-=m*******e's Point of View=- "Huwag mo munang isipin ang boyfriend mong iyon," ang patuloy kong pangungumbinsi kay Sandy nang sa wakas ay napapayag ko na itong mamasyal. Ilang araw din ang nakalipas magmula nang naging pag-uusap namin, at hanggang ngayon ay hindi pa din nito nalalaman ang problema ng nobyo, kaya naman pinilit ko talaga itong mamasyal ngayong Sabado. Sa totoo lang ay nagsakripisyo ako para lang samahan ito, inimbitahan kasi ako ng mag-asawang Saavedra na sumama sa kanilang out of town na kasama si Rick, ngunit dahil mas kailangan ako ni Sandy ay mabigat sa loob ko na tumanggi sa alok ni Lizz, at ngayon nga ay sinamahan ko ito sa lugar na gusto nitong puntahan ng araw na ito. And it has to be a boring museum, which doesn't really surprise me, pagkapasok na pagkapasok pa

