-=m*******e's Point of View=- "What happened to you?" Iyon ang unang tanong na narinig ko mula kay Sandy nang makapasok na ako sa classroom namin ng araw na iyon. Anong oras na din kasi akong nakatulog kagabi, at kahit sa panaginip ay ginugulo pa din ako ng pesteng text message na iyon. "Wala naman, hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi," ang tanging sinabi ko dito, hindi ko na binanggit ang tungkol sa text messages na natanggap ko mula sa unknown number, hindi ko din naman kasi maipapaliwanag kung bakit ganoon na lang ang takot na nararamdaman ko dahil dito. "Ahhh ganoon ba? Baka naman masyado mo namang iniisip si Rick," nanunuksong sinabi naman nito. Minabuti kong huwag ng i-correct ito sa iniisip, mas mabuti na ngang iyon ang isipin nito kaysa naman malaman nito ang totoo.

