Alastair's POV Hindi ko alam ngunit mas lalo lang naging malapit ang loob ko sa kanya. Habang tumatagal ang aming pagyayakapan ay mas lalo ko lang naramdaman ang sarili ko sa kanya. Sa puntong ito ay tuluyan nang naging malakas ang pagtibok ng aking puso. Alam kong wala na akong magagawa pa kung hindi ang ipagpatuloy na lamang ang lahat ng ito. Wala na akong magagawa pa lalo pa at alam kong tuluyan na niyang nabihag ang aking puso at isipan. Hinagod ko ang kanyang likuran. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin siyang kumawala sa pagkakayakap. Tiningnan niya ako sa aking mga mata. Mula rito ay alam kong kakaiba na ang tingin niya sa akin sa puntong ito. Hindi ko man lang magawa ang umilag doon sa halip ay nanatili lamang na magkatapat ang aming mga mata. "Ano ang gagawin ko upang ako'y maka

