CHAPTER 64 Nang matapos maligo si Klein ay naabutan niyang palabas na si Leigh ng kuwarto. Nagtaka siya kung bakit lalo na dala na ni Leigh ang mga naiwan niyang gamit. Yung aalis na hindi na babalik pa. Kinutuban siya ng hindi maganda. "Bakit? Sa'n ka pupunta?" “Uuwi na ako. Kailangan ko nang umalis.” “Uuwi ka na? Bakit? Anong problema? May nangyari ba?” sunud-sunod niyang tanong. “Wala.” Huminga siya ng malalim. Garalgal na ang boses niya. “Ayaw ko na.” “Ayaw mo na? Anong ayaw mo na? Hindi ka na matutulog dito?” "Tapos na tayo. Itigil na natin ‘to.” “Ha? Bakit? Anong nangyayari?” “Klein, nahihirapan ka na. Hindi mo na kinakaya pa. Sana nagpakatotoo ka na lang. Hindi yung ganito.” “Anong nahihirapan? Anong ganito? Masaya nga akong kasama ka e. Ano bang pagpapakatotoo ang sinasa

