CHAPTER 32: Start of a Beautiful Romance

3016 Words
-=m*******e's Point of View=- Hindi man ito sumagot ay nababasa ko sa reaksyon ng mukha ni Rick na tama ang hula ko, kaya naman lalo akong na-excite na makarating na kami sa lugar na iyon. Oo nga, at madami na din akong lugar na napuntahan, hindi lang sa Pilipinas, kung hindi sa iba't-ibang parte na din ng mundo, pero parang espesyal sa akin ang pamamasyal na ito, dahil kasama ko si Rick, kasama ko ang lalaking nagpapatibok ngayon ng mabilis sa puso ko. Inabot pa ng mahigit isang oras nang sa wakas ay makarating na kami sa destinasyon namin, una naming pinuntahan ay ang People's Park. Dahil Sabado ay madami-dami  na ding mga tao sa lugar na iyon nang makarating kami, ngunit malaki naman ang lugar kaya naman mae-enjoy pa din namin ang pamamasyal namin. Papasok na sana kami sa loob nang may mamataan akong nagtitinda ng taho, kaya naman mabilis akong lumapit dito, at bumili ng dalawang tig-bebenteng taho. "Thanks," nakangiting sinabi ni Rick nang abutin nito ang binibigay ko sa kanyang taho, at matapos nga noon ay sabay na kaming pumasok sa loob. Mero namang jeep na puwede naming sakyan, pero mas gusto kong maglakad papunta sa pinakamataas, pagkakataon ko na din kasi na mas humaba pa na makasama si Rick. "Matagal ko na ding gustong makabalik sa lugar na ito,' hindi ko napigilan na sabihin dito. "Kailan ba ang huling punta mo dito?" Tanong nito. Sandali muna akong nag-isip, bago ko maalala kung kailan nga ba ang huling beses na nagpunta ako, which is three years ago noong fifteen years old pa lang ako. Kahit kasi noon ay malakas na din ang loob kong umalis na mag-isa, kaya nga kung saan-saan din ako nakakarating kahit noong wala pa akong kotse, pero mas lalo nang magkaroon na ako ng sarili kong sasakyan. Kung saan-saan ang pinupuntahan ko, lalo na sa tuwing walang pasok, o kaya naman ay tuwing weekend, naging sobrang laya ko nang magkaroon ako ng sarili kong bahay. "Jane?" Narinig kong tawag ni Rick, at nang tignan ko ito ay saka ko lang na-realize na hindi ko pala nasagot ang tanong nito kanina. "Siguro ay mga three years ago na din nang huli akong makapunta dito, iyon ang una't huling beses kong nakapunta sa lugar na ito, ikaw ba?" Tanong ko dito, habang inuubos ang binili kong taho. "Noong college ako ay madalas kaming magkakabarkada na magpunta dito, masarap kasi ang Bulalo dito," natatawa nitong sinabi habang inaalala ang mga panahon na madalas itong magpunta sa Tagaytay. "Iyon nga din ang gusto ko, kung hindi tayo kakain ng Bulalo dito ay mabuti pang umuwi na lang tayo," kunwaring pagsusungit ko, pero hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti, at nang magkatinginan kami ni Rick ay sabay na kami nitong tumawa ng malakas. Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan namin, hanggang sa wakas ay makarating na kami sa pinakamataas, bahagyang makapal ang ulap nang makarating kami sa pinakatuktok na bahagi ng lugar na iyon, kaya naman hindi din kataka-taka na sobrang lamig doon. Mabuti na lang talaga, at nakapagdala ako ng jacket kahit na nga ba hindi ko naman alam na dito kami pupunta ngayong araw. Pinagsawa ko ang sarili ko sa pagtingin sa magandang tanawin sa harap ko, sa sobrang taas kasi namin ay kitang-kita ang ilang mga infrastructure at ang mahabang kalsada, at nasa likod naman ay ang bundok. In fairness naman ay green pa din ang nakikita ko, kahit na nga ba alam kong may ilang bahagi na sa lugar na iyon na dine-develop para gawing commercial. Hindi naman maaring tumingin-tingin lang kami habang nandoon, siyempre hindi ko papalampasin ang pagkakataon na magpa-picture kasama nito, kaya naman nakiusap ako sa nakita kong dumaan na magnobyo para kuhanan kami ni Rick ng pictures. "Lapit pa kayo sa isa't-isa," ang sinabi ni kuyang napakiusapan ko, muntik na nga akong mapa-thumbs up sa sinabi nito, at katulad nga ng sinabi niya ay lumapit kami ni Rick sa isa't-isa kaya naman agad kong naramdaman ang init na nagmumula sa katawan ni Rick, sobrang sarap pala iyon sa pakiramdam. "Salamat po," nakangiting sinabi ko sa magnobyo nang matapos ang pagkuha nila ng larawan namin ni Rick. "Welcome, and alam mo bagay na bagay kayo," tila kinikilig na sinabi ng nobya nito, hindi naman nakaligtas sa akin ang pagkislap ng mga mata nito sa tuwing mapapatingin kay Rick, ngunit hinayaan ko na lang iyon, sa ngayon kasi ay dapat na masanay na ako na talaga namang takaw atensyon ang future boyfriend ko, at kahit nga ang nobyo nito ay napapansin kong nakatuon lang ang atensyon sa akin. Hindi ko alam kung paanong sasagutin iyon, kaya naman isang tipid na ngiti lang ang ginawa ko bago ako nagpaalam sa mga ito. Kung hindi ko lang kasama si Rick ay baka kanina pa ako nagyabang, pero siyempre kailangan kong labanan ang kilig na nararamdaman ko, masabihan pa naman ako na bagay kami ni Rick ay masyado na iyong big deal para sa akin. Mabuti na lang, at may nagtitinda din sa lugar na iyon, kaya naman bumili muna kami ng makakain habang ine-enjoy ang view. "Ang ganda talaga," ang hindi ko mapigilan maibulalas. habang patuloy na pinagmamasdan ang ganda sa harapan ko. "I couldn't agree more," ang narinig ko naman na sagot nito, hindi ko alam kung bakit, pero namalayan ko na lang ang sarili kong tignan ito, at ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang makita kong sa akin nakatutok ang buong atensyon nito, at dahil sa paglingon kong iyon ay muling nagtama ang aming mga mata, at muli ay nakita ko na naman emosyon na nakita ko kanina dito nang nasa kotse kami. Ilang segundo din ang lumipas, bago ko nilayo ang tingin ko dito, hindi ko kasi kinakaya ang makipagtitigang ng matagal dito, hindi ko mapigilan na ma-concious. Halos isang oras din kaming nagtagal sa lugar na iyon, hanggang sunod naman naming pinuntahan ang picnic grove, mas mababa lang ito sa People's Park, pero masasabi ko din naman na maganda ang tanawin na makikita mula doon. Hindi kami gaanong nagtagal sa lugar na iyon, ngunit paalis na sana kami nang may lumapit sa amin na dalawang babae. "Good morning, Sir, and Ma'am, baka gusto ninyo pong subukan na magpunta sa malapit sa bulkan?" Nakangiting tanong ng mga ito. Hindi ko pa nasusubukan iyon, kaya naman nang tanungin ako ni Rick ay agad na din akong pumayag, maaga pa naman para mag-lunch kami. Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakasunod na kami sa mga ito, hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan nakadaong ang mga bangka na siyang gagamitin papunta sa malapit sa bulkan. "Sakay na po kayo, si Cardo na ang bahala sa inyo," nakangiting sinabi ng nakausap naming babae kanina. Inalalayan muna ako ni Rick na makasakay sa bangka, at matapos noon ay agad na din itong sumunod sa pagsampa, at matapos naming makaupo doon ay nagsimula ng paandarin ng bangkero ang naturang bangka. Masarap sa pakiramdam ang hangin habang umaandar ang bangka, kaya naman na-enjoy ko ang sandaling iyon na kasama si Rick. Sa sobrang pagka-enjoy ko nga ay hindi ko na namalayan ang oras, hanggang sa wakas ay nakarating na kami sa malapit sa bulkan. "Is it safe?" Hindi ko napigilang itanong. "Huwag po kayong mag-alala, Ma'am, safe naman po, at wala namang warning ang PHILVOCS tungkol sa bulkang Taal," nakangiting paliwanag nito. Marahil ay hindi ito ang unang beses na merong nangambang customer nito patungkol sa maaring pagsabog ng bulkan. "Don't worry, mukhang safe naman, and the moment na magkaroon ng problema ay aalis agad tayo, trust me," pagpapalakas nito ng loob ko, at dahil doon ay bahagyang nawala nga ang pangamba sa dibdib ko. Kahit hindi nito sabihin ay buo na ang tiwala ko dito, kaya ilang sandali lang ay naging panatag na din ang loob ko, habang namamasyal kami sa lugar na iyon. Mahigit isang oras din ang nilagi namin doon, hanggang sa nagpasya na akong mag-ayang umalis dito, mag-aalas dose na din kasi kaya naman mabuting makahanap na kami ng makakainan. Bilang gentleman ay muli akong inalalayan ni Rick na makasakay sa bangka, hawak-hawak nga nito ang kamay ko hanggang sa makasakay na ako sa bangka. "Thank you," tipid na ngiting sinabi ko dito, at matapos nga noon ay ito naman ang sumakay doon. "Kumusta po?" Nakangiting tanong ng bangkero nang papaalis na kami. "Masaya po, salamat," sagot ko naman dito. Matapos ang maikling pag-uusap na iyon ay namayani ang katahimikan sa bangkang sinasakyan namin, pareho kami ni Rick na ninanamnam ang malamig na ihip ng hangin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na palihim itong tignan, ang sarap kasing pagmasdan ang mukha nito, halos perpekto kasi ang mukha nito, mula sa may kakapalan nitong kilay sa mapupungay nitong mga mata, matangos na ilong, at maninipis at mapupulang mga labi na tinalo pa ata ang mga kabaro ko na kuntodo maglagay ng lipstick para lang mamula ang kanilang mga nguso. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ako nito inimbitahan, at ayoko naman mag-isip ng advance, at baka ma-disappoint lang ako, kaya naman hihintayin ko na lang ang pagkakataon na sabihin nito sa akin ang dahilan ng pag-aaya nitong mamasyal. Nang makabalik na kami ay agad na kaming dumiretso sa kotse para maghanap ng makakainan, at katulad nga ng pinag-usapan namin ay naghanap talaga kami ng pinakamasarap na bulalo doon. Sa isang sikat na restaurant kami napadpad na nasa gitna mismo ng Tagaytay, at dahil kilalang-kilala ang restaurant na ito na may pinakamasarap na bulalo ay madami na din ang kumakain ng mga oras na iyon. "May wait time daw na one hour, ok lang ba sa iyo? O gusto mong maghanap na lang tayo ng iba?" Tanong sa akin ni Rick nang makabalik na ito sa kotse, pinaghintay muna niya kasi ako sa sasakyan nang mapansin naming madaming tao sa naturang restaurant. "Ok lang naman sa akin," sagot ko dito. Kahit siguro maghintay kami ng buong araw dito ay ayos lang sa akin, ang mahalaga naman ay kasama ko ito, at sa tingin ko nga ay hindi ko na maiisip ang gutom kung nagkataon. Minabuti naming sa sasakyan na maghintay, hanggang tawagin kami, sinabi kasi ng isa sa mga staff sa naturang restaurant na tatawagin na lang kami kapag may available ng puwesto. Para bang nagkaroon kamui ng silent agreement na walang pag-uusap na mamayani sa mga oras na iyon, habang ineenjoy lamang namin ang mga kanta sa radyo.  