Chapter 2

1853 Words
Pagkatapos ng usapan nila Mom at Dad kasama si Principal Aurora at Vice Principal Achilles ay umalis na sila. Nandito kaming dalawa ni Vice Principal Achilles sa may corridor at naglalakad patungo sa dorm na tutuluyan ko. Tahimik at walang imik kaming dalawang naglalakad. Tanging malakas na hangin at huni lamang ng ibon ang aming naririnig, walang gustong gumawa ng ingay sa pagitan naming dalawa. Habang naglalakad kami ay si Vice Principal Achilles na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "So, Ayslin, kamusta naman ang pamamalagi mo kasama ang mga mortal?" Tanong nito. "Ang ibig kong sabihin sa mortal na mundo, alam mo naman siguro na hindi ito eskwelahan para sa mga mortal hindi ba?" Pagpapatuloy nito ng hindi ako sumagot. "Alam ko," nakanguso kong sagot. "Kasi nakita ko ang iba sa inyo." Mahinang bulong ko dahilan para lingunin n'ya ako habang nakakunot ang noo. "Anong sinabi mo?" kunot noo'ng tanong nito. Ngumiti lamang ako habang umiiling. "Wala, sabi ko ang cute ko." Sabi ko sabay hagikhik. Napapailing naman s'ya habang naiiling na nakatingin sa akin. "Katulad na katulad ka talaga ng ina mo." "Syempre naman!" Proud kong sabi. "Baka anak ako ni Philip at Aira!" Nakangiting dagdag ko pa. Napansin ko ang pananahimik nito habang nakatingin sa akin. Titig na titig ito ibang nakatingin sa akin. May ngiti sa kan'yang labi ngunit hindi ito umabot sa kan'yang mata. Nang salubungin ko ang mata nito ay puro kalungkutan lang ang nakikita ko. "Okay lang ba kayo?" tanong ko. Mabilis s'yang umiwas ng tingin bago ngumiti at ibalik ang tingin sa akin. "Oo naman! Ako pa! Lagi naman akong okay eh!" Sabi nito at pilit na humalakhak bago iiwas sa akin ang tingin pero hindi nakatakas sa akin ang isang butil ng luha na pumatak galing sa isa n'yang mata. Ngumiti ako sa kan'ya para sakyan ang kan'yang pagsisinungaling. "Oo nga eh! Hindi naman siguro kayo nagkakaproblema dahil masayahin kayong tao!" Galak na galak kong sabi, tinatago ang pagsisinungaling. Humalakhak ito bago tapik-tapikin ang aking ulo dahilan para ngumuso ako. Napuno ng tawanan ang corridor ng dahil sa amin ni Vice Principal Achilles. Napagalaman ko na 25 years old lang pala s'ya habang 24 years old naman si Principal Aurora. Sabi ng haba eh! Nang makarating kami sa may dulong pasilyo ay agad kaming tumigil sa harapan ng isang pintuan. Hinarap ako ni Vice Principal Achilles. "Paano ba 'yan, Ayslin. Ito na ang dorm mo, nasa loob naman 'yung dalawa mong dorm mate," ngumiti sa akin si Vice Principal Achilles. "Huwag kang mag-alala, mababait naman sila." sabi n'ya bago muling ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako bago tumango. "Salamat, Vice Principal Achilles." nakangiti kong pasasalamat. Pinihit n'ya ang door knob para pagbuksan ako pero agad n'ya akong pinatigil sa akmang pagpasok ko. "Ayslin," pagtawag n'ya sa akin dahilan para tumigil ako. Tinignan ko s'ya habang nakangiti. Bumuntong hininga ito bago magsalita. "Kapag sa oras na malaman mo ang totoo, huwag ka sanang magalit sa mga magulang mo." seryoso nitong sabi dahilan para mawala ang ngiti ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang naka kunot ang aking noo. Mariin itong napapikit at bumulong-bulong na para bang pinagagalitan n'ya ang sarili. Muli n'yang idinilat ang kan'yang mata at muli itong ngumiti sa akin. Iniling n'ya ang kan'yang ulo. "Wala, masyado lang akong nadala sa mga---" "Vice Principal Achilles!" hindi na natapos ni Vice Principal Achilles ang kan'yang sasabihin ng may isang malakas na boses ang aming narinig mula sa aking likudan. Sabay kaming napatingin sa may likudan ko. Una kong nakita ang kulay lupa n'yang mga mata, maputlang labi, matangos na ilong, curly hair at makinis na balat. Mas matangkad s'ya sa akin ng kaunti. Bumaling sa akin 'yung babae, lalong lumawak ang ngiti nito kaya ngumiti ako sa kan'ya. "O. M. G!" nakanganga na ani nito. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa bago ibalik sa mukha ko ang tingin. Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat. Bumaling s'ya kay Vice Principal Achilles. "Vice Principal Achilles! She's so gorgeous!" bulaslas nito. Tumango lamang si Vice Principal Achilles habang nakangiti. "Oh! s**t!" sabi nito dahilan para matawa ako. Niyakap n'ya ako na ikinagulat ko. Mabilis s'yang kumalas sa akin habang ngiting- ngiti. "I'm Amara," nakangiti n'yang sabi bago ilahad ang kamay. "And you?" Nakangiti kong tinanggap ang kamay ni Amara. "Ayslin Asterin Sapphire Snow," sabi ko dahilan para lalong lumawak ang kan'yang ngiti. "Nice meeting you, Amara." "Kyaaaaaaa!" bigla itong lumundag-lundag bago ako yakapin. Mabilis din naman s'yang kumalas sa akin. "I'm sure na matutuwa si Kairi kapag nakita ka rin n'ya." ngiting-ngiting sabi nito dahilan para mapangiti rin ako. Napatingin kami kay Vice Principal Achilles ng magsalita ito. "Ladies, kailangan ko ng umalis dahil marami pa akong gagawin." bago ko s'ya mapigilan sa isang kurap ko lang ay mabilis itong nawala sa paningin ko. He's so fast! Humarap na ako kay Amara habang nakanguso. "Gusto mo bang ilibot kita sa buong Academy? Kasabay ng paghahanap natin kay Kairi?" nakangiti nitong tanong sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya bago tumango. " Gusto ko din makita ang Academy at isa pa hindi naman ako pagod kaya let's g!" sabi ko bago ikawit ang ang aking braso sa kan'yang braso. Habang naglalakad kami sa may corridor ay napapatingin sa amin ang lahat maging ang mga lecturer ay napapatigil sa pagtuturo dahil lahat sila ay nakatingin sa amin ni Amara---sa akin pala. Habang naglalakad kami sa school ground ay may nakasalubong kaming dalawang lalaki. Iyong isa ay medyo kasing tangkad ko habang kulay lupa ang buhok nito, mukha s'yang makulit at palangiti. Habang 'yung isa naman ay asul ang kulay ng buhok at tipid lang na ngumiti sa amin ni Amara, mas matangkad ito kay Amara ng kaunti. "Hey!" agaw pansin ni Amara sa kanilang dalawa. At dahil nakakawit ang braso ko sa kan'ya ay mabilis n'ya akong nahila palapit doon sa dalawa na nakatigil sa paglalakad habang nakatingin sa amin. " Nakita n'yo ba si Kairi?" agad na tanong nito ng makatigil kami sa harapan nung dalawa. Hindi sumagot 'yung dalawa dahil nakatitig sila sa akin dahilan para magpilit ako ng ngiti sa kanila. "H-Hi." nahihiya kong bati sa kanila dahil sa paraan nila ng pagtitig sa akin. 'Yung lalaking matangkad ang unang nakabawi at tipid na ngumiti sa akin kaya tumango lang ako bago iwasan ang tingin nito. Humalakhak naman 'yung maliit dahilan para mapangiwi ako. "Hi, Miss! Ako nga pala si Randy!" sabi n'ya bago kunin ang kamay ko at pinag shake hands iyon. "I'm Avary." tipid na sagot ni Avary, 'yung matangkad. "Ikaw miss? Anong pangalan mo?" tanong ni Randy. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "I'm Ayslin Asterin Sapphire Snow," nakangiti kong sabi. "Nice meeting you, Avary at Randy." dagdag ko pa. Muling humalakhak si Randy. "Ang haba naman ng pangalan mo! Wala na bang iiiksi ang pangalan mo?" "But you can call me Ayslin or what ever you want." sabi ko dito. Muli itong humalakhak. "Sapphire na lang para cool." sabi n'ya habang taas-baba ang kilay sa akin. "Okay. Sapphire." sabi ko. Tumikhim si Avary dahilan para mapatingin kami sa kan'ya. "Ano nga palang kailangan n'yo?" Agad naman na nagsalita si Amara. "Napansin n'yo ba si Kairi? Kanina ko pa kasi hinahanap, eh. Dumating nalang si Sapphire lahat-lahat, wala pa rin 'to." sabi ni Amara bago ngumiti. Umiling lang si Randy habang si Avary naman ay nakatitig lang sa akin kaya naman kung saan-saan napupunta ang paningin ko para hindi masalubong ang tingin n'ya. "Hindi eh. Hinahanap din namin si Pareng Zayne," mabilis na nangunot ang noo ni Amara. "Ano na naman bang ginawa ni Zayne?" "Nagsunog sa burol!" sagot ni Randy bago humalaklak. Bumusangot lang si Amara bago ako higitin. "Tara na nga, Sapphire. Wala naman tayong mapapala sa kanila." busangot ang mukha nito ng tignan ko. