THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 60 Tumambad kay Klein ang balbas saradong mutawa. Malaking tao. Nakasuot ng putting mahaba. Nakakatakot ang kanyang mga matang nakatitig sa kanya. Sa likod ng Mutawa ay may dalawang pulis. Nanlumo siya. Kinakabahan ng husto. Itinulak siya at pumasok sila sa loob para huliin si Leigh pero mabilis pa rin siyang humarang sa kanilang daraanan. Habang kaya pa niyang pigilan sila. Patagalin pa kahit bahagya ang pagpasok nila para makatago pa si Leigh sa loob. “What do you need, mudeer?” “Where is the girl?” “What girl?” “The girl that your neighbor reported us that you are keeping here?” “I don’t know what you are telling about? There is no lady here. This is my accommodation. You might be wrong. Maybe…maybe in another apartment and

