ALINGASNGAS

2706 Words

CHAPTER 85 Hanggang gumising si Leigh isang umaga. Kakaibang umaga iyon sa mga nakaraang umaga ng Biyernes. Hindi siya ginising ng malakas na pagbukas sa pintuang rehas ng kanyang kulungan. Hindi nadampian ng latigo ang halos lamog na sa pagpapahirap niyang katawan. Ang arabong dati ay naninigaw bago ibigay sa kanya ang paulit-ulit na rasyong pagkain at naninilaw na tubig ay tahimik at ni hindi siya tinapunan ng tingin. Malinis at malamig na tubig ang gumuhit sa kanyang lalamunan. Dalawang araw na siyang hindi pinahirapan. Dalawang gabi na rin siyang hinayaang makatulog ng mahimbing sapagkat pinapatay na rin nila ang nakasisilaw na bombilya sa maalinsangan at maliit niyang kulungan. Subalit kahit ilang mahimbing pa sigurong pagtulog sa gabi at kahit gaano pa kasasarap na pagkain ang ipaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD