Alastair’s POV “Ano ang iyong plano?” tanong ko habang nakatingin sa kanya. Hindi siya nakaharap sa akin sa halip ay dahan-dahan niyang isinuot ang mga damit niyang kanina ay nakakalat pa sa sahig. Hindi ako kumurap lalo pa at tanaw na tanaw pa ng aking mga mata sa puntong ito ang kanyang katawan. Ilang segudo pa ang lumipas bago ko tuluyang isinuot ang aking pantalon. Nanatili pa rin sa kanyang gawi ang aking atensyon. Hindi siya sumagot sa sinabi kong iyon. Pinagmasdan ko lamang ang bawat paggalaw niya; kinuha niya ang kanyang suot pang-itaas saka iyon isinuot. Ilang segundo lamang ang lumipas at tuluyan na ulit siyang binalot ng kanyang mga damit. Humarap siya sa akin dala ang seryosong ekepresyon ng kanyang mukha. Sa mukha ko unang dumapo ang kanyang paningin. Nakaupo lamang ak

