Lumipas ang isa at dalawa pang hearing. Ang pang-huling hearing ay malapit ng maganap. Kaya sa mga nakalipas na araw ay mas naging busy at abala pa ako. Naglalakad ako patungo sa aking kotse ng maramdaman kung may sumusunod sa akin. Sobrang tahimik ng parking basement at tanging ang suot ko lang na heels ang tumutunog sa tuwing naglalakad ako. Huminto ako at lumingon sa aking likuran pero wala akong nakita. Nagpatuloy ako sa paglalakad at naramdaman ko muli na nay sumusunod sa akin. Rinig na rinig ko ang pagsabay ng mga yapak nito sa mga yapak ko. Nang huminto ako ay ramdam kung huminto rin ang taong iyon, ng lumingon ako ay wala akong nakita marahil ay nagtatago ang kung sino mang taong iyon sa makakapal at malalawak na semento na haligi ng basement na ito kaya agad na rin akong nagtago

