CHAPTER 79 Mabilis niyang tinanggal ang kanyng seatbelt at isinuot niya ang kanyang backpack. Naroon sa bag na iyon ang lahat ng kanyang mga papers. Saan pa ba siya pupunta? Paano pa ba siya makakaiwas at tatakas. Huminga siya ng malalim. Parang wala na siyang nakikita pa sa pagkakataong iyon. “No more running Miss Sanchez. You are now under arrest and you cannot escape the charges against you.” Nakatutok na sa kanya ang baril ni Ahmad. Sa pagkakataong iyon. Lalo na nang pakiramdam niya wala na siyang lulusutan pa ay ipinasa-Diyos na lang niya ang lahat. Sumubok na siya. Ginawa na niya ang lahat. Pagod na siya. Hirap na hirap. Hindi na niya kaya pang tumakas. Tama si Ahmad, iisa na lang ang pwede niyang gawin ngayon, harapin ang asunto sa kanya. Wala na siyang naramdamang kahit anong ka

