Miranda’s POV “Kabilugan na naman ng buwan, Miranda.” Ang boses ni Augustus ang unang bumungad sa akin nang pumasok ako sa silid nami. Wala akong mariring na kahit na anong ingay gayong wala naman si Kalid sa silid. Talagang mapapansin mo ang ingay sa silid kung nasaan si Kalid. Napatingin ako sa kanyang gawi. Nakaupo lamang ito sa kabilang sulok nitong silid habang nakaharap sa labas kung saan tanaw na tanaw ang malaking buwan. Napatingin na rin ako sa tanawin kung saan nakatuon ang atensyon ni Augustus. Tulad ng sinabi niya ay kabilugan na naman ng buwan. Ngayon ay hindi ko alam kung bakit kakaibang dating para sa akin ang buwan na ito. Ito ang unang beses na mararamdaman ko ang presensya ng isang bilog na buwan. Ito rin ang unang beses na makikita kong bilog ang buwan bilang isang ba

