THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 63 Nakita ni Klein na naglabas na ng posas ang pulis para arestuhin sila. Nagsimula nang umiyak si Leigh. Ito na ang kinatatakutan niya. Nakatingin siya kay Klein. Umaasa nang tulong habang pinoposasan siya para dalhin sa kulungan. “Wait? What are you doing?” tanong ni Klein. Nakikita sa mukha niya ang paninindigan. “Why are you arresting me and my wife? In what case?” “Your wife? You are married?” “Klein anong sinasabi mo? Lalo tayong makukulong diyan sa pagsisinungaling mong ‘yan ano ka ba!” “Huwag ka na munang magsalita please. Ako na ang kakausap.” “Pero paano mo paninindigan?” “Yes, we are married.” “Where is your proof?” “Wait. I kept in our car.” Naguluhan si Leigh. Hindi niya alam ang tungkol doon. Wala siyang alam

