CHAPTER 31: A Real First Date

1502 Words
-=m*******e's Point of View=- Mula pa kanina ay hindi na ako mapakali, kung puwede ko nga lang sanang hilahin ang oras para mapabilis ang takbo nito ay ginawa ko na, pero siyempre imposibleng mangyari iyon, at imposible naman na tumagal talaga ang takbo ng oras dahil same lang naman iyon, iyon nga lang ay naiinip na talaga ako na sumapit ang oras na binanggit ni Rick sa akin sa cellphone kanina. Alam kong medyo may pagka-oa, pero nang matanggap ko ang tawag ni Rick kanina ay agad akong naligo, at nag-ayos ng sarili ko, masyado kasi akong na-excite nang ayain ako nitong mamasyal. Sa mga nakaraan kasing gala na kasama ko ito ay laging ako ang gumagawa ng paraan para makasama sa mga lakad nilang magkapatid. Hindi ko nga sigurado kung kasama namin si Kevin sa pamamasyal naming ito, pero sa tingin ko ay kasama nga namin ang nakakabata nitong kapatid, alam ko naman kasi kung gaanong gustong makabawi ni Rick kay Kevin. "Arghh!" Naiinis kong nasambit nang makita kong thirty minutes pa lang ang nakakalipas nang matapos ako sa pag-aayos may ilang oras pa akong hihintayin bago dumating ang oras na napag-usapan namin ni Rick, kung sana siguro ay sinabi kong mas maaga kaming umalis ay baka pumayag ito, hindi ganito na mamamatay na ata ako sa pagkainip. Kahit naman gaanong kagusto kong bumilis ang oras ay hindi maaring mangyari, hanggang sa wakas ay sumapit na ang takdang oras, dahil sakto nang may matanggap akong tawag kay Rick. "Hi, Jane. Nasa tapat na ako ng bahay mo," ang sinabi ni Rick, at nang sumilip nga ako sa labas ay nakita ko ang kotse ni Rick sa labas. "Sige, lalabas na ako," nakangiting sagot ko dito. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, at nang makita kong maganda pa din naman ako ay saka pa lang ako nagpasyang lumabas. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita itong nakasandal sa labas ng kotse nito, suaveng-suave ang dating nito sa suot nitong polo shirt, at kulay cream na pants. Hindi nito sinabi kung saan kami pupunta, pero mabuti na lang, at bagay naman ang suot ko sa suot nito na ang ibig sabihin ay ayon ang suot ko sa pupuntahan namin. "Hi," nahihiyang bati ko dito nang tuluyan na akong makalapit dito. "Hi, Jane. You look so beautiful today," simpatiko nitong sinabi, habang nakangiti nitong sinabi, para tuloy nag-circo ang puso ko kung gaano ito kaguwapo, habang nakalabas ang mapuputi, at pantay-pantay nitong mga ngipin. "Salamat," ang tanging nasabi ko dito, hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat na i-reply doon, sanay na sanay naman akong masabihan ng maganda, pero ibang-iba talaga kapag galing iyon sa lalaking nagugustuhan mo, may something special. Mas lalo akong na-touch nang pagbuksan ako nito ng pinto, at nabigla naman ako nang hindi ko makita si Kevin, dahil buong akala ko ay mamasyal kaming tatlo, kagaya noong mga naunang beses na sumama ako sa kanila. "Nasaan si Kevin?" Tanong ko dito nang hindi na ako nakatiis. "Kasama siya nila Dad, and Mom," balewala naman nitong sagot. "Akala ko kasama natin siya?" Hindi ko pa din napigilang itanong dito, kahit na nga ba isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing tumigil na ako, at maging masaya na lang ako na kaming dalawa lang ang mamasyal ngayong araw, pero nagulat kasi talaga ako na kami lang dalawa. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip, at umasang may ibig sabihin ang pamamasyal naming ito. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Rick nang marinig ang sinabi kong iyon, at nagpalipas muna ito ng ilang segundo bago ito sa wakas na sumagot. "I know about your talk with Mom last night," nakangiti nitong sinabi. Bigla naman akong kinabahan nang marinig iyon, naisip ko kasing sinabi ni Lizza kung ano ba ang nararamdaman ko sa kanya, at kung totoo nga iyon ay sobrang nakakahiya naman kung ganoon, ngunit bago pa man ako mag-isip ng kung ano-ano ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Thank you for talking to my Mom regarding Kevin," bigla itong nagseryoso nang sinabi iyon, habang ako ay lihim na napahinga ng maluwag nang malaman kong tungkol pala sa pag-uusap namin ni Lizza patungkol sa bunso nito ag tinutukoy ni Rick, buong akala ko kasi talaga ay tungkol iyon sa nararamdaman ko para dito. "Wala iyon, ginawa ko lang ang tama, at alam ko kasing hindi nagsasabi si Kevin ng totoong nararamdaman niya sa mga magulang ninyo, kaya