-=m*******e's Point of View=- "Ano pang ginagawa mo dyan, Jane?" Ang narinig kong tanong ni Lizza sa akin nang mapansin ako nitong hindi pa naliligo. Napangiti naman ako nang marinig iyon, halata kasi ang saya ng mag-asawang Saavedra habang tinuturuan nila si Kevin sa paglangoy. Masaya ako sa nakikita kong saya na nakaguhit sa mukha ni Kevin habang kasama ang mga magulang, alam ko naman na naging malungkot ito nang dahil sa kawalan ng oras ng mga magulang nito. In a way ay nakaka-relate ako sa kanya, dahil ganoon-ganoon din mismo ang mga magulang ko, kaya nga siguro nang maranasan kong ma-bully ng dati kong babysitter ay nagawa ko ang bagay na narasanan ko noon nang ako naman ang mag-babysit. Ngayon ko na-realized kung gaano ako ka-unfair dahil nilabas ko ang frustration, at lungkot k

