-=m*******e's Point of View=-
Hindi ko maiwasang humanga sa pinakita ng talunan, at lampang batang iyon, at nang araw na iyon ay nakuha ni Kevin ang respeto ko, pero kahit ganoon ay hindi pa din nagbago ang pakikitungo ko dito sa tuwing mapag-iisa kami sa bahay ng mga ito.
Mukhang hindi ko na talaga maalis sa sistema ko ang pambu-bully, at pagpapahirap kay Kevin. Iyon na kasi ang naging libangan ko mula pa noon, at doon lang ako natutuwa sa tuwing makikita kong nahihirapan ito, at wala itong magawa kung hindi ang sumunod.
Nagpatuloy pa din naman ang pagsasanay ko dito ng taekwando, at masasabi kong mabili itong matuto, at kung magtutuloy-tuloy ito sa pagpa-practice ay may chance na baka mahigitan pa ako nito na hindi ko mapapayagan!
Mahirap na, at baka dumating ang pagkakataon na gantihan ako nito sa mga ginawa ko sa kanyang pambu-bully, wala pa naman akong kalaban-laban, dahil isa lang akong hamak na babae.
Mabilis na lumipas ang mga araw na hindi ko namamalayan, hanggang sa laking gulat ko na lang nang ma-realized kong examination week na pala next week!
Sa dami ng pinagkaabalahan ko ay nakallimutan ko na ang date, pero kahit naman maalala ko ang bagay na iyon ay hindi pa din ako magre-review.
Sino ba naman kasi ang may oras para mag-aral, gayong ang daming masayang puwedeng gawin? Definitely not me!
Madami akong puwedeng pagkaabalahan para sumaya, at hindi kabilang ang pag-aaral sa mga fun things na nasa dictionary ko.
Tatlong araw na lang ay examination week na, ngunit imbes na mag-review ay naisipan kong dumiretso sa malapit na mall sa school ng araw na iyon.
Meron kasi akong nakitang Chanel dress online ilang araw na ang nakakalipas, at nagbabakasakali ako na meron na sa mall na ito ng damit na hinahanap ko.
Habang nagmamaneho ay naisipan kong tawagan si Sandra, nang mag-uwian kasi ay bigla na lang itong nawala kaya hindi ko ito personal na naaya.
"Hello Sandra, si Jane ito. Nasaan ka ngayon?" tanong ko dito nang sagutin nito ang tawag ko.
"Nandito ako sa bahay nila Mitch ngayon, meron kasi kaming study group ngayon. Hindi mo ba nakuha ang text message ko sa iyo?" maang na tanong nito.
Sandali ko munang tinignan ang inbox ng cellphone ko, at saka ko lang nakita ang text message nito kanina.
Sa sobrang dami kasing nagte-text sa akin ay hindi ko na binabasa ang mga iyon, at madalas ay auto-delete na lang ang mga messages na iyon, kung importante naman ang mga messages nila ay paniguradong tatawagan na naman ako ng mga iyon.
Agad kong binasa ang message nito, at ayon sa text message nito ay iniimbitahan pala ako nito na sumama sa study group ng grupo nito.
Well... mabuti na lang din, at hindi ko na nabasa ang message nito, dahil wala naman akong balak na sumali sa kanila.
"Nakit ko na ang text message mo. By the way, nandito ako sa mall ngayon, baka gusto mong makipag-meet sa akin?" tanong ko dito, ngunit kahit hindi ko hintayin ang sagot nito ay parang nahuhulaan ang sasabihin nito.
"I'm sorry Jane, nagsisimula na kasi kaming mag-review, kaya hindi na ako makakaalis, at hindi na kita masasamahan." nahihiya nitong sagot.
As expected, tama nga ang hula kong sasabihin nito.
"I knew it! Same old nerdy Sandra, sabi nga nila maari mong palitan kung anong itsura nila at kung paano sila manamit, pero hindi mo mababago kung sino ano ba talaga ang panloob nila.
Hindi na din ako nagtagal sa pakikipag-usap dito, at matapos nga noon ay agad ko ng tinapos ang tawag kong iyon.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ako sa mall na pakay ko, sandali ko munang pinark ang kotse ko, at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa loob papunta sa Chanel store sa mall na iyon.
"Excuse me, I'm just wondering if you already have this piece?" tanong ko sa naabutan kong saleslady.
