Chapter 78 Muli siyang tinignan ng immigration officer. Inayos muna nito ang ticket at iqama ni Leigh saka niya isiniksik sa passport. Pinindot na niya ang enter para maup-load sa system ang information ni Leigh at bahala na ang system na magsasabi kung malaya siyang makakauuwi o hindi. Pinagpapawisan na si Leigh. Nangangatog ang kanyang tuhod. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Nagdadasal na sana hindi siya sumabit. Nasa sana green ang iilaw. Ang hirap nang huminga lalo pa’t tumutingin na si Ahmad sa mga nakapila sa immigration at naroon siya’t nakatalikod at nagtatago. Hanggang sa biglang umilaw ang… GREEN. “Oh my God!” pabulong niyang naibulalas. Ibig sabihin malaya siyang makapagtutuloy hanggang sa gate ng kanyang sasakyang eroplano. Trenta porsyentong ligtas na siya. Iniabot sa kanya

