CHAPTER 10: Love at First Sight

1565 Words
-=m*******e's Point of View=- Alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit nagkatuluyan sila Sandy, at Brent. Magmula ng magka-date ang mga ito ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Brent na agad na niligawan si Sandy, and to be honest I am happy for the both of them, pero hindi ba puwedeng huwag naman silang masyadong o.a. sa pagpapakita nila ng kanilang pagmamahalan? I mean get a room geez! Public display of affection much?! Hindi naman dahil sa bitter ako, or anything. Nanatili pa din ang paniniwala ko na bagay na bagay ang dalawang ito, pero kasi naman sumusobra na ang pda nila, hindi ko tuloy maiwasang mainggit for some reason. Hindi ko alam kung bakit ba ako nainggit kay Sandy, hindi dahil sila na ni Brent, dahil katulad nga ng sinabi ko ay wala akong nararamdaman sa taong iyon. Oo nga at guwapo naman talaga si Brent, mabait pa, at maliban pa doon ay sikat ito sa buong campus bilang ito ang quarterback ng football team, pero wala talaga akong naramdam na spark, o kahit nga man lang kilig dito. Zero... nada... Siguro ay naiinggit lang ako, dahil bilang isang babae ay pinangarap ko din na maramdaman ang main-love, sa edad ko kasing ito ay hindi ko pa nararamdaman ang tinatawag nilang pagmamahal. Oo nga at maraming nagkakagusto sa akin, at madami na din ang nagtangkang manligaw sa akin, pero wala sa mga iyon ang nagustuhan ko talaga. Oo nakakatuwa na madami ang nag-aadmire sa kagandahgan ko, pero iyon lang iyon. Gusto ko din namang ma-experience iyong tipong bigla ka na lang na mapapangiti kapag naalala mo ang espesyal na taong kayang magpatibok ng puso mo ng mabilis, at kayang iparamdam sa iyo ang kasiyahan na kahit kanino ay hindi mo mararamdaman. Buong akala ko nga ay mararanasan ko iyon ngayong college na ako, pero mukhang mabibigo ay at mukhang kailangan ko pang maghintay ng mahabang panahon bago ko makita at mahanap ang dream guy ko. Kasalukuyang nasa quadrangle ako, habang hinihintay si Sandy na dumating. Napag-usapan kasi naming dito magkikita, ngunit sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Mahirap din palang magkaroon ng kaibigan, dahil kailangan mong habaan ang pasensya mo. Ilang sandali lang ay natanaw ko na si Sandy, at katulad ng inaasahan ko ay kasama na naman nito si Brent. "And here comes Romeo and Juliet." sarcastic kong naisip, habang hinihintay na makalapit ang magsing-irog, at siyempre magka-holding hands ang dalawang ito, habang naglalakad palapit sa akin. Naisipan ko na ngang salubungin na lang sila, dahil hindi din naman kami magtatagal sa puwestong ito nang may isang mukhang Latino ang lumapit sa akin sa pagkagulat ko. "You're Jane?" tanong nito with his sexy, exotic accent. "Yes, and you are?" nananantiyang tanong ko dito. Hindi ko naman kasi ito kakila, tapos bigla-bigla na lang itong susulpot, pero in fairness sobrang guwapo nito, kahawig nga niya si Francisco Lachowski na Brazilian model. "Hi, I'm Eduardo Gomez. I just transferred here from Brazil." pagpapakilala nito sa akin. In fairness medyo naging interesado ako sa kanya, ang guwapo naman kasi talaga nito, at ang sarap pakinggang ng accent nito na ngayon lang nangyari sa akin. Kitang-kita ko naman ang inggit sa mga mata ng mga babaeng schoolmate ko habang kausap si Eduardo, sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganitong kaguwapo ang lalapit sa iyo, pero kahit ganoon ay para pa ding nakukulangan ako na para bang may something missing. "Oh I see... how did you know me?" nakangiti ko ng tanong dito. Hindi na din ako tumanggi ng makipagkamay ito sa akin, pinigilan kong hatakin ang kamay ko dito nang maramdaman kong masyadong matagal na ang pagkakahawak nito sa kamay ko. "I actually asked around, when I first saw you. I think, that you're really pretty." suwabe nitong sinabi. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko nang mapansin ko ang pagbabago ng direksyon na nilalakad ng lovebirds, hindi na kasi sila nagtuloy sa paglapit sa akin. Sandali kami nitong nag-usap, at kahit paano naman ay mukhang interesting ang taong ito, kaya nga naisipan kong bigyan ito ng chance kung sakaling manligaw ito na halata naman na balak nitong gawin lalo na at hindi naman ito magpapakilala sa akin kung wala itong balak. Na-enjoy ko naman ang pakikipagkuwentuhan dito, in fairness ay may sense of humor ito at masasabi kong may utak ito, pero kahit ganoon ay hindi ko pa din maramdaman ang sinasabi nilang spark, iyon daw kasi ang mararamdaman ng dalawang tao, kapag may espesyal na damdamin sa kanilang dalawa, umaasa na lang ako na baka maramdaman ko din iyon kay Eduardo kapag nagtagal ang pagkakakilala namin. "By the way are you going to the assembly meeting later?" tanong nito. At saka ko lang naalala ang announcement kaninang umaga tungkol sa assembly. "Oh shoot I totally forgot, hmmmm probably yes, how about you? are you going as well?" tanong ko naman dito and in fairness nakakasagot pa din ako ng english dito, no choice eh mukhang hindi ito makakaintindi ng tagalog. "Actually I can't, I need to go with my dad since I'm working for our business here." ang malungkot nitong sinabi. I added another good point to his rate for a possible boyfriend prospect, sobra akong humahanga sa mga taong nag-iisip ng future nila kahit mga bata pa sila. "Let me get your number instead." ang sinabi ko dito sabay kuha ko sa phone nito at nang masave ko na ang number nito ay miniscall ko naman ito para naman masave niya ang number ko. Matapos naming magpaalamanan ay dumiretso na ako sa auditorium kung saan gaganapin ang assembly, at ito naman ay dumiretso na sa parking lot kung san nakapark ang kotse nito. "So sino ba iyong lalaking iyon?" panunukso sa akin ni Sandy ng katagpuin ko ito sa harap ng auditorium. "Just some guy named Eduardo." sagot ko naman dito at kita ko sa itsura nito na hindi pa ito tapos sa pagtatanong nito mabuti na nga lang at nabaling ang atensyon nito sa nagaganap sa stage. "Tungkol kaya saan ang assembly na ito?" tanong ko dito dahil hindi naman ako masyadong mahilig sa mga ganitong bagay. Of course knowing Sandy she have all the answers in all textbooks at lahat ng mga nangyayari sa campus. "Alam mo na mga plans para mas mapaimprove ang school at nalaman ko na isang sikat na bisita ang special guest natin, balita ko nga nanggaling siya sa Europe." sagot naman nito. "Hmmm I see.... probably some old, fat guy wearing a suit." sa loob loob ko, naiimagine ko na kung paano magiging boring ang assembly na ito. Minabuti na naming dumiretso sa fourth row ng auditorium at nang makaupo ay nakita namin ang pagdagsa ng iba pang mga estudyante. Naghintay din kami marahil ng mga sampung minuto bago namin nakita ang Chancellor ng school namin na papalapit sa mic sa stage. "Good afternoon students and fellow educators, today we are going to give you updates on what's going to happen and at the later part we will have a very special guest that will give us a speech." Chancellor Rogelio said. All I can here is blah blah blah school, blah blah blah improvement, blah blah blah these and that. Mas pinili ko na lang na ilibot ang paningin ko sa paligid kaysa naman mamatay ako sa boredom na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nakita ko naman na hindi lang ako ang inaantok at kung ano ano ang ginagawa ng ilan para lang hindi makatulog dahil sa nakakabatong mga updates para sa school. I felt my phone vibrate and saw a text message from Eduardo. "Hi, already here in the office going to a meeting after five minutes, how the assembly?" text nito. "Capital B BORING!!!" replied ko sa text niya. Para talunin ang pagkabato ay mas minabuti ko pang magtext dito kaysa makinig sa kung ano man ang sinasabi ng speaker sa harap. "And finally our special guest has arrived, please give a warm welcome to Architect Rick Saavedra." narinig kong sinabi ng boring naming chancellor. Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa harap dahil siguradong sigurado akong hindi ko type ang magsasalita ngunit napakunot ako ng noo ng makarinig ako ng gasp sa mga schoolmates ko kaya naman nagtaas na din ako ng tingin and what I saw took my breath away seeing a gorgeous man in front. Para siyang isang greek god na bumaba sa lupa, nakasunod lang ako ng tingin habang naglalakad ito patungo sa gitna ng stage. Six fee in height, itim na itim ang clean cut na buhok nito, expressive black eyes na para bang laging nangungusap na hindi mo magagawang ilayo ang tingin sa mga iyon, a sensual lips that seems to be promising heaven. Hindi ko maalis ang tingin ko sa guwapong nilalang na ito who happened to be our special guest for today, nakasuot lang ito ng dilaw na polo s**t at skinny jeans that's hugging his muscled legs and showing a sexy behind. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling para akong nahihipnotismo habang nakatingin dito, I can't take my eyes off him, sinusundan ko ang bawat galaw nito, the way his lips move when he's talking, the way his hand moves when he's touching his chin. Pakiramdam ko may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko. "Ano ba tong nararamdaman ko?" sa loob loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD