-=m*******e's Point of View=- "Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhan kong tanong dito. Hindi ko kasi inaasahan na maabutan ko ito sa tapat ng bahay ko gayong inaasahan ko na kasama ito ng sariling pamilya. Ilang beses ko ding pinikit-pikit ang mata mata ko sa pag-aakalang namamalikmata ako, at amused naman itong nakatingin sa akin na para bang nababasa nito ang nasa isip ko. "You're not hallucinating, Jane, nandito talaga ako, at sinadya kong mapaghuli na sa kanila," ang sinabi nito na nagplito lang lalo sa akin. "Pero bakit? Bakit hindi ka na lang sumabay sa kanila?" Naguguluhan ko pa ding tanong. "Because, gusto talaga kitang makasama sa out of town na ito," mas lalong kumabog ng mabilis ang puso ko nang marinig nga iyon, kitang-kita ko sa mga mata nito ang labis na katapatan, at si

