-=m*******e's Point of View=- Nang makarating ako sa school ay agad kong pinark ang kotse ko, at matapos noon ay dumiretso na ako sa bakanteng lote, ngunit wala pa doon si Rick, kaya naman dumiretso na ako sa temporary office nito. Malapit na sana ako sa opisina ni Rick nang bigla akong natigilan, at agad na nagtago sa malapit na puno kung saan ako naroon. "Anong ginagawa ng maharot na iyon?" Sa loob-loob ko nang makita ko si Rachelle na palabas ng opisina ni Rick. Natakot naman ako na baka nandoon sa loob si Rick, at may ginawa ito kasama si Rachelle, ngunit agad ko ding inalis sa isip ko ang bagay na iyon, lalo na at hindi naman ganoong lalaki si Rick. He would not settle for something cheap, pero makasigurado ay tinuloy ko pa din ang pagpunta sa opisina nito, hinintay ko na muna na

