CHAPTER 12: He's What?!

3014 Words
-=m*******e's Point of View=- Hindi pa din ako makapaniwala na sa wakas, after waiting for a long time nahanap ko na din ang aking man of my dreams sa katauhan ni Rick. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din ang guwapo nitong mukha, pakiramdam ko nga ay balewala ang mga nagagandahang mga lalaki sa showbiz kung ikukumpara kay Rick. They will all failed in comparison to my Rick. Hindi naman lingid sa akin kasi na madalas na nadadaan sa make-up ang itsura ng ibang mga artistang lalaki. Common naman kasi ang pagme-make up ng mga artista kahit na ang mga lalaki sa showbinz, pero iba si Rick talaga. Guwapong-guwapo kasi talaag ito, at maliban pa doon ay lalaking-lalaki ang dating nito. Maliban sa angking kaguwapuhan nito ay magandang din ang tikas nito na lalong nagpapadagdag ng appeal sa akin, at mukhang hindi lang naman ako ang nakapansin doon, dahil nang matapos ang assembly ay naging usap-usapan na iyon ng iba pang mga schoolmates ko. "Asa naman kayong mapapansin ni Rick," sa loob-loob ko habang nakaismid na nakatingin sa isang grupo ng hindi kagandahang mga babae. "May sinasabi ka ba?" Nagising lang ako sa pag-iisip kong iyon nang marinig ko ang boses ni Sandy na nakakunot-noong nakatingin sa akin, mukha kasing nasambit ko ang iniisip kong iyon. "Wala! Ang sabi ko ay kailangan kong makilala ng maigi si Rick," ang determinado kong sinabi dito. Bigla naman itong napailing ng dahil sa sinabi kong iyon, alam ko naman na hindi ito sang-ayon sa binabalak kong pakikipaglapit kay Rick. Maliban kasi na di hamak na mas matanda ito sa akin ay natatakot din ito na baka kung paglaruan lang ako ni Rick na naa-appreciate ko naman. Masarap din pala sa pakiramdam kapag merong taong nag-aalala sa iyo, at ngayon ako nagpapasalamat na nagawan ko ng kabutihan si Sandy kaya naging magkaibigan kami nito. "Gumawa kaya ako ng maraming good deeds?" Sa isip-isip ko habang naglalakad ako patungo sa parking lot sa school. Baka kasi kapag gumawa ako ng maraming good deeds ay mas mapadali ang pakikipagkilala ko ng maigi kay Rick, at magkataon ay mapaibig ko siya sa akin. Hindi naman sa natatakot akong walang kahahantungan ang binabalak kong pakikipaglapit sa kanya. I mean, sino ba naman ako? Ako lang naman si m*******e Advincula, at wala pa ata akong nagustuhan na hindi ko nakuha. Not talking about boys, of course! Mahirap makipagrelasyon sa isang bata, at tingin ko sa mga kaedad ko ay mga bata, pero wait, hindi ba ibig sabihin bata din ako? No of course not! We may have the same age, pero matured akong mag-isip sa mga kaedad ko, kaya masasabi kong hindi na ako bata. Nang makarating ako sa parking lot ng school ay agad akong dumiretso sa kotse, at matapos nga noon ay nagtungo na ako sa school ng talunang si Kevin. Hindi ko talaga ma-gets ang mga katulad ng magulang ni Kevin, trabaho ng trabaho, pero napapabayaan naman ang anak! At ang masama kapag nasita naman ng iba ay laging dahilan ay nagtatrabaho ito para sa kanilang mga anak, which kind of horse s**t in my opinion, well anyway, it was none of my business. Inabot din siguro ng forty minutes nang makarating ako sa school ng talunan na iyon, at katulad ng dati ay naabutan ko itong naghihintay sa tapat ng entrance ng school nito, at base sa itsura ni Kevin ay mukhang hinihintay nito ang mga magulang nito. Hindi ko mapigilan ang mapailing habang pinagmamasdan ito, hindi pa ba ito nasanay na kahit kailan ay walang oras sa kanya ang mga magulang, kapareho lang siya ng mga... Agad kong tinigilan ang pag-iisip kong iyon, matagal na din naman akong nag-give up, at kahit paano ay nakasanayan ko na ang mag-isa. Matapos kong mai-park ang kotse ko ay agad ko ng pintuhan si Kevin, kitang-kita ko ang dissappointment na gumuhit sa mukha nito nang makita ako nito, at dahil doon ay agad napataas ang kanang kilay ko. Kasalanan ko ba na walang time sa kanya ang mga magulang niya, at sa totoo lang ay hindi din naman siya gustong samahan, dahil mas may importante pa akong kailangang gawin, at iyon ay makilala ng maigi si Rick na siyang mapapangasawa ko. Sabi nga nila, in order for you to achieve your dreams, you need to claim it! And I claimed that Rick is going to be my boyfriend, and soon to be husband! But first, kailangan ko munang malaman kung saan ito nakatira, anong oras ito pupunta sa school, at kung anong tipo nitong babae. "Ayusin mo nga ang itsura mo! Sa tingin mo ba gusto ko ding pag-aksayahan ka ng oras?! Hindi ko mapigilang asik dito nang makalapit na ako sa kanya. Dahil sa pagsinghal ko sa kanya ay mas lalong lumungkot ang mukha nito, nakakainis man ay hindi ko mapigilan makaramdam ng awa, at guilt para dito. "Tara na sa loob, pagkatapos nito ay ililibre kia ng kahit na anong gusto mo," mahinahon ko ng sinabi dito, at nang marinig nga iyon ay agad nagliwanag ang mukha nito. Bago makapasok sa school ay kinailangan ko munang mag-surrender ng ID sa guard na todo ang pagpapansin sa akin, at dahil ok naman ang mood ko ngayon ay isang malapad na ngiti ang binigay ko dito, at para itong bulate na binuhusan ng isang tasa ng asin kung paano ito kiligin. Kung ganoon lang sana kadali kong mapapasaakin si Rick, pero kung kapareho lang ito ng guard na madaling akitin ay baka hindi ko din ito nagustuhan. Ang gusto ko kasi ay isang lalaki, siyempre guwapo, at matipuno na kaya akong mapasunod, hindi katulad ng guard na ito, at lalong hindi katulad ng mga schoolmates, at classmates ko na napapasunod ko sa gusto ko. Matapos nga noon ay magkasabay na kami ni Kevin na dumiretso sa auditorium kung saan gaganapin ang speech nito, at laking gulat ko nang malaman kong patungkol pala ang speech nito sa mga magulang. Naging curious naman ako kung anong speech ang sasabihin ng batang ito, naisip ko kasi na maaring madaming angst ito sa buhay dahil sa pagpapabaya ng mga magulang nito, ngunit ganoon na lang ang disappointment ko nang puro papuri ang lumabas sa bibig nito. CAPITAL B.O.R.I.N.G! Naghintay pa kami na matapos ang program, at matapos nga noon ay binalak ko ng ihatid na ito sa kanila, ayon kasi kay Lizza ay hindi pa sila makakauwi ng asawa nito, kaya muli ay pinakiusapan nila akong bantayan ang anak nila, at siyempre bayad ang pagbabantay kong ito, at mukhang makakabawi ako na parusahan ito. Sakay na kami ng kotse ko nang ipaalala naman ni Kevin ang pangako ko dito. "Nakakainis ka naman, kinalimutan ko na nga eh, pinaalala mo pa," naiinis kong asik dito, ngunit dahil sa nangako nga ako, at pinaalala nito ay wala akong nagawa kung hindi dalhin ito sa isang sikat na ice cream parlor na malapit sa subdivision kung saan nakatira ang mga Saavedra. "Sige na, pumili ka na ng gusto mo, pero siguraduhin mo lang na hindi lalampas ng two hundred ang pipiliin mo, or else," pagbabanta ko dito, at para mas makuha nito ang ibig kong sabihin ay nagmuwestra pa ako na gigilitan ko ito kung magkamali ito. Kitang-kita ko ang takot sa mukha nito, habang wala sa sariling napalunok ito, sunod-sunod na pagtango nito habang nagmamadaling dumiretso sa counter para mag-order. Agad ko naman itong sununda, at muli ay hindi ko naiwasang mapailing nang makita ko ang order nito, wala pa nga kasi atang one hundred ang napili nito, kaya naman ako na ang nag-order sa kanya, at ang nangyari ay inabot tuloy ng five hundred pesos ang bill ko. Matapos makuha ang order namin ay agad kaming dumiretso sa bakanteng mesa na malapit lang sa pinto, kung saang tanaw na tanaw ko ang pinakamamahal kong kotse. "Bakit hindi ka pa nagsisimula?" Nagtatakang tanong ko dito nang hindi pa ito magsimulang kumain. "Lumagpas kasi sa two hundred ang inorder mo sa akin," mahinang paliwanag nito. Napatawa naman ako sa sinabi nito, mukhang takot na takot talaga ito na mananagot siya sa akin, which is good, at least hindi niya maisip na lumaban sa akin. "Kumain ka na, ako naman ang pumili ng mga iyan." nakangisi ko pa ding sagot dito. Ilang sandali muna itong tumingin sa akin na para bang tinatantiya nito kung nagsasabi pa ako ng totoo, o baka naman sinusubukan ko siya, ngunit nang nanatili ang ngiti sa mga labi ko ay sinimulan na din nito ang pagkain nito ng ice cream, cakes, at milkshake nito. Natakam naman ako nang makita ko ang magana nitong pagkain, kaya naman nag-order na din ako ng isang slice ng sansrival, at dalawang baso ng malamig na tubig. "Totoo ba ang sinabi mo sa speech mo?" Hindi ko napigilang itanong dito nang maalala ko ang naging speech nito kanina patungkol sa mga magulang nito. Nilunok na muna nito ang cake na nasa bibig nito, at matapos nitong uminom ng tubig ay nakangiti na itong tumingin sa akin. "Oo, alam ko naman ginagawa nila iyon para sa akin," inosente nitong sagot. Minabuti ko ng huwag ng magkomento pa dahil baka masira pa ang magandang mood ngayon sa pagitan namin, pero iba ang tingin ko sa mga magulang na katulad ni Kevin. Inabot din ng halos isang oras kami sa ice cream parlor na iyon, at matapos nga noon ay bumalik na kami sa kotse, at dumiretso na sa bahay ng mga Saavedra. "Maligo ka na, at magpalit ka ng pambahay. Ang baho-baho mo na," pagtataboy ko dito, ngunit bago ito pumasok sa kuwarto nito ay nakangiti muna itong tumingin sa akin. "Salamat, m*******e," halata sa pagkakangiti nito ang labis na saya, at ayoko mang aminin, pero may naramdaman akong kakaiba sa puso ko nang makita ko ang inosente nitong pagkakangiti. Para ngang nakalimutan nito ang lahat ng ginawa kong pagpapahirap sa kanya, madali itong mapasaya na kahit sa simpleng panlilibre ko lang dito ay masaya na ito. "Enough, m*******e. Hindi ka puwedeng maging masyadong emosyal sa ganitong kasimpleng mga bagay," agad na kastigo ko sa sarili.  Ngunit kahit ganoon ay hindi ko muna pinahirapan si Kevin, tutal naman ay good mood ako, at dahil iyo sa man of my dreams. Kailangan ko talagang malaman ang tungkol dito, alam ko naman na hindi lang ako ang nahulog dito kanina, at sigurado akong madaming babaeng magpapapansin dito. Confident naman ako na ako ang magugustuhan niya, kaso lang natatakot ako sa mga haliparot kong mga schoolmates, malay ko ba, at madala ito sa mumurahing, at cheap na laman. Nasa ganoon akong pag-iisip ng sa wakas ay lumabas na si Kevin sa kuwarto nito, at katulad nga ng utos ko sa kanya ay nakaligo na ito, at nakapagpalit na din ng damit nito. "May uutos ka ba sa akin?" Tanong nito. "Wala naman, basta doon ka na lang sa kuwarto mo, at gawin mo ang mga assignments mo, at siguraduhin mo lang na tama lahat ng iyon, kung hindi mananagot ka sa akin," pagbabanta ko dito. "Sige," ang tanging naging sagot ni Kevin, ngunit bago ito bumalik sa kuwarto nito ay sinabihan ko itong tatawagin ko na lang siya kung kakain na kami. Nang makapasok na si Kevin sa kuwarto nito ay inabala ko naman ang sarili ko sa paghahanap sa group page ng school namin patungkol kay Rick. Naghahanap kasi ako ng paraan para makahagilap ng impormasyon nito, ngunit hindi pa updated ang group page ng school, at wala pa doong binabalita patungkol sa naturang binata. Nakakainis lang din dahil hindi ko matandaan ang last name nito, kung alam ko lang kasi ay masusubukan kong hanapin siya sa iba't-ibang social account gamit ang full name nito, ang problem ay Rick lang ang natatandaan kong pangalan nito. Halos isang oras din akong naghanap online, ngunit bigo ako, at nang mapagod ako ay nagpasya na lang akong manood ng TV. This time, pinapalabas sa cable channel ang isa sa paborito kong Walt Disney movie, at iyon ay ang Mulan. Mahilig kasi ako sa mga babaeng malalakas, iyong women empowerment ika nga. Madami-dami pa din kasi ang mahilig mangmaliit sa mga babaeng katulad ko, kaya naman natutuwa ako kapag napapahiya ang mga mayayabang na lalaki kapag natatalo na nila sila ng mga babae. Naalala ko tuloy ang kapatid ng nam-bully kay Kevin, akala nito ay basta-basta lang ako, ngunit huli na para magsisi ito nang pinatikim ko sa kanya ang nalalaman kong martial arts. Inabot din ng dalawang oras ang panonood kong iyon, at nang tignan ko ang oras sa wall clock ay nalaman kong alas-siyete na pala ng gabi, ngunit wala pa din ang mag-asawa. Sandali muna akong tumingin sa ref para maghanap ng puwede naming makain ni Kevin, ngunit nang wala akong makitang gusto ko ay nagpasya na lang akong gumawa ng ham, and cheese sandwich, ginawan ko na din ang talunang si Kevin. "Hoy! Gunggong na bata, lumabas ka na diyan, at kakain na tayo!" Malakas kong sigaw mula sa kusina. Ilang sandali nga lang ay narinig ko na ang mahihinang yabag ni Kevin. "Huwag ka ng magreklamo kung yan lang ang hinanda ko, pasalamat ka nga, at ginawan pa kita ng dinner," pagsusungit ko dito nang makita kong nakatingin lang ito sa sandwich. "Salamat," mahina nitong sinabi, at matapos noon ay sabay na naming kinain ang hinanda ko. Nagkanaw na din ako ng orange juice sa pitsel, at matapos kumain ay inutusan kong ito na ang maghugas ng mga pinagkainan namin, masyado naman sigurong abuso kung pati ang paglilinis, at paghuhugas ng pinagkainan namin ay ako pa ang gagawa. Nang matapos kumain ay muli akong bumalik sa sala, imbes na patuloy na manood ay minabuti kong magbasa na lang muna ng magazine. Sinubukan ko ding i-text si Sandy, ngunit abala daw ito sa pag-aaral, puro na lang pag-aaral ang nasa isip nito, at kung hindi pa dahil sa kabutihang loob ko ay hindi pa ito makaka-boyfriend. Habang abala ako sa pagbabasa, at muling bumalik naman si Kevin para kuhanin ang mga assignments nito para ipa-check iyon. "Istorbo," iritableng sinabi ko dito sabay kuha ng inaabot nitong libro, at notebook. Sandali kong pinasadahan ang mga sagot nito, at nang makita kong wala naman mali sa mga sagot nito ay muli kong binalik ang mga gamit nito sa kanya. "Not bad, sige na gawin mo na ang kung ano man na gusto mong gawin, hihintayin ko lang ang parents mo, at uuwi na din ako," utos ko dito. Nagmamadaling bumalik si Kevin sa kuwarto nito, at muli akong nag-isa sa living room. Unti-unti na akong nakakaramdam ng pagka-irita nang hindi pa din dumadating ang mag-asawang Saavedra, ang usapan lang naman namin ay hanggang alas-siyete lang ako magbabantay sa anak nila, ngunit mag-aalas ocho na ng gabi, ngunit wala pa din sila, ni hindi man lang nga sila nag-abalang tumawag para ipaalam sa akin na male-late sila ng uwi na labis kong kinakainisan. "Kalma lang, Jane," gusto mo ang trabaho mo, at nae-enjoy mo pa ang pagpapahirap sa tulanang si Kevin," ang pilit kong iniisip para pakalmahin ang sarili ko. Nangangamba kasi ako na baka hindi na ako makapagpigil, at masigawan ko na ang mga ito. Hindi porke't binabayaran nila ako ay paghihintayin na nila ako ng ganito. Hindi ba nila alam na kailangan ko ng umuwi dahil may oras ang pagtulog ko. Hindi naman basta-basta na-achieve ang ganitong ganda, siyempre meron din akong routine para ma-maintain ko ang kagandahang meron ako. Number one ay kailangan ko ng sapat na tulog, kaya nga madalang din akong magpunta sa mga bar, dahil maliban sa nakaka-stress ng balat ang pagpupuyat, ay nakakadagdag din ang mga radicals na madalas na nasa mga bar, katulad ng usok ng sigarilyo. Nasa ganoon akong pag-iisip nang sa wakas ay makarinig ako ng may humintong kotse sa tapat ng bahay ng mga Saavedra. "Sa wakas!" Iritable kong nasabi. Sandali ko na munang binalik ang magazine na binabasa ko sa lalagya, at matapos nga noon ay agad na akong naglakad papunta sa may pintuan. Sakto naman nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto na hindi naman nangyayari noon, dahil may sariling susi ang mag-asawa, ngunit pinagkibit-balikat ko lang ang bagay na iyon, at agad kong pinagbuksan ang taong kumakatok. Ganoon na lang ang pagkakatigalgal ko nang tuluyan kong buksan ang pinto, at tumambad sa akin ang bagong dating. Nagkakamali ako nang inisip ko na ang mag-asawang Saavedra ang bagong dating, dahil ang bagong dating lang naman ay ang taong gustong-gusto kong makita, ang taong binabalak kong i-research para malaman ang mga gusto, at ayaw nito sa buhay, ang binata na pangarap kong maging boyfriend, at future husband. Ito ay walang iba kung hindi si Rick! Talaga namang nagulat ako na makita ito ngayon dito, of all places ba naman ay dito pa kami magtatagpo, marahil ay tadhana na ang kumilos para magkita kami, ngunit dahil sa pagkagulat kong iyon ay hindi ko agad magawang makapagsalita. "Errr... Hello?" Alanganing sinabi nito habang nakatingin sa akin. Pilit kong pinapagana ang isip ko na pakiramdam ko ay nag-shut down ng dahil sa pagkabigla, hanggang sa wakas ay natauhan na din ako, ngunit bago pa man ako makapagsalita ay agad natawag ang atensyon naming dalawa sa malakas na sigaw sa loob, at nang lingunin ko kung sino iyon ay nalaman kong si Kevin pala iyon na halata ang excitement sa mukha. "Kuya!" Masayang-masayang tawag nito sa bagong dating. Nagmamadali nga itong tumakbo palapit kay Rick na bigla akong nilagpasan para makapasok sa bahay, at nang makalapit si Kevin ay agad nitong binuhat si Kevin. "Did you miss me?" Nakangiting tanong ni Rick kay Kevin na mahigpit ang pagkakayap dito. "Sobra! Sabi mo makakabalik ka sa birthday ko?" Kunwaring nagtatampo na sinabi ni Kevin dito. "Sorry naging busy lang kasi ang kuya mo, pero promise babawi ako ngayong nakabalik na ako," pangako ni Rick dito. Nakamaang lang ako habang pinapanood ang dalawa, hindi ko magawang makapagsalita nang sa wakas ay nag-register sa akin ang totoo, at iyon ay ang katotohanan na ang lalaking pinapangarap ko ay ang kapatid ng paborito kong laruan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD