THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 55 Ito yung hinihintay niyang pagkakataon. Nasa maluwang na area na siya. Pinipilit niyang idilat ang mga mata. Sumasama sa luha niya ang mga buhangin na naipon kanina sa kanyang mga mata. Hindi sila pwedeng makalapit sa kanya. May armas sila at ang tanging meron siya ay ang dati pa niyang alam sa martial arts. Panlaban siya noon sa school nila at kahit kulang ng ensayo, alam niyang sa tamang diskarte, makakapatumba siya. Pumuwesto si Leigh. Yung tayo niya, yung porma at yung kabuuan halatang kumpiyasa siya sa kanyang mga ikikilos. Nagtatawanan pa sila. Para bang minamaliit ang kanyang kakayahan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga arabo ngunit wala na siyang pakialam. Maliitin siya, pagtawanan siya hangga’t gusto nila nguni

