THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 54 Nang nakapag-order na siya ay saka niya inilibot ang tingin sa loob ng restaurant. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita si Klein at dalawang kaibigan nito sa kalapit na table. Sandaling nagkatingin sila. Nakita niya ang pagbagtas ng luha sa pisngi nito. Napalunok siya. Yumuko. "Sabihin mo pakibalot na lang yung order natin.” “Bakit?” puno ng pagtatakang tanong ng customer niyang matanda. “Gusto ko kasi sa inyo na lang kumain. Ayaw ko rito, maraming tao. Marami sa ating nakakakita.” “Sigurado ka?” “Magyosi muna ako sa labas.” “Sige. Hintayin mo ako sa labas.” “Bumili ka pa rin pala ng extra na soda ha.” Tumayo siya at dumaan kina Klein. Wala naman siyang dadaanang iba kaya kinapalan na lang niya ang mukha

