-=m*******e's Point of View=-
Sa kasamaang palad ay dumating na ang araw na kinakatakutan ko, at iyon ay ang examination week, sa mga nakalipas na mga araw ay hindi ko nagawang mag-review, kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa pagbagsak sa mga exams ko.
Umaasa na lang ako na may magpapakopya sa akin, at kung wala namang magpakopya ay aasa na lang ako sa suwerte, tutal naman ay multiple choices ang mga exams, kahit naman kahit paano ay baka may matsambahan ako.
"Handa ka na ba sa exams natin Jane?" tanong sa akin ni Sandra nang magkasabay kami nito sa pagpasok sa campus.
Abala ito sa paghahalungkat nito sa malaki nitong bag, ang ganda-ganda na nito, thanks to me of course, pero hindi man lang nito napalitan ang bag nito. Hindi kaya bagay sa itsura nito ang may kalumaan nitong bag.
"You said it!" confident kong sinabi dito, ngunit nang mawala ang tingin nito sa akin ay isang nag-aalalang expression ang makikita sa mukha ko.
Anong ready ako sa exam, eh hindi naman ako nag-review, at sigurado akong wala akong masasagot sa school, madalas kasi ay hindi ako nakikinig kapag nagtuturo ang mga Professor namin.
Bago ako natulog kagabi ay nanalangin na ako na magkaroon ng signal number four na bagyo, para ma-suspend ang klase namin ngayong araw, pero mukhang hindi ako malakas sa taas, at maliban pa doon ay madaming maagrabyadong tao kapag nangyari ang panalangin kong iyon.
"Ok guys! Settle down! In a few minutes ay magsisimula na ang exam ninyo. I really hoped na nag-aral, at nag-review kayong lahat." ang sinabi ni Professor Brook, habang pinapasa nito ang examination paper.
Hindi ko magawang tignan ang laman ng test paper nang sa wakas ay makakuha na ako ng isang pares ng examination paper, natatakot akong mabasa ang mga questionaire na naroon, dahil paniguradong wala akong alam kahit na isa man sa mga iyon.
Nanatili akong nakapikit, hindi ko nga narinig na sinabi ni Prof na puwede na kaming magsimula, at kung hindi pa ako kinalabit ni Sandy ay baka hindi pa ako nagmulat ng mga mata ko.
"Jane, puwede na daw tayong magsimula." pabulong nitong sinabi.
At nang tumingin nga ako sa paligid ay nakita kong nagsisimula na ang iba kong mga kaklase. Isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan ko bago ako tuluyang tumingin sa test paper na nasa harapan ko.
Agad akong napangiwi nang makita ko ang mga tanong sa test paper, katulad nga ng inaasahan ko ay wala akong alam na sagot sa kahit na isang taong mula doon.
Nagpalinga-linga ako sa paligid sa pag-asang may magpapakopya sa akin, ngunit maski ang mga kaklase ko ay mukhang nahihirapan na din, with the exceptions of few people including Sandy na kitang-kita ko na minamani ang exam.
"Eyes on your own paper!" narinig kong sita ni Prof, at nang tignan ko ito ay nakita kong sa akin pala ito nakatingin.
Sampung minito na siguro ang lumipas, ngunit nanatili pa din akong nakatitig sa walang sagot kong examination paper na para bang umaasa ako na biglang magma-magic na magkakaroon ng tamang sagot ang papel na iyon.
Kahit na anong gawin kong piga sa utak ko ay wala talagang lumalabas, mukhang tagtuyot talaga ang isip ko ngayon, kaya naman isang desisyon ang ginawa ko.
"Bahala na nga!" naiinis kong bulong sa sarili ko, at dahil multiple choices naman ay kung ano-ano na lang ang hinulaan kong sagot, wala naman kasi akong choice, at kahit siguro buong maghapon kong tignan ang test paper kong iyon ay wala pa din talaga akong maisasagot doon.
"Ito ang resulta ng hindi pag-aaral, at pang-uuna sa paglalakwatsa." pang-iinis ko sa sarili.