Sandali nitong tinignan ang hawak kong cellphone, na-save ko kasi ang damit na gusto ko, ngunit nalungkot naman ako nang bigla itong umiling.
"Sorry, pero wala pa po kaming dumadating na ganyang style, baka next week meron na kami, next week pa kasi dadating ang shipment ng mga bago naming stocks." mahinahon na paliwanag nito.
Wala na din akong nagawa kung hindi pansamantalang sumuko, kaya matapos magpasalamat sa saleslady ay agad na din akong lumabas ng store.
Imbes na umuwi agad ay naisipan ko na munang maglibot-libot sa mall, baka naman kasi may makita akong damit na magugustuhan ko, ngunit matapos ang mahigit isang oras na paglilibot ay wala pa din akong nakitang gusto ko.
Nang maubos ko ang Mocha frap na iniinom ko ay nagpasya na akong umalis na sa mall, at dumiretso na sa part-time job ko bilang babysitter.
Pagkalabas sa mall ay agad akong dumiretso sa sasakyan ko na nasa parking lot ng mall, at ilang sandali lang ay nagmamaneho na ako patungo sa bahay ng mga Saavedra.
Gamit ang susing pinagkatiwala sa akin ng mag-asawa ay nakapasok ako sa bahay, gaya ng inaasahan ay walang tao sa loob.
Maaga-aga pa din naman kasi, at mamaya-maya pa ang uwi ni Kevin, kaya naman naisipan kong dumiretso sa kusina para gumawa ng ham, and egg sandwich, nagkanaw na din ako ng orange juice para panulak sa kinakain ko.
Agad akong dumiretso sa sala, at doon ko hinintay na dumating si Kevin, sakto naman na kakaubos ko lang ng meryenda ko nang mapatingin ako sa labas ng bintana, sakto naman na napansin kong kakadating lang ng bus na service ni Kevin.
Dali-dali kong nilagay sa lababo ang mga pinagkainan ko, at nang makabalik sa sala ay agad akong nagtago sa likuran ng pinto.
Lumipas ang tatlong minuto nang sa wakas ay marinig ko na ang pagbukas nito ng pinto, sinigurado ko din na na-ilocked ko ang pinto para hindi ito maghinala sa binabalak kong iyon.
"Dad! Mom! I'm home!" sigaw ni Kevin nang tuluyan na itong makapasok.
Wala ang mga magulang ng lampang batang ito, nakatanggap nga ako ng text message kanina kay Mrs. Saavedra na hindi sila makakauwing ng maaga ngayong araw.
Muli na namang sumigaw si Kevin, ngunit katulad kanina ay walang sumagot dito.
Dahil nakatuon ang atensyon nito sa loob, ay nagkaroon ako ng pagkakataon na dahan-dahang lumabas sa pinagtataguan ko, at matapos kong makaposisyon ng tama ay agad ko itong binatukan.
"Aray!" narinig kong sinabi nito.
Agad itong napatingin sa akin, at halata sa reaksyon nito ang labis na pagkagulat, habang marahan nitong minamasahe ang nasaktan nitong batok.
"Gotcha you little twerp!" ang natatawang sinabi ko dito, hindi ko kasi akalain na mahuhulog na naman ito sa prank kong iyon.
"Bakit ka ba nambabatok?!" inis nitong tanong sa akin na tinawanan ko lang. Nasaan ba sila Daddy at Mommy?" tanong nito, habang iniikot ang mga mata sa loob ng kabahayan na parang inaasahan nitong bigla na lang susulpot ang mga magulang nito.
As if naman na maglalakas-loob akong batukan ito na nandito ang mga magulang niya.
"Huwag ka ng umasa, nag-text sa akin ang Mommy mo na male-late daw sila ng uwi, dahil may kailangan pa silang tapusin na mga trabaho." sa wakas ay sagot ko dito.
Hindi naman nakaligtas sa matalas kong mga mata ang lungkot na biglang gumuhit sa mukha nito, sinubukan nitong iiwas ang mukha nito, pero huli na dahil nakita ko na ang kalungkutan nito.
