CHAPTER 65 Binuksan na niya ang pintuan ng kuwarto. Hinila ni Klein ang kaniyang abaya. “Leigh, please. Anong gusto mong gagawin ko? Sabihin mo lang, gagawin ko, manatili ka lang sa akin.” Nakita niya sa mukha nito ang magkahalong takot, pagkalito, sobrang pagkalugmok at pagmamakaawa. Mukhang wala na tamang wisyo si Klein at hindi siya nagiging magandang impluwensiya kay Klein. Kahit masakit, kahit mahirap, siya na lang ang iiwas. Siya na lang ang lalayo. Hinawakan niya ang kamay ni Klein na nakahawak sa kanyang abaya. Pinisil niya iyon. “Wala kang ibang gawin kundi ang kalimutan ako.” “Alam mong hindi ko magagawa ‘yan boss ko. Hindi ko kaya.” “Tang ina Klein mag-isip ka naman. Ano bang mapapala mo sa akin? Wala! Okey!” “Para sa’yo maaring wala akong mapapala, na nagsasayang lang

