CHAPTER 72 “Hello…Leigh?” Kinanta niya yung paborito nilang kanta na Bawat Daan. Kantang alam niyang magsasabi sa mga gusto niyang sabihin. Pinigilan man niyang umiyak ngunit tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha. “Maligaw man, at mawala, at umikot man, sa kawalan, sa bawat kailan, sino't saan, ikaw lamang ang kasagutan. Bawat kanan at kaliwa, kung timog man o hilaga, ang bawat... daan ko ay patungo, ay pabalik sa 'yo.” Kakornihan man ngunit kumanta siya. Unang pagkakataon na may kinantahan siyang lalaki sa cellphone. Iyon kasi ang gusto niyang sabihin kay Klein. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang tumulo ang luha niya nang nakanta niya iyon at parang hindi na niya kayang ituloy pa. Nahihirapan siyag bigkasin pa ang mga susunod pang linya ng kanta. Ilang sandali lang ay si K