"I...see... sige pasok na muna ako sa kuwarto ako, sobrang dami ko kasing mga assignments na kailangang gawin." ang sinabi nito, halata sa boses nito na pinapasigla lang nito ang boses nito habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Ano bang problema ng batang iyon, eh hindi naman ito ang unang beses na makakauwi ng late ang mga magulang niya... weird." nagtataka kong tanong sa loob-loob ko.
Nanatiling nakasunod ang tingin ko sa papalayong si Kevin, kaya naman nakita ko ang paglaylay ng mga balikat nito nang inakala nitong hindi na ako nakatingin dito, hanggang sa tuluyan na nga itong nakapasok sa kuwarto niya, at isarado ang pinto.
Bago ito nakapasok sa loob ay napansin kong parang may kung anong pinahiran ito sa mukha niya, hindi ko sigurado kung ano iyon, dahil sa posisyon ko.
Hindi ko na masyadong inintindi ang batang iyon, at hinayaan ko na lang ito sa kung ano mang kadramahan nito, as if naman na ito ang unang beses na naiwan kaming dalawa sa bahay.
Imbes na problemahin ko pa ang lampang si Kevin ay mas pinili ko na lang na buksan ang TV sa sala, at manood.
Sakto naman na pinapalabas ang Diary of a Wimpy Kid, tungkol ito sa isang batang lalaki na madaming pinagdadaanan sa pagkabata nito, at isa na nga dito ay ang pambu-bully ng nakakatanda nitong kapatid.
Ang character ni Rodrick ang pinakapaborito ko, kasi nakaka-relate ako sa character nito. Pakiramdam ko kasi ay masyado kaming naja-judged ng mga tao, samantalang nag-eenjoy lang naman kami sa ginagawa namin.
Patuloy ako sa pagtawa sa pinapanood ko, sobra kasing galing ng kapatid ng bida na si Rodrick, nagagawa nitong mambully na hindi ito nahuhuli ng mga magulang nila, just like me na expert na sa ganito.
Bigla naman akong napabuga ng hangin nang mag-ring ang cellphone sa kabilang side ng sala, kung kailan naman kasi ako nag-eenjoy sa panonood.
"Istorbo naman oh." nayayamot kong sinabi, ngunit imbes na sagutin ang tawag na iyon, hinayaan ko na lang iyon sa pagri-ring, kung ang mag-asawang Saavedra naman ang tumatawag na iyon ay siguraong tatawagan nila ako sa cellphone ko.
Nag-ring pa ang telepono ng lima pang rings, at matapos nga noon ay awtomatikong dumiretso iyo sa answering machine.
"Hi! Richard, and Lizza here, we are not currently at home, so please your message, and we will get back to you as soon as we can." narinig kong sinabi sa recording sa answering machine, at matapos nga noon ay sinundan na iyon ng beep na ang ibig sabihin ay puwede na silang mag-iwan ng message.
"Hi! Lil bro, it's your big brother. I'm sorry kung hindi na naman ako makakarating ngayong kaarawan mo, nandito pa kasi ako sa UK, promise malapit na din akong umuwi. Happy birthday and enjoy your special day." narinig kong sinabi ng tumawag.
Mula sa nakakatandang kapatid ni Kevin ang tawag na iyon, hindi ko nga lang matandaan kung anong pangalan nito, dahil hindi naman iyon importante.
Bigla akong natulala, habang patuloy akong nakatingin sa phone, kahit na nga ba kanina pa natapos ang tawag na iyon mula sa kuya ni Kevin.
Bigla kong naalala kung paano hanapin ni Kevin ang mga magulang nito, at kung paano din ito nalungkot nang malaman nitong hindi pala makakauwi ang mga magulang nito.
Not it all makes sense, kung bakit na lang ito nalungkot ng ganoon, at sigurado na ako na luha ang pinunasan nito bago ito makapasok sa kuwarto niya.
Biglang pakiramdam ko ay may malaking kamay ang pumiga sa puso ko na sinundan naman ng isang alaala noong kabataan ko.
Nangyari na din kasi sa akin ang nangyaring ito kay Kevin. Minsan ay nangyari na din na hindi ko nakasama ang mga magulang ko nang makalimutan nila ang kaarawan ko, pinili kong maghintay, ngunit wala ding nangyari sa paghihintay kong iyon.
Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na nakatingin lang sa telepono, mabuti na lang, at nagising na ako mula sa malalim kong pag-iisip na iyon.
Agad kong winaksi ang alaala kong iyon, magmula kasi ng nangyari iyon ay hindi na ako umasa patungkol sa mga magulang ko, kaya nga mas ginusto ko ng bumukod na lang.
Dahil naranasan ko na ang ganito, ay agad kong naintindihan si Kevin, kaya naman isang ideya ang pumasok sa isip ko.
Hindi na ako nag-abalang kumatok pa, at agad kong binuksan ang pinto ng kuwarto ni Kevin, narinig ko pa ang impit nitong pag-iyak.
Patay ang ilaw sa kuwarto nito, kaya naman hinanap ko muna ang switch ng ilaw nito, at nang mahanap iyon ay agad ko iyong binuksan.
Naabutan ko naman ito na nakatalukbong ng kumot, pinilit nitong hatakin ang kumot nito, ngunit hindi ito nagtagumpay, kaya naman nakita ko ang namumula nitong mga mata.
Muli ay nakaramdam na naman ako ng awa dito, ngunit pinilit kong huwag pansinin iyon nang dahil sa ideyang naisip ko.
"Hoy! Tumayo ka nga diyan. Magbihis ka dahil kailangan mo akong samahan!" pasigaw kong sinabi dito.
"Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang umalis, wala akong gagawing masama kapag nag-isa ako dito." pangako nito na pilit pa ding iniiwas ang tingin sa akin.
"No!" sigaw ko dito.
Wala na nga itong nagawa kung hindi sumunod sa gusto ko, at matapos ang twenty minutes ay sakay na kami sa kotse ko na agad ko ding pinaandar.
Nanatiling walang imik si Kevin, kahit na nga ba nasa biyahe na kami. Mukhang malungkot talaga ito, dahil hindi man lang naalala ng mga magulang nito na kaarawan nito, mabuti pa ang kuya nito na nasa UK ay nakaalalang bumati dito.
Inabot din siguro ng mahigit isa't-kalahating oras bago namin narating ang gusto kong puntahan, at nang tignan ko si Kevin ay napansin kong nakatingin pala ito sa akin na may pagtatanong sa mga mata nito.
"Anong tinitingin-tingin mo? Ano ngayon kung gusto kong pumunta dito ngayon? May problema ka ba?" mataray kong tanong dito.
Sunod-sunod naman itong umiling sa takot nang dahil sa biglang pagtataray kong iyon, lihim naman akong napangiti nang mapansin ko ang kislap sa mga mata nito.
Nang malaman ko kasing kaarawan nito ngayon ay nagpasya akong dalhin ito sa Enchanted Kingdom para naman ma-celebrate nito ang kaarawan nito, pero siyempre secret lang ito, dahil ayoko pa ding malaman nito na gumagawa ako ng mabuti, like what I've said, I have a reputation to protect.
Sinimulan namin ang pagsakay sa mga rides, inuna namin ang Space Shuttle na labis kong na-enjoy, at kahit si Kevin ay halatang na-enjoy din ang naturang ride, kahit na nga ba namumutla ito sa takot.
Sinunod naming sakyan ang flying fiest na hindi naman nakakatakot, para ka nga lang nakaupo sa swing na umiikot paitaas, at nang matapos noon ay sinakyan na namin ang mga rides na kaya naming masakyan, bago matapos ang araw na ito.
Nang mapagod sa pagsakay sa mga rides ay naisipan naman naming magpahinga na muna, at kumain na din.
Hotdog sandwich ang napiling kainin ni Kevin na siyang inorder ko na din, nag-order na din ako ng iced tea para sa aming dalawa.
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang ngiti sa mga labi nito, at nang matapos kumain ay sinunod naman namin ang Realto.
Parang bumalik ako sa pagkabata habang sinubukan namin ang iba't ibang rides, sa sobrang pag-eenjoy namin ay hindi tuloy namin napansin ang oras.
Minabuti na naming umuwi at pagkasakay pa lang ni Kevin sa kotse ay agad itong nakatulog ng dahil sa pagod, at kitang kita ko ang saya sa mukha nito na labis na nagpagaan ng loob ko.
Isang genuine na ngiti ang nanilay sa mga labi ko habang nakatingin sa natutulog na bata sa tabi ko.
"Happy birthday twerp." bulong ko dito at matapos nga noon ay sinimulan ko nang paandarin ang kotse ko.