"Mama!" Agad akong sinalubong ng dalawa kung anak ng mahigpit na yakap na siyang sinuklian ko naman ng mahigpit na yakap rin. "Tired Mama?" Cute na patanong ni Cloud sa akin habang tinatanggal ko ang sandal ko para magpalit ng tsinelas na panloob. Kinuha naman ni Sky ang bag ko habang hila-hila ni Cloud ang kamay ko. "Just a bit?" Patanong kung turan. "Daddy, Mama's here!" Sigaw ng anak kung si Sky. Dinala ako ni Cloud sa kusina kung saan ay nakita ko ang Papa nila na naka-suot ng apron at nagluluto. "Mabuti naka-uwi kana, kumain na tayo." Saad nito. Pinaghila ako ni Ashtero ng upuan kaya napangiti ako. Ang dalawang bata naman ay naghugas ng kanilang mga kamay. Habang sabay-sabay kaming kumakain ay wala namang ampat sa pag-kwe-kwento ang kambal tungkol sa mga ginagawa nila sa eskw

