-=m*******e's Point of View=-
Sobrang gaan ng pakiramdam ko nang magising ako ng umagang iyon, kagabi lang kasi ay nagkausap kami ni Lizza, at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na boto ito sa akin para sa kanyang anak, kahit na nga ba malaki-laki din ang agwat ng edad namin ni Rick, dahil para dito ay ok lang iyon as long na nasa legal na edad na naman ako na siyang labis kong pinagpapasalamat.
Hindi ko alam, pero sobrang positive ang nararamdaman ko para sa araw na ito, hindi naman ako umaasa na basta-basta na lang ako pupuntahan ni Rick para ligawan ako nito, o kaya naman ay magtapat ito sa akin, dahil malabo naman sigurong mangyari iyon kaagad, pero naniniwala ako na may magandnag mangyayari sa akin ngayong araw na iton.
Dangan nga lang, at walang pasok sa school, kaya naman walang chance na makita ko ito sa school, at malabo din naman na puntahan ko ito sa bahay nito sa Quezon City, sa tingin ko kasi ay hindi ko na magagamit ang dahilan na doon kuno nakatira si Sandy, dahil baka mahuli pa ako nito.
"What to do?" Sa loob-loob ko habang iniikot ko ang paningin ko sa kuwarto.
Kung noon kasi ay hindi na ako makapaghintay na mag-weekend na pero ngayon ay parang kinaiinipan ko na ang weekend dahil nga hindi kami magkikita ni Rick.
Dati, kapag weekend ay madalas gumagala, at namamasyal na ako, madalas nga ay naga-out of town ako para mag-relax, pero parang ngayon ay wala ako sa hulog para gawin ang mga dating ginagawa ko.
Ilang minuto din siguro akong nag-isip ng kung anong magandang gawin, pero wala akong naisip, at dahil maaga pa naman ay saka ko na lang iisipin ang bagay na iyon.
Matapos kong iligpit ang kama ko ay nagtuloy an ako sa kusina para maghanda ng almusal ko, katulad dati ay tanging prito lang ang naisip kong lutuin para sa pagkain ko.
Matapos ang mahigit thirty minutes ay handa na ang almusal ko, habang kumakain ay patuloy lang ako sa pagba-browse sa cellphone ko.
Ganito ako kapag walang magawa, madalas ay nagba-browse ako sa mga social media account ko, madami akong natatanggap na direct messages, pero wala ni isa man sa mga iyon ang ni-replayan ko.
Ano pang sense na replyan ko ang mga messages na iyon gaying wala naman akong interes na makipag-usap sa mga ito, kung message pa iyon ni Rick ay baka agad akong nag-reply doon.
Nagpatuloy ang mabagal kong pagkain, hanggang sa wakas ay natapos na din ako sa almusal kong iyon, basta ko na lang dinala ang pinagkainan ko sa lababo, at nagpasya akong mamaya na lang iyong hugasan.
"Now what?" Tanong ko sa sarili nang dumiretso ako sa living room.
Hindi ko talaga alam ang gusto kong gawin, actually, alam ko pala ang gusto kong gawin, at iyon ay ang makita si Rick, pero katulad nga ng sinabi ko kanina ay hindi ko magagawang puntahan ito.
Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay minabuti ko na lang na manood na muna ng TV, ngunit nakakailang oras na siguro ako ngunit palipat-lipat lang ako ng channels.
Wala kasi akong nakikitang magandang panoodin, nag-try na din akong tumingin ng movies sa Netflix, pero wala ding nakakuha sa interes ko.
"Boring!" Frustrated kong nasabi.
Akma akong tatayo na sa inuupuan ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko, noong una ay balewala lang akong napatingin doon, ngunit nang mag-register sa akin ang pangalan ng tumatawag ay agad ko iyong sinagot.
"He...hello?" Hindi ko napigilan ang pagra-rattle ng boses ko nang sa wakas ay sagutin ko ang tawag.
"Hi, Jane. Sorry kung napatawag ako," sagot naman nito sa kabilang linya.
Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko nang marinig ang baritonong boses ni Rick sa kabilang linya, nai-imagine ko tuloy na nakangiti ito habang nakikipag-usap sa akin.
"Ok lang, wala naman akong ginagawa, bakit nga pala napatawag ka?" Tanong ko dito, nakahinga naman ako ng maluwag nang sa wakas ay kumalma na ang nararamdaman ko, hindi na nga ako nag-rattle this time.
Nagtaka naman ako nang biglang nanahimik sa kabilang linya, naisip ko nga na baka naputol ang tawag, ngunit nang tignan ko ang screen ng cellphone ko ay nakita kong nasa kabilang linya pa si Rick.
"Hello?" Tanong ko nang ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa din nagsasalita si Rick, narinig ko naman ang pagtikhim nito sa kabilang linya.
"Gusto kong malaman kung puwede mo akong samahan na mamasyal," ang sinabi nito.
Para namang nablangko ang utak ko nang dahil sa sinabi nito, hindi agad nag-register sa isip ko ang sinabi nito, at kung hindi pa ito muling nagsalita ay hindi pa ako matatauhan.
"Jane?" Tawag nito sa pangalan ko kaya naman agad akong nagising sa pagkakatulala kong iyon.
"Yes, Rick. Sorry medyo nag-choppy kasi ako," pagdadahilan ko.
"Puwede mo ba akong samahan?" Muli nitong tanong, and this time maayos na ang pag-iisip ko.
"Sige ba, wala naman akong masyadong gagawin," nakangiting sagot ko dito.
Sandali pa kami nitong nag-usap patungkol sa kung anong oras ako nito dadaanan, at matapos nga noon ay agad na din nitong tinapos ang tawag.
Isang malakas na tili ang kumawala sa mga labi ko nang matapos ang pakikipag-usap kong iyon kay Rick, hindi ko alam kung bakit ako nitong inayang lumabas, pero hindi na mahalaga iyon, dahil ang mahalaga ay makakasama ko ngayong araw ang future boyfriend ko.
Buong akala ko talaga ay lilipas ang araw na ito na hindi ko man lang makikita si Rick, pero mas maganda pa pala ang mangyayari, at iyon ay ang inaya nito akong lumabas.
"Wait, kasama kaya namin si Kevin?" Tanong ko sa sarili.
Hindi ko kasi ito natanong kung kaming dalawa lang ang mamamasyal ngayong araw, o kung kasama namin si Kevin, pero pinagkibit-balikat ko na lang ang bagay na iyon, dahil hindi na big deal sa akin kung sakali mang kasama namin si Kevin, o hindi.
Ayon kay Rick ay susunduin ako nitong mamayang alas-onse, at may dalawang oras pa naman ako para maghanda, kaya naman nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ko para maghanap ng masusuot.
Kailangan maging maganda ako sa unang beses na inaya ako nitong mamasyal.