Alastair’s POV “Ilang libong taon ka nang narito. Wala ka bang planong maghanap ng makakasama mo?” nakatingala ang aking paningin habang lumilibot iyon sa buong silid. Napahinto ako sa paggalaw nang dumaan ang aking paningin sa kay Alastair. Nakatuon na ngayon ang aking atensyon habang siya ay ganoon rin sa akin. “Wala ka bang balak na humanap ng makakasama at mamahalin, ama?” Ang sinabing iyon ng aking anak ang palaging bumabalik sa aking isipan. Hindi ko magawa ang alisin iyon kahit pa sa ilang beses kong sinubukang matahimik ang laman ng aking iniisip. Nanatili lamang akong nakaupo sa aking upuan habang tulad ng palagi kong ginagawa habang nagpapalipas ako ng oras ay nakaharap lamang ako sa malawak na kagubatan kung saan tanaw na tanaw ko iyon mula sa aking silid. Tama si Augustus…

