CHAPTER 29: Heart to Heart Talk

1535 Words
-=m*******e's Point of View=- Katulad kahapon ay hindi din ako nakapag-focus sa mga klase ko, mabuti na lang talaga, at hindi ako natatawag sa mga recitation, siguro nga ay mahal ako ng nasa taas kaya hindi ako nahuhuling wala sa sarili habang nakatingin lang sa harapan ng classroom. Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng takbo ng oras, kanina pa nga nangangati ang paa kong tumayo, at umalis na, ngunit hindi naman puwedeng basta na lang akong umalis, kaya naman pagkatunog na pagkatunog pa lang ng bell ay agad na akong tumayo, at lumabas ng classroom, hindi ko na nga hinintay na i-dismiss ng professor namin ang klase. Hindi ko na din pinansin ang pagtawag sa akin ni Sandy, at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na nga ako sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ko tuluyang paandarin ang kotse, at isang destinasyon lang ang nasa isip ko, at iyon ay ang bahay ng mga Saavedra. Usually ay late na kung matapos ang mga klase ni Kevin, ngunit alam ko naman na maaga itong lalabas ngayong araw na ito, dahil merong faculty meeting mga bawat teacher sa school na pinapaskan nito, ngunit para makasigurado ay tinawagan ko si Lizza sa cellphone nito. "Hello, Jane, napatawag ka?" Ang bungad nito nang sagutin ang tawag ko. "Hi, Mrs. Saavedra. Gusto ko lang tanungin kung pauwi na ba kayo?" Diretsong tanong ko dito. "Oo, pauwi na kami, bakit mo natanong?" Tanong nito, naiimagine ko tuloy na magkasalubong ang perpektong mga kilay nito nang mga oras na iyon. "Wala naman, gusto ko lang kasing dumalaw para makipagkuwentuhan," kunwari ay balewalang sagot ko dito. "Ganoon ba? Sige dumiretso ka na sa bahay, at doon na tayo magkita. Matagal-tagal na din naman ng may nakakausap ako," natatawa nitong sinabi, at matapos nga noon ay nagpaalam na ito. Nagpatuloy naman ako sa pagmamaneho patungo sa bahay ng mga ito, nauna lang ako sa mga ito ng halos limang minuto, at matapos nga noon ay sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. "Mabuti naman at naisipan mong puntahan ako," nakangiting sinabi ni Lizza nang sa wakas ay nakaupo na kami sa sofa sa sala, habang si Kevin ay nagpaalam na papasok na ito sa kuwarto. "Wala naman, naisip ko lang kasi na baka gusto mong may makuwentuhan na kapwa babae, imagine, tatlong lalaki pala ang madalas mong nakakasama," natatawa kong sinabi dito na sinabayan din naman nito. "Tama ka diyan, pero kahit naman ang mga boys ko ang kasama ko ay masaya ako, lalo na siguro kung dito pa nakatira si Rick," sagot nito, at kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman kong nami-miss na nito ang panganay na anak. Nararamdaman ko ang pagmamahal nito kay Rick, pero hindi ko naman maiwasang maawa kay Kevin, dahil kasama nga ni Kevin ang mga magulang sa isang bahay, pero madalas naman na wala ang mga ito, kaya nga kumuha ang mga magulang nito ng babysitter, ngunit agad kong inalis iyon sa isip ko, at agad akong nag-focus patungkol kay Rick. "Ganoon siguro talaga kung sakaling tumanda na ang mga anak, mas gusto na nilang mag-isa," nakangiting sinabi ko dito, at nang marinig nga nito ay isang nakakaunawang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. Dahil hindi ito nagsalita, kaya naman napilitan akong magtanong dito. "Baka naman kasama niya ngayon ang nobya niya?" Kunwaring nagbibiro kong tanong dito, at nang marinig nga iyon ni Lizza ay umiiling itong tumingin sa akin. "Walang nobya si Rick, ang pagkakaalam ko ay nagkaroon siya ng nobya sa America, pero halos isang taon na din silang hiwalay, mas pinili kasi ng dati niyang girlfriend ang career nito kaysa sa kanya," sagot naman ni Lizza. Nang marinig nga iyon ay bahagyang napanatag ang loob ko, dahil kung nagka-girlfriend ito ay ibig lang sabihin na straight ito, pero para makasigurado ay maingat pa din akong nagtanong dito patungkol sa mga past relationships ni Rick, ang buong akala ko talaga ay magaling na ako, ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang marinig ang sunod na sinabi ni Lizza. "Inaalam mo ba kung may nagugustuhan siya ngayon?" Nanunuksong tanong ni Lizza. Bigla naman akong nailang sa tanong nito, at kahit hindi ko tignan ang sarili ko sa salamin ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong mga pisngi. "Hindi kita maintindihan," pagmamaang-maangan ko, ngunit nang tignan ko ang mukha ni Lizza ay nakikita kong hindi ito naniniwala sa pagmamaang-maangan ko. "Hindi mo na kailangan magpanggap, Jane. Babae din ako, kaya alam ko kung may gusto ang isang babae sa isang lalaki, at kung akala mo ay hindi ko napapansin ang pakikipaglapit mo sa amin ay nagkakamali ka, at sa maniwala ka man, o sa hindi ay ginawa ko din yan noong nakikipaglapit ako kay Richard," natatawa nitong sinabi. Isang alanganing ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang ma-realize kong wala na akong dapat na itago pa dito, ang buong akala ko talaga ay maingat ako sa mga tanong ko dito, at sa mga ginawa ko sa mga nakalipas na mga araw, ngunit basang-basa na pala ako nito. "Hindi mo kailangang mahiya sa akin, Jane, dahil ang totoo ay gusto kita, at kung sakali mang magustuhan ka ng anak ko ay hindi ako tututol, nararamdaman ko kasi na mabuti kang tao, Jane, at sigurado akong magiging masaya si Rick kung sakali man na maging kayo," sinsero nitong sinabi. "Ok lang ba sa inyo na mas di hamak na bata ako kay Rick?" Kinakabahan kong tanong. "Hindi naman, nasa legal na edad ka na naman kung sakali man maging kayo ni Rick, at magiging masaya ako kung magkaroon kayo ng relasyon ng panganay ko dahil naging malapit ka na din naamn sa pamilya namin, lalong-lalo na kay Kevin," sagot nito. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt nang bangggitin nito ang bunsong anak, alam ko naman na hindi naging maganda ang trato ko kay Kevin, at kahit na sabihin pa na magbabago na ako ay hindi pa din mabubura noon ang katotohanan sa mga pinaggagawa ko dito dati. At nang dahil sa nabanggit nito kay Kevin ay isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko, oo nga at tungkol kay Rick ang dahilan kung bakit ako dumalaw sa kanila, pero gusto ko din malaman ni Lizza ang tungkol sa bunso nilang anak. "Puwede ba kitang makausap tungkol kay Kevin?" Seryosong tanong ko dito. Halata naman ang pagkagulat na naka-register sa mukha ni Lizza sa biglang pagbabago ng topic ko, kanina lang kasi ay tungkol kay Rick ang pinag-uusapan namin, ngunit bigla kong siningit si Kevin. "Anong gusto mong sabihin?" Seryoso ding tanong ni Lizza. Isang malalim na paghinga ang muli kong ginawa bago ako tuluyang magpatuloy sa pagsasalita. "Alam kong mahal ninyo ang mga anak ninyo, Mrs. Saavedra, at alam ko din na ang lahat ng pagsusumikap ninyo ay para sa kanya, pero...." pinilit kong magpatuloy, ngunit hindi pala ganoon kadali iyon, kaya muli akong huminga ng malalim. "I'm going to be frank, Mrs. Saavedra, pero sa mga araw na nakakasama ko si Kevin ay nararamdaman ko ang kalungkutan niya dahil madalas ay wala kayo, I'm not judging you and your husband, at sabi ko nga alam kong ginagawa ninyo ang lahat ng ito para sa future nila, pero minsan nakakalimutan din natin kasi ang mas importante pang bagay, at iyon ay ang pagkakaroon ng oras na kasama ang kanilang mga magulang," lakas loob kong sinabi dito. Bigla namang natigilan si Lizza nang dahil sa sinabi kong iyon, alam kong parang nangingialam na ako sa pamilya nila, pero gusto ko din kasing malaman nila ang naging pagkukulang nila sa kanilang bunsong anak. "Sa tingin mo ba ay naging masama akong ina kay Kevin?" Malungkot nitong tanong, kaya naman sunod-sunod na iling ang tinugon ko dito. "No, hindi ka masamang ina, dahil ginagawa mo naman ito para din kay Kevin, ang gusto kong lang sabihin ay may mga pagkakataon na ang kailangan naming mga anak ay ang presensya, at atensyon ng aming mga magulang," nakakaunawang sinabi ko dito. Hindi ko alam kung paanong ang pakikipag-usap ko patungkol kay Rick ay nauwi sa seryosong pag-uusap namin patungkol sa bunsong anak nito na si Kevin. Ilang oras din naming pinag-usapan ang tungkol kay Kevin bago ako nagpasyang magpaalam dito, inaya pa nga ako ni Lizza na sumabay sa pagkain nilang mag-ina, ngunit tumanggi ako, alam ko kasing magsisimula na ang pagbabago sa relasyon ni Lizza sa bunso nitong anak na si Kevin. Matapos nga noon ay nagpaalam na ako na maluwag ang nararamdaman, masaya ako dahil nalaman kong boto pala sa akin si Lizza para sa anak nito, at sa nalaman kong dating may nobya si Rick na malaki ang chance na hindi bakla ang future boyfriend ko. Maliban kay Rick ay masaya din ako dahil pakiramdam ko ay may nagawa ako para maging mas maayos ang relasyon ni Lizza kay Kevin, at nangako din si Lizza na kakausapin nito ang asawa para mas magkaroon sila ng mahabang panahon na makasama ang anak. "I did good, right?" Sa loob-loob ko habang nakatingin sa langit habang naka-red light. Umaasa akong magkaroon ako ng good karma ng dahil sa ginawa kong iyon, at ang tanging hiling ko lang naman ay si Rick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD