CHAPTER 68 “Iyon siguro ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalam sa’yo. Kung may mas malalim pang dahilan at nangyari, mainam na sa kanya na lang manggaling.” “Anong namang dahilan?” tanong ni Leigh kay Nicole. “Ayaw ko siyang pangunahan.” “Ibig sabihin, palabas lang lahat na hindi pa ninyo kilala ang isa’t isa nang pumunta siya rito at ipinakilala ko kayo?” “Oo, kahit sa restaurant nang natapunan mo siya ng mango juice? Doon na nagsimula ang pagpapanggap namin. Bilang isang kaibigan, pumayag na lang ako sa gusto niya lalo na, andami na kasing tulong no’n sa akin. Ano lang naman na pagbigyan siya sa simpleng kahilingan niya. Hindi naman kasi siya naningil at ayaw namang tanggapin yung ibang napinahiram niya sa akin noon kasi alam niyang mababa lang ang sahod ko.” Huminga nang malal