The fact na kasama ko si Rick ngayon ay sapat na para ma-enjoy ko ang bawat minutong lumilipas, hindi ko na nga napansin ang pagtakbo ng oras hanggang sa namalayan na lang namin na tapos na ang paghihintay namin nang lumapit ang mismong staff na nakausap namin kanina. "Sorry to keep you waiting po, puwede na po kayong pumasok," ang magalang nitong sinabi. Agad namang pinatay ni Rick ang makina ng kotse, at matapos makasiguradong na-lock ang lahat ng pinto ay sumunod na kami dito. "Thank you," ang sinabi ko dito matapos ako nitong ipaghila ng silya, just like a perfect gentleman, at nang makaupo na ako ay saka lang ito naupo sa katapat na silya. Matapos naming makaupo ni Rick ay agad na ding inabot sa amin ng waiter ang menu, iba't-ibang dishes ang naroon, merong mga steak, mga Filipino food, at kung ano-ano pa, at dahil kanina pa namin gustong kumain ng bulalo ay nag-order kami ng larger order noon, at nag-order na din ako ng lechon kawali, at tatlong rice. "Ok na ako dito, mag-order ka na din," ang nakangiting sinabi ko dito, kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Rick nang malaman nitong para sa akin lang ang mga inorder kong iyon. Hindi lang naman ito ang nagugulat kapag nakikita ang mga kinakain ko, malakas kasi ang appetite ko, at mabuti na lang talaga, at mabilis din ang motabolism ko, kaya nga kahit gaano kadami ang kinakain ko ay hindi ako tumataba, kahit na nga ba hindi ako mag-excercise. "Hindi ko pa din ma-imagine kung paano mo mapagkakasya sa liit mong yan ang mga order," hindi pa din makapaniwala nitong sinabi. "Sabi nga nila don't judge a book by its cover," ang sinabi ko dito, not really sure, kung tama ba na ginamit ko ang kasabihan na iyon sa sitwasyon na ito.  Nag-order naman ito ng iba pang mga putahe, at siyempre hindi nito nakalimutan ang fried tawilis, naghintay lang siguro kami ng fifteen minutes nang sa wakas ay dumating na ang mga order namin, at matapos magpasalamat sa pagkain ay nagsimula na kaming i-enjoy ang mga iyon. "Enge ah," wala sa sariling nasabi ko nang makita ko kung gaano kalutong ang tawilis na kinakain nito. "Sure, go ahead," amused nitong sinabi, at hindi na nga ako nangiming kumuha  sa mga order nito, as a matter of fact ay hindi lang iyona ng kinuha ko, kung hindi ilan pa sa mga order nito. Mukha namang hindi ito na-off sa pinaggagawa kong iyon, bagkus ay na-aamaze pa nga ito sa lakas kong kumain. Inabot lang ng kalahating oras hanggang sa wakas ay natapos na ang pagkain naming iyon, pakiramdam ko ay ang laki laki ng tiyan ko nang dahil sa mga kinain kong iyon, pero kahit ganoon ay worth it naman iyon dahil ang sarap talagang kumain, at hindi nga kami nagkamli ng napiling restaurant dahil masasarap lahat ng mga pagkain doon, lalong-lalo na ang kanilang bulalo. "Baka gusto mo ng dessert?" Tanong ni Rick. "Ayoko, nakakataba iyon," sagot ko dito, at gnaoon na lang ang pagtataka ko nang bigla na lang itong tumawa ng malakas sa hindi ko mawaring dahilan. "Anong nakakatawa?" Nagtataka ko pa ding tanong dito. Sumensyas naman ito sa akin na para bang sinasabi nitong bigyan ko siya ng sandali, at matapos lang ang ilang segundo ay mukhang nahimasmasan na din ito. "You," sagot nito, ngunit nang mapansin siguro nitong hindi ko pa din makuha ang sinabi nito ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "You were worried na baka tumaba ka sa pagkain ng sweets, pero hindi ka nag-alala sa pagkain ng marami, pero sa tingin ko kahit naman tumaba ka ay maganda ka pa din, I bet you would look more adorable," simpatiko nitong sinabi. Again with the blushing, natatakot akong baka hindi ako masanay sa mga papuri ni Rick sa akin, pero hindi din nakaligtas sa akin ang tila sweetness nito sa akin, ngunit muli ay ayokong mag-isip masyado, dahil nakakatakot na ma-disappoint lang bandang huli kapag umasa ako sa wala.  Sandali muna kaming nagpahinga para magpababa ng kinain, at matapos nga noon ay pinagpatuloy na namin ang pamamasyal. Maliban sa dalawang napuntahan namin ay inaya ko din si Rick na magpunta sa isang amusement park sa lugar ding iyon, I know, sinabi kong gusto ko siyang maka-date ng solo sa Enchanted Kingdom, kaso medyo may kalayuan din ang lugar na iyon kung dadayuhin pa namin iyon, kaya naman dito na lang ako kami sa next best thing, I guess. Sobrang saya ko ng araw na iyon na ayaw ko na nga siyang matapos, ngunit katulad nga ng sinasabi nila, everything must come to and end, at hindi ko naman mapipigilan ang oras kaya naman nagpasya na si Rick na umalis na kami bago pa man tuluyang dumilim. Gusto ko nga sanang sabihin sa kanya na puwede naman kaming mag-overnight, pero siyempre magkaiba kaming kuwarto, pero pinigilan ko ang sarili ko, alam ko naman na dapat maging kuntento na ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ito ng solo, at umaasa akong masusundan pa ang lakad naming ito. Nakangiti lang ako habang sakay ng kotse ni Rick, gusto ko kasing namnamin ang saya sa dibdib ko para sa araw na ito, ngunit hindi ko pa din maalis sa isip ko ang katanungan kung bakit ako inayang mamasyal ni Rick, kating-kati na nga ang dila ko para tanungin ito, ngunit nagpipigil ako dahil parang nakakahiya naman, hanggang sa makarating na kami sa bahay ko, ngunit hindi pa din nasasagot ang katanungan na iyon. "Maraming salamat talaga sa araw na ito, Rick," ang sinabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay ko. "Walang anuman iyon, Jane. Hopefully na-enjoy mo ang company ko," nakangiting sagot nito. "Oo naman, ang saya mo kayang kasama, at galante pa," pagbibiro ko dito na sinuklian naman nito ng marahang pagtawa. "Nag-enjoy din ako na kasama ka, Jane, kaya maraming salamat," sagot nito. Akma itong bababa para pagbuksan ako ng pinto ng naglakas loob akong hawakan ang braso nito, agad naman itong napatingin sa akin na may nagtatanong na reaksyon. "Gusto ko lang sanang malaman," sobrang hina nang pagkakasabi kong iyon, ngunit mabuti na lang, at mukhang narinig naman iyon ni Rick. "Anong gusto mong malaman?" Tanong nito. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin, at palakasin ko ang loob ko, at matapos ang ilang sandali ay lakas loob ko ng tinuloy ang gusto kong sabihin. "Bakit mo ako inayang mamasyal?" Lakas loob na tanong ko dito. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalong nanghina ang mga tuhod ko sa paraan ng pagkakangiti ntio, at mas lalong nagrigodon ang puso ko sa sunod nitong sinabi. "Because, I want to know you more, Jane, and I found you interesting," sagot nito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano akong nakababa ng kotse nito, at nakarating sa kuwarto ko, basta namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng kuwarto ko, at mahigpit kong niyayakap ang aking unan. Naglalaro sa isip ko ang sinabi nitong dahilan, gusto daw niya akong makilala, at and he found me interesting, na ang ibig sabihin ay interesado din siya sa akin. Diniinan ko ang unan na hawak ko ng mukha ko, at ubod lakas akong tumili mula doon, para tuloy mamatmatay na ako sa labis na kilig na nararamdaman ko, at hindi dapat akong umasa agad pero hindi ko kasi mapigilan. "Mukhang magkakatotoo na ang dream mo, Jane!" Sa loob-loob ko habang pinagmamasdan ang guwapong mukha ni Rick sa cellphone ko. Kuha ito noong nasa People's Park kami kanina, at muli ay naalala ko ang sinabi ng magnobyo kanina na bagay na bagay daw kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD