Miranda's POV "Hindi sapat ang pasasalamat lang, Miranda... Ngayon, ako naman ang pagbigyan mo," mahinang sambit nito saka marahang pinagalaw ang kaliwang kamay nito at marahan na dumapo sa aking kalagitnaan. Ramdam na ramdam ko ang mabagal na paghaplos niya ngunit kapalit n'on ay ang unti-unting pagliyab ng mainit na apoy sa aking katawan. Sinubukan ko pang umiwas mula sa kanyang mga tingin ngunit hindi ko na iyon magawa pa. Nakapokus lamang ang aking atensyon sa kanyang mga mata habang sinubukang mapigilan ang sarili kong makalikha ng anumang agresibong galaw. Dahan-dahan kong kinagat ang sarili kong mga labi ngayong tuluyan na niyang pinaramdam sa aking ang kanyang kamay. Punong-puno ng pang-aakit ang boses niyang iyon at sa puntong ito ay iisa lamang ang inaasahan kong mangyari at iy

