-=m*******e's Point of View=-
Maaga akong nagising nang umagang iyon, ngunit kahit kakagising lang ay hinanda ko na ang sarili ko sa gagawin ko mamaya pagkatapos ng klase ko ng araw na iyon.
Binabalak ko kasing dalawin si Lizza na siyang Mommy ni Rick, kung meron man kasing maaring nakakaalam tungkol sa totoong pagkatao ni Rick ay ang Mommy nito iyon.
Alam ko naman kasi na walang ibang lakad si Lizza ngayong araw na ito, kaya nga hindi ko talaga kailangan pumunta para bantayan si Kevin, paraan ko na ito para mas malaman ko pa ang tungkol kay Rick, at mapalapit na din ito kung sakali man na straight talaga si Rick.
Agad akong bumango sa kama ko, at naghanda para pumasok sa araw na iyon, usually ay hindi agad ako bumabangon, pero ngayon ay may misyon akong kailangan kong gawin, at iyon ay malaman ang totoong pagkatao ni Rick!
Alam ko naman na maaring nag-iisip lang ako masyado ng nega, malay ko ba naman kung talagang gentleman lang si Rick, at maaring hindi ito katulad ng ibang lalaki na makakita lang ng babae ay parang nababaliw na, lalo na dahil si Rick ang kinababaliwan ng mga kalahi ko, pero kailangan ko talagang makasigurado.
Kung sakali naman kasing magkatotoo ang hinala ko ay at least madali akong makakapag-give up, at makapag-move on, hindi ito na nag-eeffort ako sa wala pala.
Hindi na ako nag-abalang mag-almusal, at matapos ngang maligo, at makapagsuot ng uniform ko ay dali-dali na akong dumiretso sa kotse ko, balak ko na lang na mag-drive thru para sa almusal ko.
Hanggang nagmamaneho ako ay nasa isip ko ang binabalak kong pakikipag-usap kay Lizza tungkol sa anak nito, at kahit nga nakarating na ako sa fastfood na bibilhan ko ng almusal ay nanatili pa din sa isip ko ang bagay na iyon.
"Good morning, may I take your order?" Narinig kong tanong sa speaker sa drive thru na iyon.
"I like ham, egg, and cheese sandwich, one hashbrown, and one hot chocolate drink," sagot ko naman dito, at matapos kong mag-order ay muli kong pinaandar ang kotse ko para magbayad, at makuha ko na ang mg inorder kong iyon.
Habang nagmamaneho ay sinabay ko na din ang almusal kong iyon, pero sa totoo lang ay hindi ko na yata nalalasahan ang mga iyon sa lalim ng iniisip ko, at kung hindi pa ako napasok ng hot chocolate ko ay hindi ako magigising sa malalim kong pag-iisip.
"Kailangan mo na talagang malaman ang totoo, Jane. Hindi maaring matapos ang araw na ito na hindi mo nakukumpirma kung positive bang bakla si Rick, o hindi!" Sa loob-loob ko habang pilit kong hinihipan ang napaso kong dila.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa wakas ay makarating na ako school, kahit na hindi pa ako sigurado kung may saysay pa ang effort kong ito ay dinalhan ko pa din si Rick ng almusal nito, kapareho ng binili kong pagkain para dito.
Mabuti ng hindi ako tumigil just in case na nagkakamali lang talaga ako, matapos ko ngang mailagay sa table nito ang pagkain na dala ko na merong note na nagsasabing galing sa akin ang pagkain na iyon ay agad akong dumiretso sa classroom namin.
Katulad nang inaasahan ko ay naroon na din si Sandy, and not surprising nakasubsob ito sa pagbabasa ng libro namin para sa subject na iyon.
"Good morning," walang kabuhay-buhay kong bati dito na sa wakas ay nag-angat ng tingin.
"Good morning din, Jane. Mukhang wala ka atang energy," sagot naman nito.
Minabuti kong huwag na lang sagutin ang tanong nito, at isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko, tahimik na lang ako habang hinihintay ang pagdating ng professor namin.
Ilang sandali nga lang ay dumating na din si prof at mabuti na lang, at agad na itong nagsimula para sa lecture nito na hindi halos pumasok sa utak ko.
Ang hira ng ganito, minsan tuloy parang ayoko ng main-love dahil nakakatuliro pala siya ng utak, pero alam ko naman na sa oras na tumibok ang puso ko ay malabo ng ibalik ko sa dati ang lahat, kaya naman ang tanging magagawa ko lamang ay sundin ang puso ko, at siguraduhin na may kahihinatnatan ang nararamdaman kong ito para kay Rick.
Nagpatuloy ang mga klase ko na wala akong naintindihan, kaya naman saka pa lang ako nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay tumunog na ang bell na signal para sa lunch break namin.
