THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 53 Pagkashower ni Leigh ay nahiga na muna siya. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang f*******:. Nanood muna siya sa mga bagong post ng kapatid niya na picture ng anak niya. Nakita niyang okey naman ito. Mukhang naalagaan naman. Mas lumaki na ang ipinapadala niya ngayon sa kanyang mga magulang dahil hindi niya iisipin pa ang ipapadala kay Culver. Wala na siyang balita sa kinakasama niya mula nang naka-block na ito sa f*******: niya. Wala na rin naman siyang pakialam. Nasasaktan pa rin siya kung naaalala niya ang ginawa nito sa kanya. Iyon din ang dahilan na ayaw na niyang magmahal pa. Nasaktan na siya. Noong bago sila ni Culver, ipinaramdam din naman nito noon kung gaano siya nito kamahal. Pinagsisilbihan din naman. Inaalag

