"HAYOP KA MAMATAY TAO KA!" "AKALA MO KUNG SINONG ANGHEL, MAMATAY TAO PALA!" "MAKUKULONG KA! MAKUKULONG KA! SISIGURADUHIN NAMIN YAN." "WALA KANG KONSENSYA!" "HINDI KA TAO." "DI NAMIN KAILANGAN ANG PERA MO." "DI TALAGA KAMI NANINIWALANG AKSIDENTE ANG NANGYARI." Iyan ang mga salitang ibinabato nila kay Ms. Zhou. Nasa labas palang kami ng establishemento kung saan gaganapin ang hearing ay marami na ang taong nasa labas. Nag-proprotesta at humihingi ng katarungan para sa kanilang namayapang minamahal. "Those bastard people. How could they do this to me." Kalmado itong nagsasalita pero ang bawat pagbigkas niya ay halata ang diin at galit. "Ungrateful squatters." Wika pa nito. Pansin ko rin na nakakuyom na ang kamao nito halatang inis na inis. Nang makarating sa korte ay agad kaming

