THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 61 Dahil sa nangyaring iyon, naghanap agad si Klein ng kanyang malilipatan. Hindi na safe doon. Paniguradong nasa kanya na ang mga mata ng kanyang mga kapitbahay. Hindi sila titigil hangga’t hindi siya mahuhuli. Hindi na rin muna pinapunta ni Klein si Leigh sa apartment niya hanggang di siya nakakalipat. Hanggang sa wakas nakahanap din siya. Mas maliit kaysa sa dati pero mas mura. Kailangan niya ng murang matitirhan ngayon na bukod sa pamilya niya, may pinaglalaanan na rin siya sa kanyang sahod. Habang nakaupo siya sa Batha, nakita niya ang pagkakaiba-iba ng mga Pinoy sa Saudi. May nakikita niyang mga matatanda na at panay pa rin ang padala ng balikbayan box. Sarili nilang damit at sapatos hindi nila mabili pero nagawa nilang punu

