CHAPTER 6: That Was a Close One

2270 Words
-=m*******e's Point of View=- Mabilis na lumipas ang mga araw, at hindi ko namamalayan na masyado na pala akong nae-excite sa tuwing uwian na. Nagpatuloy ang pagtuturo ko sa lampang batang iyon ng taekwando, at ayoko mang aminin ay hindi ko maiwasang makaramdam ng labis na paghanga sa pinapakita nitong improvement, sino ba naman ang mag-aakala na ang payatot, at lampang katulad ni Kevin Saavedra ay maari din palang mag-improve sa taekwando. Pero siyempre hindi ko puweden sabihin iyon kay Kevin, mahirap na, at baka lumaki pa ang ulo nito. Mabuti ng isipin na medyo ok lang ang pinakita nito. "Napakawalang kuwenta mo talaga! Ilang beses ko na bang pinakita sayo kung paano ang tamang gawin, pero hindi mo pa din makuha ng tama!" sigaw ko dito. Tila balewala naman kay Kevin ang pagsigaw kong iyon, dahil nanatili lang ito focus, at halata ang determinasyon sa mga mata nito. Matapos nga ang sinabi kong iyon ay hindi talaga ito tumigil hanggang hindi nito napa-perfect ang tinuro ko sa kanyang defensive maneuver na siyang pinakita ko dito,  hindi ko talag inaasahan na magseseryoso ito ng ganito. "Ok! That is enough for now. Kuha mo nga ako ng malamig na orange juice, naubusan ako ng dugo sa kapalpakan mo eh." utos ko dito, agad naman itong sumunod sa utos ko ng walang reklamo na bahagyang nagpataas ng kilay ko. Agad naman itong bumalik na may dala ng isang pitsel ng malamig na malamig na orange juice, at nang matapos uminom ay muli kong binalikan ang pinakabagay na magaling, at talaga naman na-nae-enjoy ko at iyon ay ang pambu-bully ko sa batang uhigin na iyon. "Talaga bang ang hina ng kukute mo para hindi mo ma-gets ang utos ko?!" Hindi sabi ganyan ang tamang paglilinis ng sapatos." naiirita kong sinabi dito. Bago kasi magpunta dito ay naisipan kong magdala ng ilang pares ng mga sapatos ko para ipalinis sa batang uhugin na nito. Oo nga at gumagawa ako ng kabutihan sa kapwa pero kailangan namang balanse pa din ang lahat, kaya naman kailangan ko ding gumawa ng bad things, not so bad, iyong tamang sakto lang, kaya nga naisipan kong ipalinis ang mga sapatos ko dito. Nanatili ako sa panonood ng TV, habang abalang-abala naman si Kevin sa paglilinis ng mga sapatis ko, wala nga itong karekla-reklamo habang sinusunod ang mga utos ko sa kanya.  Hindi ko tuloy maiwasang magtaka, minsan kasi ay nagkakalakas ito ng loob na magreklamo, kaya nga nakukutusan ko ito, pero ngayon ay wala man lang itong karekla-reklamo. Lumipas pa ang thirty minutes nang sa wakas ay natapos na din ito sa paglilinis ng mga sapatos ko, agad naman itong tumayo, at sandaling nag-inat. "Linisin ko na din ba ang living room?" tanong nito na labis na nagpamaang sa akin, kaya naman tanging pagtango lang ang naisagot ko sa tanong nito. Meron talagang something na hindi ko mabigyan ng pangalan sa kakaibang kinikilos ni Kevin, lahat ng utos ko ay wala man lang akong naririnig na reklamo mula dito, para nga itong maamong tupa na sunod lang ng sunod. "Hep! Bago ka maglinis, isuot mo muna ang uniform mo." pagmamaldita ko dito. Na-challenged kasi ako sa pagiging masunurin nito, mabuti na lang, at naalala ko ang binigay kong uniform dito, tignan ko lang kung hanggang saan ito makakasunod ng walang reklamo. Ang tinutukoy kong uniform nito ay ang pinasadya kong black maid dress na pinagawa ko pa sa ilalim ng tulay sa Recto. Magkano din ang ginastos ko sa damit na iyon, at muntik na akong makipag-away sa pakikipagtawaean dito. Lihim akong napaismid nang makita ko ang reaksyon sa mukha ni Kevin, buong akala ko nga ay aangal na din ito sa wakas, ngunit mukhang mabibigo na naman ako. Buong akala ko talaga ay magrereklamo na ito, pero kagaya kanina ay wala akong narinig na kahit na ano mula dito at basta na lang nitong kinuha ang uniform sa kamay ko, at sandali itong pumasok sa kuwarto nito at nang lumabas na ito ay suot na nito ang uniform nito. "Ano bang problema mo, at sunod ka lang ng sunod?!" naiinis ko nang singhal dito. Oo nga at gusto kong sinusunod ng mga batang inaalalagaan ko ang gusto ko, pero ayoko ng ganito. Ang gusto ko ay makitang nahihirapan sila habang patuloy sila sa pagrereklamo, pero dahil bata lang sila ay wala silang magawa kung hindi sundin ang gusto ko. Iyon mismo ang gusto kong mangyari, hindi katulad ngayon na sunud-sunuran lang si Kevin sa gusto ko, para tuloy nagsisi ako na nagpakita pa ako ng kabutihan dito. Ngumiti lang ito sa akin, at muli na nitong pinagpatuloy ang paglilinis na ginagawa nito na lalo namang nagpadagdag ng inis na nararamdaman ko. "Tignan lang natin kung hanggang saan itatagal ang pagiging kalmado mo." sa loob-loob ko habang nakaismid na nakatingin kay Kevin. Masyado na akong nacha-challenged sa pinapakita nito, kaya naman naisipan kong pahirapan pa ito, tignan ko na lang talaga kung magiging kalmado pa din ito. Nang matapos nitong maglinis ng sala ay inutusan ko naman itong linisin ang cr sa first floor, at isang ngiti ang nanilay sa mga labi ko nang mapansin ko kung gaano ito nahihirapan sa pag-abot ng tiles ng banyo, ngunit twenty minutes na ang nakakalipas ay wala pa din ako naririnig na pagrereklamo mula sa uguhing batang ito. Pinagpatuloy ko ang pagmamando dito, ngunit wala talaga akong nakukuhang kahit na ano mula kay Kevin. "Damn it! This kid is really getting to my nerves." bubulong-bulong kong sinabi sa sarili ko, at isang ideya naman ang bigla kong naisip. Iniwanan ko na ito sa paglilinis sa banyo, at dali dali akong bumalik sa sala. Sandali kong kinuha ang binder na nasa bag ko, at matapos nga noon, ay basta na lang akong pumunit ng papel at dali-dali ko iyong pinunit sa maliliit na piraso, basta ko na lang iyon tinapos sa lapag. Pati na din ang natirang orange juice ay tinapon ko sa lapag, at matapos ko ngang pagmasdan ang kinalat ko ay isang satisfied grin ang gumuhit sa mga labi ko. "Let's see kung magiging kalmado ka pa din." sa loob-loob ko. Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang mag-ring ang cellphone, agad bumangon ang pagkairita ko dahil sa bad timing ng pagtawag ng taong iyon. Sa inis ay hindi ko na tuloy tinignan kung sino ang tumatawag na iyon, at mataray ko iyong sinagot. "Hello?!" iritable kong sinabi nang sagutin ko ang tawag na ito. "Hello Jane?" natigilan naman ako nang sa wakas ay mabosesan ko kung sino ang tumatawag na iyon, iyon ay walang iba kung hindi si Richard Saavedra, ang Daddy ni Kevin. Awtomatiko naman akong napangiti habang bumaba ng ilang decibels ang boses ko. "Jane, Richard here, gusto ko lang ipaalan na pauwi na ako." ang sinabi nito. Bigla naman akong pinagpawisan nang marinig iyon mula dito." Wow, para po atang masyado kayong maagang uuwi Mr. Saavedra?" kunwaring natatawa kong tanong dito, pero ang totoo ay labis na kaba ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, habang nakatingin sa kalat na ginawa ko. Narinig ko pa ang tunog ng umaandar na makina ng kotse nito na ang ibig sabihin ay nasa biyahe na ito ng mga oras na iyon. "Oo nga eh medyo napaaga kasing matapos ang meeting namin kaya naman nag-decide na lang ako umuwi ng maaga, actually mga twenty minutes ay baka nandiyan na ako." ang sinabi nito. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko, dahil talagang nakipagkuwentuhan pa ito sa akin gayong kailangan ko ng magawan ng paraan ang mga kalat na ginawa ko, hanggang sa wakas ay nagpaalam na din ito nang makatanggap ito ng tawag. "Oh s**t!" hindi ko napigilan na maibulalas nang tuluyan kong makita ang masterpiece ko. Ang gusto ko lang naman ay mas lalong pahirapan ang lampang batang iyon, kaya nga nang makita ko ang mga kinalat ko ay nakaramdam ako ng pagmamalaki sa sarili ko, hindi ko naman inasahan na magiging sanhi pa ng ikakapahamak ko ang ginawa kong ito. Sa sobrang pag-aalala ko ay hindi ko namalayan na naapos na pala si Kevin sa paglilinis nito ng banyo, kaya naman bigla akong napapitlang nang marinig itong magsalita. "May kailangan ka pa bang ipagawa sa akin?" tanong nito. Halatang-halata na napagod ito sa pinagawa ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapagod gayong kakatapos mo lang na mag-practice ng taekwando ay uutusan ka na maglinis ng sala, at pati na ang banyo. "Oo! Tulungan mo akong linisin ang living room." nagmamadali kong sinabi dito. Kulang-kulang fifteen minutes na lang ay dadating na ang Daddy nito, at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang kalat na ito, kapag dumating na ito. "Pero... kakalinis ko lang ng..." ngunit bigla itong natigilan, kasunod ng panlalaki ng mga mata nito nang sa wakas ay makita na nito ang ginawa kong kalat kanina. Dapat ay natuwa na ako, dahil sa wakas ay may narinig na akong pagrereklamo dito,. pero hindi ito ang panahon para magdiwang ako. "Oo, at nagkalat uli ako! May angal ka ba?!" mataray kong tanong dito. Muli na naman itong nanahimik, at na itong sumunod sa inutos ko. Naging mabilisan ang mga kilos naming dalawa, para linisin ang mga kalat sa sala, sinubukan kong paganahin ang vacuum, ngunit sa kasamaang pala ay hindi ako marunong gumamit noon, at nang tanungin ko naman si Kevin ay sinabi din nitong hindi siya marunong mag-operate noon. Dahil pareho kaming hindi marunog ay wala na akong nagawa kung hindi gamitin ang mga kamay ko na kakapa-pedicure ko pa lang para lang magpulot ng mga kalat. I have been muttering curses nonstop ever since we started cleaning. Nakakainis lang kasi na ang relaxation time ko ay nabalewala nang dahil lang sa maagang pag-uwi ng Richard na iyon. Habang patuloy ako sa pagrereklamo sa isang kasalanan na ako naman ang may kagagawan ay tahimik naman si Kevin na patuloy na nagpupulot ng mga kinalat ko. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang pagtigil ng kotse ni Richard sa labas ng bahay. "s**t!" sa loob-loob ko. May ilang minuto na lang kasi bago makababa si Richard sa sasakyan nito, at makapasok sa bahay. "Hey guys, I'm home!" masayang sigaw ni Mr. Saavedra sa labas ng bahay, mukhang kakalabas lang nito ng kotse. "Bilisan mo! Pumasok ka na sa kuwarto mo, at magpalit ka agad ng damit!" natataranta kong utos dito, agad naman itong sumunod, at nagmamadali na itong pumasok sa kuwarto. Actually, hindi pa naman talaga kami tapos, pero mas mabuti na sigurong hindi makita ni Richard ang suot ng anak, dahil mas sigurado akong hindi ko maipapaliwanag kung bakit nakasuot na pang-maid ang bunsong anak nito. Tinodo ko na ang lahat ng enerhiyang natitira sa buong katawan ko, para lang matapos ng mabilisan ang paglilinis kong iyon. Almost there... A little more cleaning of the orange juice stain on the tiled floor that I purposefully spilled on the floor.... and... I'm done! Nanghihina akong napaupo sa couch nang sa wakas ay matapos ko ng linisin ang natirang kalat sa sala, sakto naman nang pumasok si Richard sa loob ng bahay. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para hindi ito masinghalan, kung hindi kasi dito ay hindi ako mapapagod na ganito, at ang mas nakakainis pa ay nakangiti pa itong lumapit sa akin. "Hi Jane, sorry kung ngayon lang ako nakabalik." paghingi nito ng paumanhin, ngunit bigla namang kumunot ang noo nito nang matitigan ako nito. "Ok ka lang ba? Mukhag pagod na pagod ka." nag-aalala nitong tanong. Sa totoo lang ay kanina ko pa ito gustong sigawan, pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil maliban sa gusto ko pa ding magtrabaho sa mga ito, ay wala na din akong lakas pa para gawin iyon. Isang nahahapong ngiti ang nanilay sa mga labi ko. "Naglinis kasi ako ng bahay." sagot ko dito. Hindi ko na sinabi dito na katulong ko si Kevin sa paglilinis kong iyon, nang marinig nga iyon ay mas lalong humanga sa akin si Richard na nangakong dadagdagan na naman nito ang sahod ko para sa buwan na iyon. Ilang minuto pa ang nakalipas nang mapansin kong lumabas na si Kevin sa kuwarto nito, bahagyang naging kalmado ang pakiramdam ko nang mapansin kong hindi na nito suot ang maid outfit na pinagamit ko dito, ngunit kahit ganoon ay hindi ko maipaliwanag na para bang may mali pa din dito. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa bandang binti nito. "s**t! He's still wearing the stockings!" sa loob-loob ko. Mabuti na lang talaga , at nakatalikod ito sa direksyo ni Kevin, kaya hindi nito napansin ang lampang bata. Pasimple naman akong sumenyas kay Kevin, pasimple kong tinuro ang binti ko, at mukhang agad naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin, dahil ilang sandali lang ay napatingin na ito sa sariling paa, at saka lang nito napagtanto na suot pa din nito ang stockings. "Nasaan na ba si Kevin?" nagtatakang tanong nito, akma itong tatalikod nang pigilan ko ito. "Mr. Saavedra!" ang may kalakasan kong tawag sa pangalan nito, nagtagumpay naman ako, dahil muli ako nitong hinarap kaya hindi nito nakita nang muling bumalik si Kevin sa kuwarto nito. Nakakunot naman ang noo ni Richard, habang hinihintay akong magsalita, hanggang sa wakas ay nakaisip ako ng sasabihin dito. "Sobrang behave ni Kevin ngayon, hindi niya ako binigyan ng sakit ng ulo." natataranta kong sinabi dito. Sa narinig ay bigla naman napangiti si Richard. Hindi na din ako nagtagal pa, at agad na akong nagpaalam dito, umuwi ako sa bahay na pagod na pagod nang dahil sa ginawa kong paglilinis. "Shoot muntik na iyon." sa loob loob ko nang humiga na ako sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD