-=m*******e's Point of View=- Halos hindi ko na namalayan ang sumunod na araw, which is araw ng Linggo, basta namamalayan ko na lang ang sarili ko na basta ako matutulala, at ngingiti ng sobrang lapad, kung may makakakita nga sa akin ay baka pinagkamalan na akong baliw. Hindi pa din kasi ako maka-getover na nakasama ko lang namang ang lalaking pinapangarap ko sa isang date, and take note, kaming dalawa lang, at hindi kasama ang lampang si... Wait, kailangan ko na nga palang sanayin ang sarili ko na maging mabait na kay Kevin, bilang future boyfriend ko na ang kuya niya, and eventually magiging future husband ko ay magiging future brother in law ko na din si Kevin, kaya ngayon pa lang ay kailangan ko ng maging maayos ang pakikitungo ko sa kanya, kahit na nga ba mahirap. Mukha kasi talag