ako na mismo ang nagsabi kay Lizza ng tungkol doon," nakangiting paliwanag ko dito. "Still, Jane. Hindi mo lang alam kung gaano mong nabago ang mga magulang ko. I know they mean well, pero tama ka nga nang sinabi mo kay Mommy na may mga pagkakataon na mas may mahalagang pangangailangan ang isang anak, at iyon ay ang atensyon at oras nila para sa kanilang mga anak," ang sinabi nito. Hindi na ako nagkomento pa, at isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa sinabi nito, hindi ko inaasahan na sasabihin ni Lizza ang bagay na iyon kay Rick, pero mukhang pabor naman sa akin iyon, dahil mas naging mabuti ako sa paningin ni Rick. Ilang sandali lang ay pinaandar na din nito ang kotse, habang nasa biyahe ay sinabi nito sa akin na kasalukuyang paalis ang pamilya nito para mag-out of town sa Zambales kung saan meron silang beach house. "Bakit hindi ka sumama?" Tanong ko dito nang marinig iyon. "Gusto ko munang matuon ang atensyon ng mga magulang ko kay Kevin, kumpara kasi sa akin ay si Kevin ang mas nangangailangan ng atensyon, noong nagsisimula pa lang naman sila Daddy, at Mommy ay nabibigyan pa din nila ako ng oras kaya masasabi kong naging masaya ang kabataan ko kasama ng mga magulang ko," sagot nito. "Kumusta naman ang kabataan mo, noong mga panahon na hindi pa ako pinapanganak?" Birong-totoo ko dito na sinuklian nito ng pagtawa. "Ayos na ayos naman, masaya ang childhood ko, kumpara ngayon ay mas maliit na bahay ang tinirhan namin ng mga magulang, pumapasok ako sa school, at hapon na kung umuuwi dahil madalas akong nakikipaglaro ng basketball sa mga kaklase ko noon, o di kaya naman ay sa mga naging kaibigan ko sa dating bahay namin, at sa gabi naman ay dumadating ang mga magulang ko, kaya sabay-sabay kaming nakakapaghapunan," pagkukuwento nito. Hindi ako nainip sa biyahe, dahil nae-enjoy ko talaga ang pakikinig sa mga kuwento nito patungkol sa mga naranasan nito noong bata pa lang ito. Nag-eenjoy ako sa biyaheng iyon, kahit na nga ba hindi ko pa din alam kung saan kami pupunta, ngunit biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang sunod nitong sinabi. "Ikaw kumusta naman ang childhood mo?" Curious nitong tanong, bigla tuloy ako natigilan nang dahil sa tanong nito, at dahil doon ay isang alanganing ngiti ang lumabas sa mga labi ko. "Ok naman, masaya," napipilitan kong sabihin dito, at nang makita kong muli itong magtatanong ay inunahan ko na ito. "Saan ba talaga tayo pupunta? Hindi ko nga alam kung tama lang ba ang suot ko?" Kunwaring pangungulit ko dito, pero ang totoo ay gusto ko lang ilayo ang topic patungkol sa childhood ko. Ayoko kasing magsinungaling dito, at ayoko din naman na masira ang unang pamamasyal namin na kaming dalawa lang, at mas lalong ayoko ng alalahanin ang mga nangyari noon. Mabuti na lang, at mukhang hindi naman nito nahalata ang pagbabago ko ng pinag-uusapan namin. "Don't worry, tamang-tama lang ang suot mo, at sigurado nga ako na kahit ano atang isuot mo ay babagay pa din iyon sa iyo, kahit saan man tayo magpunta," muli nitong papuri sa akin, at katulad kanina ay naramdaman ko ang pag-iinit ng dalawa kong pisngi. "Basta sigurado ka ha," ang mahinang nasabi ko dito. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko biglang nag-init ang pakiramdam ko, kahit malakas naman ang buga ng lamig na nagmumula sa air conditioning system ng kotse ni Rick, siguro ay napansin ko ang panaka-nakang pagtingin sa akin nito na hindi naman nito ginagawa dati. Minabuti kong maghanap na lang ng mapapakinggan sa radyo, sakto naman na love song ang kasalukuyang pumapailanlang, at hindi ko naiwasang mapatingin kay Rick na sakto din naman na napatingin sa akin. Kasalukuya kasing tumutugto ang kantang "What Do We Mean to each Other" ni Sergio Mendez, hindi ko sigurado kung ano bang emosyon ang nakita ko sa mga mata ni Rick nang mga oras na iyon, dahil ako na din mismo ang nag-iwas ng tingin dito, kaya tuloy hindi ko nakumpirma kung ano ba iyon. Mas lalo tuloy nag-init ang katawan ko, kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana, at nang makita ko ang sign na nasa SLEX na pala kami ay muli akong napatingin dito, habang ito ay patuloy na nakatutok ang mga mata sa daanan. "Wait, pupunta ba tayo ng Tagaytay?" Excited kong tanong dito. Matagal-tagal na din kasing hindi ako nakakapunta dito, kaya naman hindi ko mapigilan na mag-excite sa hinuha kong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD