CHAPTER 7: Revenge of The Nerd

1465 Words
-=m*******e's Point of View=- Ilang araw na din pala ang lumilipas simula nang turuan ko ang talunang batang iyon ng taekwando at kahit ayoko man aminin ay nakikita kong gumagaling lalo ito. At ngayong araw ngang ito ay masusubukan na ang mga natutunan nito sa akin, revenge of the nerd ika nga. IT'S PAYBACK TIME!!! Thursday nang magdecide akong sunduin si Kevin sa school nito. Agad kong tinawagan si Lizza sa cellphone ko at ilang ring din ang lumipas bago nito sinagot ang tawag ko sa pagkairita ko, I mean no one have the right to make m*******e Advincula wait but anyway agad ko iyong isinantabi ng marinig ko ang boses nito sa kabilang linya. "Hi Jane, how can I help you?" tanong nito. "Hi Mrs. Saavedra, I'm just wondering kung puwedeng ako na ang sumundo kay Kevin ngayon?" I said using my oh so polite tone on the phone. "Oh really? Wow that's really nice of you." sagot naman nito. So matapos ang sandaling pakikipag-usap ko kay Lizza ay on the way na ako sa school ng talunang batang iyon. Maaga pa nang makarating ako sa school ni Kevin kaya naman nagdecide akong maghintay sa kotse ko, hinayaan kong nakabukas ang pinto sa driver seat habang tumutugtog ang music sa stereo ng kotse ko. Hindi ko mapigilang hindi mapapitik sa hanging ng tumugtog na ang just like a pill na kanta ni Pink. Gustong gusto ko talaga si Pink, she's such a kickass chick kaya naman hindi ko napigilang hindi sumabay sa kanta nito, habang nakapikit. You're just like a pill Instead of making me better You keep making me ill........ I'm already enjoying my time when I was rudely interrupted by someone clearing his throat. "Bakit hindi na lang ako tawagin kesa gawin ang tunog na iyon? Hindi ba nila na nakakairitang marinig yon?" sa loob loob ko. Bahagya kong hininaan ang volume sa stereo ko at agad tinignan kung sinong poncio pilato ang umistorbo sa ginagawa ko. Agad akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang isang guwapong lalaki na nakasuot na fitter na puting tshirt emphasazing his muscled torso, he is also wearing a pair of faded jeans that's hugging his legs, the guy is tanned probably isa itong surfer, at base sa itsura nitong blonde hair at blue eyes masasabi kong foreigner ito, but unfortunately not really my type. "May kailangan ka ba?" tanong ko dito expecting him not to understand what I just said, ngunit laking gulat ko na hindi lang ito basta nakakaintindi ng tagalog nakakapagsalita din ito ng tagalog. The guy showed his most dashing smile as if naman may epekto sa akin kahit na nga ba lumabas ang pantay pantay at mapuputing ngipin nito, asa lang siya. "Napansin ko kasing nag-iisa ka diya kaya naman naisip kong baka kailangan mo ng company, I can accompany you real good." ang sinabi nito putting emphasis sa huling sinabi nito na para banag may iba itong gustong ipakahulugan. Sasagot na sana ako dito na maglaho na ito ngunit napigil iyon ng marinig ko ang bell sa school na ang ibig sabihin ay labasan na sa school na iyon. "Sorry pero may kailangan kasi akong sunduin." ang sinabi ko dito at matapos masiguradong nakalock ang lahat ng pinto ng kotse ko ay agad akong dumiretso sa entrance ng school complete ignoring the arrogant guy that disturbed my peace. Agad ko naman nakita si Kevin, at hindi ko alam kung hindi sinasadya nakita ko din na nakasunod ang dalawang bully na patuloy na tumitingin kay Kevin at base sa mga itsura ng dalawang ito ay mukhang may hindi magandang gagawin ang mga ito. "Hindi na talaga sila natuto." sa loob loob ko ngunit hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti lalo na't ito na ang tamang pagkakataon para magamit ng talunang batang iyon ang natutunan nito sa akin. Agad naman napansin ni Kevin ang pagsenyas ko dito, sinenyas ko kasi dito ang dalawang batang sumusunod dito, at katulad ng plano namin ay agad itong dumiretso sa mismong garden kung saan ko nahuli ang pambubully dito at katulad ng sinabi ko dito ay tahimik itong dumiretso sa swing na nasa park. I decided to hide myself in a nearby bush just to watch, hindi ko maiwasang hindi maexcite habang hinihintay ang dalawang bully. Ilang sandali nga lang ay dumating na din sila Porky at Gorilla faced kid at agad nitong nilapitan si Kevin. "Nasaan na ang yaya mo? Wala nang tutulong sayo ngayon?" narinig kong sinabi ni porky kid while flexing his fingers. Habang nagsasalita si Porky faced kid ay agad namang pumuwesto si gorilla faced kid sa likod since ito ang laging humahabak sa kamay ng biktima nila ngunit bago pa man mahawakan nito si Kevin ay nagulat ang mga ito nang mahigpit na hawakan ni Kevin ang kamay nito at ilang sandali lang ay nagawa na nitong paliparin ang naturang bully. Si Porky naman ay halatang nagulat sa ginawa ni Kevin, sandali itong nag-alangan nang makita ang kayang gawin ng binubully nito ngunit nang mapansin siguro nitong mas malaki pa din ito kumpara kay Kevin ay agad itong sumugod. Nagpakawala ito ng isang upper cut na agad naman naiwasan ni Kevin ng walang kahirap hirap. Nagpakalawa na naman ng panibagong suntok si Porky kid ngunit sa isang pagsuntok nito ay nahuli naman ni Kevin ang kamay nito at katulad ng ginawa nito kay Gorilla kid ay naihagis din nito si Porky kid ng walang kahirap hirap. I'm feeling so proud sa nakita kong mga moves na pinakita ni Kevin, kung puwede lang ay binigyan ko na ito ng standing ovation sa performance nito. Akma na sana akong lalapit sa mga bata nang mapansin kong humahangos na lumapit ang kanina lang na lalaking mahangin na nagpapansin sa akin. Bigla naman namilog ang dalawang mata ko ng makita ko kung paano nito batukan si Kevin, ang kawawang bata naman ay bigla napasubsob sa buhangin sa kinatatayuan nito kani-kanina lang. My blood went berserk and all the veins in my head starting to pump. "How dare this guy hit a defenseless kid." I muttered under my furious breath. Well fine alam kong madaming beses kong binabatukan ang talunang batang iyon but that was just for fun. Agad akong lumapit kung saan nakadapa pa din ang kawawang si Kevin at kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa tumumba ang demonyong gumawa non kay Kevin. Kitang kita ko ang pagkagulat na gumuhit sa mukha nito nang mukhang makilala ako nito. "Kapatid mo ba ang batang iyan?" tanong nito habang nakaturo kay Kevin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtulong sa bata para makatayo, at mukhang dahil sa inasal ko ay nag-init ang ulo nito dahil mukhang ito ang klase ng taong ayaw na hindi pinapansin. Bahagya akong napangiwi ng marahas na hawakan nito ang palapulsuhan ko kaya naman agad akong tumingin sa mga mata nito, kitang ko ang panunuya sa mga mata nito, what I did next is I grabbed his hand and bend it behid his back. I can hear the douchebag muttering curse kaya naman I added more force to it. "Son of a...... let go of my arm." galit nitong sinabi. "Humingi ka ng sorry or else babaliin ko ang kamay mo." pagbabanta ko dito, ramdam kong pilit itong pumimiglas ngunit masyado nang huli dahil maganda ang posisyon ko at kahit anong pagpupumiglas nito ay wala na itong magawa. "All right, all right I'm sorry, ok?" napipilitan nitong sinabi kaya naman nagdecide na akong pakawalan ang kamay nito. Inalalayan ko si Kevin para makatayo ito at hinatid ko na ito patungo sa kotse ko, ngunit bago pa man kami makalayo ay nakita ko sa periphial view ko na mukhang naghahandang umatake ang naturang lalaki. "They never learned, big mistake" sa loob loob ko. Bago pa man kasi ako nito mahawakan ay agad kong nahuli ang kamay nito and I sent him flying towards a pile of dog s**t. Agad akong lumapit dito and a satisfied grin appeared on my lips when I saw a scared look from his eyes. "That will teach you never to hit a kid a girl, you bastard." inambahan kong susuntukin ito kaya naman nagmamadali itong tumayo at lumayo sa lugar na iyon kasama ang dalawang bully. I just smirked and went back to the kid who's waiting. Pilit ko man huwag ngumiti ay hindi ko iyon napigilan nang maalala ko kung paanong nakaganti si Kevin sa mga bully nito. "Good job!" nakangiti kong sinabi dito, sabi nila masamang maghiganti but not for me. And for the first time I saw a genuine smile appeared on Kevin's lips. "Thanks." he replied At ilang sandali lang ay agad kong nang pinastart ang kotse ko para ihatid ito sa bahay nila, our thirst for revenge quenched.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD