CHAPTER 84 Dahan-dahang niyakap ni Klein si Leigh. Nagtapat ang kanilang mga pisngi. Humihikbi. Sobra nilang na-miss ang isa’t isa. Napakatagal na panahong pinangarap nila na mangyari ito. Isang dasal na nagkatotoo. Isang pangarap na nangyari. Hanggang sa hinawakan ni Klein ang mukha ni Leigh. Sa dilim hindi nila nakikita ang isa’t isa. Hanggang sa biglang nabuksan ang isang ilaw. Nakita agad ni Leigh si Ahmad. Si Ahmad ang kasama ni Klein. Siya ang nagpapasok sa kanyang mahal. “I'll give you a moment to talk. But only for a moment because it's alarming and dangerous if we get caught and I let Klein enters here. I just ask the guard to give us a minute. To give you guys a minute. It might be a last time for you to talk so make it worthwhile and special. Hurry up.” May nginig

