akong lihim na tinatago. "Relax, Jane. Hindi