Wala pa sigurong thirty minutes nang matapos na ako sa pagsagot sa exam ko, at isa ako sa mga naunang nakatapos. Halos magkasabay nga kami ni Sandy na nagpasa, nauna lang siguro ako ng dalawang minuto dito nang lumapit kami kay Professor Brook.
Nang maipasa na din ni Sandy ang test paper niyo ay sabay na kaming lumabas ng classroom, dahil maaga naming natapos ang exams ay nagkaroon tuloy kami ng pagkakataon na pag-usapan ang tungkol sa exam namin.
"Kumusta ang exam mo?" nakangiting tanong ni Sandy sa akin, pinanglakihan ko naman ito ng mga mata.
"Ano ba sa tingin mo?" may kayabangan kong tanong dito.
Napangiti na lang ito sa pagsusungit kong iyon, mukhang nasasanay na din kasi ito, at kahit paano ay nasasakyan na nito ang ugali ko.
Naisipan naming magpunta na lang muna sa school cafeteria, dahil isang oras pa naman bago ang susunod naming exam.
Nang makarating sa cafeteria ay agad na kaming pumila, at nang turn na naming mag-order ay napili kong kumain ng chocolate cake, medyo nagcre-craved kasi ako sa matamis, samantalang si Sandy naman ay umorder ng ceasar salad.
"Oh please... health conscious much?" sa loob-loob ko nang makita kong puro green ang nasa pinggan nito, pero sinarili ko na lang iyon. Ano ba naman kasing pakialam kung iyon ang gusto niyang kainin.
Baka kasi madaling mag-gained ito ng weight, hindi katulad ko na kahit madami akong kinakain ay hindi ako tumataba.
Nang makuha namin ang mga order namin ay agad na kaming naghanap ng mauupuan, hinayaan ko si Sandy na pumili ng mesa namin, at sa kamalas-malasan ay napili pa nitong umupo sa malapit na table kung saan naroon ang football team.
Sobrang ingay pa naman ang mga ito na akala mo ay sila ang nagmamay-ari ng lugar, wala man lang consideration, ngunit natigilan ako nang mapansin kong kanina pa pasimpleng tumitingin si Sandy sa kabilang table, kay Brent De Leon to be exact. Ang quarterback ng the Badger.
Badgers ang tawag sa football team ng school, at masasabi kong sikat din ang mga ito, dahil champion sila last year.
Isang hinala ang pumasok sa isip ko, at nang muli kong mahuli si Sandy na tinitignan si Brent ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapangisi.
Sa itsura ngayon ni Sandy ay masasabi kong hindi na ito alangan sa isang tulad ni Brent De Leon, at paniguradong bagay silang dalawa.
"Ano?!" nahihiyang tanong nito nang sa wakas ay mapansin na nitong kanina ko pa itong nahuhuli.
"You've got a thing for Brent!" hindi ko napigilan na maibulalas, mabuti na lang at mahina lang ang pagkakasabi kong iyon, kaya hindi narinig sa kabilang table ang sinabi kong iyon.
Bigla namang namula ang magkabilang pisngi ni Sandy nang dahil sa pagkakahuli ko sa nararamdaman nito, mas lalo tuloy akong nag-enjoy sa panunukso dito.
Nagpatuloy ako sa panunukso dito, hanggang may pumasok na idea sa aking beautiful mind, mukhang nahulaan naman ni Sandy ay nasa isip ko, kaya kita ko sa mga mata nito na para bang pinipigilan ako nito, but too late.
"Hey Brent!" malakas na tawag ko dito, hindi ko na pinansin ang naging reaksyon ni Sandy na bigla na lang natakpan ang mukha gamit ang bag nito.
Agad namang napatingin sa amin si Brent, sandali itong nagpaalam sa mga kasama nito, at nang matapos nga noon ay lumapit na ito sa table namin.
Hindi nakaligtas sa akin kung paano nitong tignan si Sandy ng hindi nakatingin si Sandy, hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa din ito.
"Hmmm... mukhang hindi one-sided ang love story ng kaibigan ko ah." sa loog-loob ko, base kasi sa nababasa ko sa mukha ni Brent ay masasabi kong may gusto din ito kay Sandy.
"Hi ladies, is there anything I can help you with?" simpatikong tanong nito nang tuluyan na itong makalapit sa table namin.
Hindi na nito naalis ang tingin kay Sandy, habang si Sandy naman ay hindi pa din makatingin sa bagong dating.
"I don't remember introducing you to my new and hot friend Sandy, and Sandy, this is Brent De Leon, the school's quarterback." pagpapakilala ko sa dalawa.
Katulad sa mga movies, kung saan unang nagkita ang dalawa ng bida ay nagtama ang kanilang mga mata, at hindi nila magawang alisin ang tinginan nilang dalawa, at kahit nang magkamay ang dalawang ito ay parang meron akong nakikitang spark sa mga mata nila.
Matagal-tagal din nagkahawak ang kamay nilang dalawa, at kung hindi pa ako kunwaring naubo ay hindi pa papakawalan ni Brent ang kamay ng kaibigan ko.
"Brent, baka puwedeng makahingi ng favor?" tanong ko dito na nanatiling naka-glue ang tingin kay Sandy.
Tumango lang ito bilang sagot sa tanong kong iyon, hindi man nga lang ako nito tinapunan ng tingin, at malakas ang kutob ko na hindi naman nito naintindihan ang sinabi kong iyon.
"Actually, nangako kasi ako kay Sandy na sasamahan ko siyang manood ng sine, pero may kailangan pala akong gawin ngayong araw, nawala kasi sa isip ko iyon, kaya naman kung puwede lang na samahan mo siya bilang kapalit ko? Ayoko naman na mag-isa lang siyang manood ng sine, at baka meron pang mambastos sa kanya." pakiusap ko dito.
Sa wakas ay napatingin sa akin si Brent, at kitang-kita ko ang sayang pinipigilan nitong ipakita. Pinigilan ko naman ang sarili kong mapangisi nang mapansin ko ang naging reaksyon ni Sandy, natuwa din ako dahil ang bilis kong mag-isip ng way para magkalapit ang dalawang ito.
"Sure! Walang problema sa akin iyon, para sa pinakamagandang babae sa school." simpatiko nitong sinabi, kasunod ng paglitaw ng killer smile nito.
Pinigilan ko naman na mapataas ang kaliwang kilay ko nang marinig ang sinabi nito, excuse me lang ako kaya ang pinakamaganda sa school, pero sabi nga nila ay beauty is in the eye of the beholder, at mukhang gustong-gusto talaga nito si Sandy kaya papalagpasin ko na lang ang sinabi nito.
"Then it's a deal then?" tanong ko dito.
Ngumiti itong tumango, at matapos ko nga itong mapapayag ay agad na din itong bumalik sa mga kasama nito.
Kitang-kita ko kung paano biruin ng mga teammate nito si Brent, pero halata naman sa reaksyon nito na masaya ito, dahil makaka-date nito si Sandy.
"How could you do this to me?" kunwaring naiirita nitong sinabi, pero halata naman sa boses nito na masaya din ito sa kinalabasan ng naisip ko para paglapitin ang dalawang ito, kung hihintayin pa kasi namin na may gawin si Brent ay malamang naka-graduate na kami ay wala pa ding nangyayari sa love story ng dalawa.
"Oh please Sandy, alam ko naman na gusto mo si Brent, at base sa nakita ko ay mukhang malakas din ang tama sa iyo ng taong iyon, kaya naman nagpasya akong kumilos na apra sa inyong dalawa. Ayaw mo noon ako na ang naging tulay ninyong dalawa?" nananantiyang tanong ko dito.
"Oo nga... pero hindi ba parang inapproriate na mag-date kaming dalawa ng ganitong kabilis?" nag-aalangan pa din nitong sinabi.
"Hindi naman siguro, and besides. Hindi naman ikaw ang nagyaya, nagkataon lang na hindi kita masasamahan nang dahil sa biglaan kong lakad na nakalimutan kong sabihin sa iyo." nakangising sagot ko.
Mukhang hindi pa din ito kumbinsido sa sinabi ko, kaya minabuti kong magpatuloy sa pagsasalita, habang seryosong nakatingin dito.
"Just trust me Sandy. I know what I am doing, at sigurado akong hindi ka mapapahamak kay Brent, dahil mabuti siyang tao." patuloy kong pangungumbinsi dito.
Actually, naging manliligaw ko na din ito dati, at sa totoo lang ay muntik ko na itong sagutin, dahil sobrang bait nito, pero wala talaga akong naramdaman na spark kapag kasama ko ito, kahit na nga ba guwapo ito.
Agad naman kaming dumiretso sa kasunod naming exam, at katulad kanina ay puro hula lang ang ginawa ko sa exam kong iyon.
Nang matapos ang lahat ng exams namin ng araw na iyon ay muli ko siyang dinala sa paborito kong salon, para mas lalo pa siyang pagandahin, iyong tipong hindi na makakaya ni Brent na mawala pa si Sandy.
"Saan ka pupunta?" narinig kong tanong ni Sandy nang magpaalam ako ditong lalabas na muna.
"May bibilhin lang ako." sagot ko naman dito.
Sa isang malapit na boutique ako dumiretso, may nakita kasi akong black dress na sigurado akong babagay kay Sandy.
Hinintay ko na munang matapos ang make-up at hair ni Sandy, bago ko ipakita sa kanya ang black dress na binili ko para sa date nila ni Brent.
"Hindi ba masyado atang revealing ang damit na ito?" nag-aalangan nitong tanong nang sa wakas ay makapagpalit na ito.
Masakit man aminin, pero ang ganda ngayon ni Sandy, lalong na-enhanced ang ganda nito nang maayusan ito, at nang dahil sa suot nito.
"No my friend you look perfect." sagot ko dito na siyang totoo naman at matapos nga noon ay tinext ko na agad si Brent para katagpuin kami sa mall.
Minabuti naming sa Starbucks nang maghintay at matapos lang ang sampung minuto ay dumating na din ang binata at natuwa ako sa naging reaksyon ni Brent nang makita nito si Sandy.
"Oh siya maiwan ko na kayong dalawa diyan dahil ayoko naman maging istorbo, at Brent ingatan mo ang kaibigan ko ah kung hindi lagot ka sa akin." pagbabanta ko dito pero ni hindi man lang ako pinansin ng dalawa at mukhang may staring challenge sa pagitan nila.
Sandali akong nagmasid sa malayo at nang makita kong gentleman naman si Brent ay tuluyan ko na silang iniwan.
Matapos lang ang isang linggo ay sinabi nito sa akin na sila na ng binata na kinagulat ko dahil masyadong mabilis ang isang linggo lang, ngunit agad ko na iyong pinalampas lalo na't nakikita kong masayang masaya si Sandy.
"Ngayon lang ako naging masaya nang ganito Jane, I feel like I'm walking in cloud nine." paliwanag ni Sandy na hindi pa din mawaglit waglit ang ngiti sa bibig.
"Well that's the power of love, and looks like your Romeo is already here." sinabi ko dito habang nakatingin sa paparating na si Brent.
Brent gave Sandy a quick kiss on the lips.
"Hi Jane pupunta kami ng cafeteria baka gusto mong sumama?" tanong ni Brent habang nakayakap ang kanang kamay sa bewang ng nobya.
"Sige lang mauna na kayo, kailangan ko pa kasing tignan ang resulta ng mga exams ko." sagot ko naman.
Nang magpaalam na ang mga ito ay agad akong dumiretso sa update board at sakto naman ang nakapost na doon ang result ng exams namin at natatakot akong malaman kung ano bang naging resulta ng panghuhula ko sa mga exams ko.
"Oh God, Oh God!" para akong naghahyperventilate ng dahil sa kabang nararamdaman ko.
Hindi ako makatingin ng diretso, and then I finally decided to take a peek and my legs almost stumbled after seeing the results.
To my amazement, I passed all my exams, kahit na nga ba nanghula lang naman ako sa halos lahat ng exams ko.
Well mukhang totoo nga ang karma, a good deed for a good karma.