"Sigurado ka bang ok ka lang talaga, Jane?" Nag-aalala pa ding tanong sa akin ni Sandy.
Ilang beses na ba ako nitong tinanong kung ok lang ba ako, o kaya naman ay kung kumusta ba talaga ako, pero paulit-ulit lang din ang nagiging tugon ko dito na ok lang ako, pero hindi ko alam kung pinapaniwala ko ba siya, o pinapaniwala ko ang sarili kong ok lang ako.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong ganang kumain, pero nang mapansin ko kasi ang labis na pag-aalala ni Sandy ay pinilit ko ang sariling samahan ito, at ang kanyang nobyo na si Brent.
"Mabuti pang mag-stay ka na lang dito, ako na ang pipila, at bibili ng pagkain mo. Ano bang gusto mong kainin?" Tanong ni Sandy sa akin.
"Baked mac na lang siguro saka ham and cheese sandwich," sagot ko dito.
Matapos ngang makuha nito ang order ko ay agad na itong nagpasama kay Brent para pumila, at dahil doon ay naiwan akong mag-isa sa mesa namin, kaya nga mas lalo kong naiisip ang pakikipag-usap kong iyon kay Lizza mamaya.
Ilang minuto pa ang lumipas nang magtaka ako nang marinig ko ang tila kinikilig na bulungan ng mga tao sa cafeteria, partikular sa mga kalahi ko, at nang mag-angat ako ng ulo ay bigla kong nahigit ang aking paghinga nang makita ko si Rick pala ang pinag-uusapan ng mga ito.
Kahit kailan talaga ay hindi nagmimintis na napapabilis nito ang t***k ng puso ko, alam ko naman na hindi na lang basta-basta paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya, kung hindi mas malalim pa doon.
Oo, aminado na ako na mahal ko na si Rick, siguro nga ay hindi tama na basta na lang mahulog ang loob ko dito, pero anong magagawa ko kung puso ko na ang nagpasya para sa akin.
Ito ang unang beses na magpunta ito sa cafeteria, dahil madalas ay lumalabas ito ng campus para kumain, o kaya naman ay nagpapa-deliver na lang ito.
Mas lalong bumilis ang pagtahip ng dibdib ko nang mapansin kong tila may hinahanap ito, hanggang sa wakas ay mapadako ang tingin nito sa akin.
Pakiramdam ko ay tatalon na sa dibdib ko ang puso ko nang nakangiti itong lumapit sa mesa namin, at ilang sandali nga lang ay nasa harapan ko na ito.
"Hi," nakangiti nitong sinabi, nakapasimpatiko nito sa suot nito na mas lalong tumingkad nang dahil sa pagkakangiti nito.
"Hello," wala sa sariling sagot ko naman dito.
"Puwede bang maki-share ng table?" Tanong nito, at muli ay hindi ay parang nalunok ko na naman ang dila ko, kaya naman minabuti kong tumango na lang sa tanong nito.
"Thankys," ang tanging sinabi nito, sandali muna itong nagpaalam sa akin para bumili ng pagkain nito.
Tulala pa din ako habang pinagmamasdan ito, hindi ko alam kung bakit nito naisipan na kumain dito, pero kahit ano mang dahilan nito ay hindi matatawaran noon ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na ito.
Hindi naman nakaligtas sa pakiramdam ko ang tila punyal na mga tingin na pinupukol sa akin mga schoolmates ko, ngunit isang partikular na tingin ang nakatawag ng atensyon ko, at nang tignan ko nag kung sino iyon ay bigla akong napaismid.
Kung nakakamatay lang kasi ang tingin nito ay kanina pa ako siguro tumumba, halos patayin kasi ako ng tingin ni Rachelle.
Hindi ko naman ito masisisi, dahil ilang beses itong sinubukang akitin si Rick, pero kahit minsan ay hindi umubra ang mga paraan nito, hindi din lingid sa akin na makailang beses na din nitong ininvite si Rick sa sumabay na mag-lunch kasama ito.
Tutal naman ay hindi ako nakikita ni Rick ay isang ismid ang pinakita ko kay Rachelle na naging dahilan para mas mamula sa galit ang mukha nitong punong-puno ng makeup.
"Mukhang bigla kang nagka-energy ha," narinig kong komento ni Sandy nang sa wakas ay makabalik na ito sa table namin.
Alam ko naman na alam din nito ang presensya ni Rick, at dahil sa sinabi nito ay isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.
"Malay ko ba kung bakit siya nag-decide na kumain dito," kunwaring balewala kong sinabi dito, pero nanatili naman ang pagkakangiti kong iyon.
"Sus, alam naman natin na dahil sa iyo kung bakit siya nandito," muling sinabi ni Sandy.
Ayoko man, pero mas lalo tuloy akong nabuhayan ng loob nang dahil sa sinabing iyon ni Sandy, kahit kasi anong isipin ko ay hindi talaga mawawala sa puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi na lang ako umimik sa takot na baka may iba pa akong masabi, sakto naman dahil ilang minuto lang ang nakalipas nang sa wakas ay bumalik si Rick sa table namin.
"Sandy, right?" Tanong ni Rick nang makita nito si Sandy.
"Yes ako, and by the way, this is my boyfriend, Brent," pagpapakilala naman ni Sandy sa nobyo.
Halatang people's person si Rick, dahil kahit na kakakilala lang niya kay Sandy, at Brent ay magaan na agad ang pakikipag-usap niya sa mga ito.
Mas lalo akong nabuhayan ng loob nang marinig ko kung gaano kainteresado si Rick sa iba't-ibang sports, sa isip ko kasi ay most of the straight guys ay mahihilig sa mga sports, pero siyempre, hindi ko din maalis ang mga ilang mga bakla na mahilig din sa sports.
Ewan ko ba, masyado na akong nalilito, kung ano ba talaga ang dapat kong isipin.
Nagpatuloy ang masayang pagkukuwentuhan sa mesa namin, hindi na nga namin pinansin ang ibang mga tao na patuloy na napapatingin sa direksyon namin.
Hindi naman kasi iyon kataka-taka, lalo na at apat sa pinakamagaganda, at guwapo sa school ang magkakasama, kaya mapababae man, o lalaki ay napapatingin sa mesa namin.
"It's been nice knowing you, and thank you for your time," ang sinabi ni Rick bago ito tuluyang nagpaalam sa amin.
"Nice knowing you to, Bro, minsan sali ka sa amin sa game," nakangiting aya naman ni Brent dito.
"Sige ba, kapag may free time," sagot naman ni Rick, at matapos nga noon ay nauna na itong lumabas ng cafeteria.
Sinigurado ko na munang wala na si Rick bago ko muling hinarap si Brent.
"Wala ka bang napansin na kakaiba kay Rick?" Nagmamadali kong tanong dito.
"Kakaiba? Paanong kakaiba?" Nagtataka naman na tanong ni Brent.
"Kakaiba? Unusual sa kanya?" Muling tanong ko dito, hindi ko nga napansin na parang inenglish ko lang ang sinabi ko kanina.
"Sorry, Jane. Hindi talaga kita maintindihan," naguguluhan pa din nitong sinabi, habang umiiling-iling.
"Ang gustong malaman ni Jane ay kung napansin mo ba kung baka bakla si Rick," si Sandy na mismo ang nagsalitang iyon, at ganoon na lang ang pagkakagulat ni Brent sa sinabi ng nobya.
"Saan mo naman nakuha ang impression na iyan na bakla si Rick?" Naiiling na tanong ni Brent.
"Kasi naman, wala akong napapansin na parang nagugustuhan niya, kaya nagduda ako na baka nga beki siya," sa wakas ay sagot ko dito.
"Believe me, Jane. Straight ang future boyfriend mo. Wala akong nararamdaman na kakaiba sa kanya, at sigurado din akong puwede ko siyang maging tropa," pagpapalakas nito ng loob ko.
Aminin ko man o hindi ay nabuhayan ako ng pag-asa sa sinabing iyon ni Brent, ngunit muling nagbalik ang pagdududa ko.
"Hindi ko alam, Brent. Meron naman ibang mga bakla na magaling magpanggap di ba?" Tanong ko dito.
"Sa bagay may punto ka diyan, pero sa maniwala ka man o sa hindi ay straight talaga si Rick, at bakit mo ba binibigyan ng alalahanin ang sarili mo, gayong wala ka naman talagang dapat na ipag-alala," napapailing pa din nitong sinabi sa akin.
"Ayoko lang kasing magsayang ng effort sa wala naman," sagot ko dito.
Mabuti na lang, at hindi na nag-usisa pa si Brent, at matapos nga noon ay sabay-sabay na kaming lumabas ng cafeteria at dumiretso sa susunod naming klase, at dahil magkahiwalay kami ng building ay nagpaalam na din si Brent, kaya naman kaming dalawa na lang ni Sandy ang magkasabay na naglalakad papunta sa classroom namin.
"Maniwala ka sa sinabi ni Brent, Jane. Lalaki iyon kaya naman siguro mas malakas ang pakiramdam nila kung sakaling may ibang pagtingin ang kabaro nila.
"Sana nga talaga, Sandy," sagot ko naman dito.