-=m*******e's Point of View=-
Kanina lang ay naiingit ako kay Sandy, dahil nakilala niya ang taong kayang patibukin ng mabilis ang puso niya, tapos sa wakas ay naramdaman ko na din iyon.
Hindi pa din ako makapaniwala na makikita ko ngayon ang aking man of my dreams, siguradong-sigurado na ako na siya na talagang hinihintay ko.
Titig na titig ako dito, habang pinapakinggan ko ang lahat ng lumalabas sa bibig nito na para bang nakasalalay ang ekonomiya ng bansa sa mga sinasabi nito.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pakiramdam ko ay sinisilhan ang pang-upo ko ng mga oras na iyon.
"Oh my G... is he looking at me?" sa loob-loob ko.
Pakiramdam ko ay nagha-hyperventilate na ako ng dahil sa kaba nang mapansin kong sa akin yata nakatingin ang guwapo lalaking ito, mukhang napansin nito ang kagandahan ko na kahit dapat ay nagsasalita ito ay hindi niya maiwasang tahimik na pagmasdan ang angking kagandahan ko.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagka-consious sa itsura ko, hindi ko tuloy sigurado kung dapat ba akong kumuha ng salamin para i-check ang sarili ko, pero parang too late na naman kasi nakatingin na siya sa akin, at baka kung ano na lang ang isipin niya na masyado akong vain, which I'm not! Concious lang talaga ako sa itsura ko ngayon.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman ko ang pangangalabit sa akin ni Sandy, napakaistorbo talaga ng babaeng ito, kaya naman winaksi ko ang kamay nito, ngunit nagpatuloy lang ito.
"Jane." narinig kong tawag ni Sanday sa akin.
"What?!" mahinang asik ko dito, habang nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa lalaking pangarap ko, pero naging makulit si Sandy, kaya naman labag man sa kalooban ko ay inalis ko ang tingin sa guwapong mukha ni Mr. Speaker, at naiinis na tumingin sa kaibigan kong istorbo.
"Iyong cellphone mo kasi kanina pa tunog ng tunog, mukhang may tumatawag yata, at nakakaistorbo sa speech ng guest speaker." nag-aalangan nitong sinabi sa akin, sabay turo sa bag ko.
Nang narinig ko ang sinabi nito ay saka ko lang na-realized na tama nga ito, tumutunog ang cellphone ko, at kaya pala napatingin sa akin si Rick ay dahil naistorbo ko ang speech nito nang dahil sa pesteng cellphone ko.
"Sorry..." I muttered habang nakatingin pa din kay Rick.
"Magaling Jane, talked about giving a good first impression." inis na inis kong bulong sa sarili ko, nakakahiya sa man of my dreams baka kung anong isipin nito sa akin.
Tutal naman ay napahiya na ako ay minabuti ko ng lumabas na lang ng auditiorium, ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi nang dahil sa pagkapahiya kong iyon dahil sa pagtunog ng cellphone ko.
Naramdaman ko din na nakasunod ang tingin sa akin ni Rick, actually ng lahat ng tao sa venue na iyon, kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makalabas na nga ako ng auditorium.
Nang makalabas ay saka ko lang kinuha ang cellphone sa bag ko, patuloy pa din itong nagri-ring.
"What?!" iritable kong sagot, hindi ko na nga tinignan kung sino ang tumatawag na iyon, basta mainit ang ulo ko! Napahiya ako sa lalaking nagustuhan ko.
Hindi naman agad nakaimik ang tao sa kabilang linya, siguro ay nagulat ito sa iritable boses ko.
"Uhmmm... Hi Jane, si Lizza to. I'm really sorry, mukhang naistorbo kita." narinig kong sinabi sa kabilang linya.
Gusto kong batukan ang sarili ko nang malaman kong si Lizza Saavedra na Mommy ni Kevin Saavedra lang naman ang caller ko.
Sa sobrang pagkainis ko kasi sa nangyari kanina ay hindi ko man lang sinigurado kung sino ba ang tumatawag na iyon.
"Oh hi Lizza, sorry may inaaway kasi akong lalaki dito, binabastos ba naman iyong matandang ale." pagsisinungaling ko.
"Grabe naman pala, pero mag-ingat ka pa din, baka kung anong gawin sa iyo niyan." nag-aalala naman nitong sinabi.
Hindi ko alam kung gaano ka-gullible ang mga ito, o baka masyado lang silang madaling magtiwalang mag-asawa.
"Sorry, bakit ka nga pala natawag?" tanong ko dito.
"Napatawag ako kasi baka puwede mo namang samahan si Kevin sa school niya, meron kasi siyang speech, at hindi kami makakarating ng Daddy niya." paliwanag nito.
"Typical." sa loob-loob ko, masyadong busy ang mga ito para kumita ng pera, pero napapabayaan naman nilang ang anak nila, lagi silang nakaasa sa mga babayaran nilang tao para bantayan ang anak niya, pero siyempre sa isip ko lang iyon.
Anong pakialam ko naman kung wala silang time sa anak nila, pabor nga sa akin iyon, dahil ibig sabihin ay kailangan pa nila ng serbisyo ko.
Gustong-gusto sanang sabihin na hindi, pero siyempre hindi ko puwedeng gawin iyon. Gusto ko kasing manatili sa isip nila na isa akong ever reliable babysiter na handang tumulong sa kanila.
Extra tip din kasi iyon kapag may ginawa akong hiling nila, lalo na hindi pasok sa oras ng pagbabantay ko kay Kevin.
"Sure anong oras ko siya susunduin mamaya?" tanong ko kahit na nga ba todo pagtanggi ang puso ko dahil may importante sana akong gustong gawin.
At iyon ang mas makilala pa ang man of my dreams na si Rick, and thinking about Rick made my heart do a somersault.
"Wait Jane nag text ang asawa ko mukhang siya na ang bahalang sumundo kay Kevin, mukhang wala siyang masyadong kailangan gawin ngayong hapon, kaya salamat na lang." ang sinabi nito.
YES! My heart is singing with glee. Puwede na akong bumalik sa auditorium para makita siyang muli.
Matapos magpaalam kay Lizza ay nagmamadali akong bumalik sa auditorium pero bago iyon ay sinugurado ko munang nakavibrate ang phone ko mahirap nang mag take two ang embarrassment ko, ngunit nang makalabalik ako doon ay saka ko lang nalaman na tapos na pala ang assembly.
Umikot ang mga mata ko sa loob ngunit hindi ko makita ang lalaking nagpatibok ng pihikan kong puso.
Imbes na magmukmok ay dumiretso na lang ako sa cafeteria kung saan ko naabutan si Sandy na solong kumakain.
"Zup?" walang kabuhay buhay kong tanong dito, para kasing nadrained ang lahat ng lakas sa katawan ko ng dahil sa disappointment na naramdaman ko ng hindi siya uli nakita.
"Ok ka lang ba Jane?" tanong ni Sandy sa akin kasunod ang paghipo nito sa noo ko as if checking for my temperature which made me smile.
"Nah! Medyo napagod lang ako." sagot ko dito. "Nga pala nasaan na si Brent?" tanong ko nang mapansin kong wala si Romeo which is quite unusual.
"They have an emergency training, pero mag mimeet kami mamaya pagkatapos." sagot nito na patuloy pa ding nakatingin sa akin na para bang binabasa nito ang mood ko.
"Bakit iba kang makatingin?" nagtataka kong tanong dito.
"It's just that you look kind of funny, not the haha funny but funny like you're not yourself at all." paliwanag nito.
"Ok, ok you got me, tingin ko kasi in love na ako!" excited kong sinabi dito.
Muntik na akong matawa sa naging reaksyon nito dahil mukhang malabo sa sinabi ko ang hinala nito.
"Oh my! This is big." sinabi nito na hindi pa din makaget over sa sinabi ko pero alam kong masaya ito para sa akin, this is one of those days na benefit ang pagkakaroon ng kaibigan.
"Alam ko, pero ang hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko." voicing out my dilemma and uncertainty.
"Paano kung hindi niya ako magustuhan?" tanong ko dito for the first time para akong nainsecure.
"Nagbibiro ka ba? I mean you're m*******e Advincula the most popular girl at school at nakita ko naman kung paano ka niya tinignan kanina, gusto ka din niya sigurado ako." she said trying to boost my confidence.
"Tingin mo?" tanong ko dito at napangiti naman ako ng tumango ito.
"Of course I do at napakasuwerte ni Eduardo to have you." she said smiling.
"Yes, I really love....... say what? Who's Eduardo?" naguguluhan kong tanong dito kung sino si Eduardo.
"Si Eduardo iyong lalaking kausap mo kanina." sagot naman nito na halatang naguluhan na din.
"Hindi ako in love kay Eduardo, in love ako kay Rick." ang sinabi ko dito and finally I saw realization dawned on her.
"Pero he's ten years older than you, you're eighteen and he's what twenty seven or twenty eight." hindi makapaniwala nitong sinabi.
"My dear friend, hindi mo ba alam ang kasabihang age is not a problem or something line that." I said.
"It's age doesn't matter, but you are still young and besides estudyante ka pa dito at mas matanda siya sayo, sobrang mali ito Jane. sagot nito habang naka cross ang dalawang braso nito to form an x sign.
"Wala akong pakialam at gagawin ko ang lahat para makuha ko siya, ito ang unang beses na na inlove ako and most likely the last kaya gagawin ko ang lahat para maging akin si Rick." nakanguso kong sinabi dito.
Huminga muna ito nang malamig bago nagpatuloy na magsalita.
"Alam ko naman iyon pero nag-aalala lang ako para sayo, ayaw kitang masaktan." she said which I really appreciate.
"Alam ko naman iyon at sobra akong nagpapasalamat dahil nakilala kita, I couldn't asked for any other best friend in the whole world." sinabi ko dito.
Niyakap ako nito nang mahigpit and I can feel the support in her hug na kahit hindi pa din ito sang-ayon ay nararamdaman kong kahit na anong mangyari ay nandito pa din siya para sa akin.
"Pero sigurado ka bang hindi si Eduardo ang mahal mo?" tanong muli ni Sandy matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.
"SANDY!" sigaw ko dito at napagtanto kong binibiro lang pala ako nito.
Kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol kay Rich, at iyon mismo ang gagawin ko.
Get ready m*******e Advincula ang inyong imbestigador ay narito na! Excuse me po!