-=m*******e's Point of View=- Katulad ng inaasahan ay nakangiti akong nagising ng umagang iyon, agad ko kasing naalala ang mga nangyari kahapon, kung gaano ako kasaya na kasama ang pamilya Saavedra, at siyempre hindi din nawala sa isip ko ang nagawa ko ng ihatid ako ni Rick sa bahay ko. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Rick sa ginawa kong paghalik sa pisngi nito. Naisip niya kayang hinalikan ko lang siya para magpasalamat, o baka inisip nito na gusto ko siya kaya nagawa ko ang bagay na iyon, ngunit kahit ano pa man ang naisip nito ay hindi na mahalaga, dahil nangyari na ang bagay na iyon. Kung magiging totoo nga ako sa sarili ko ay wala akong naramdamang pagsisisi sa ginawa kong iyon, sa tingin ko kasi ay makakatulong iyon para mas mapabilis ang progress ng relasyon ko kay Rick. Naa

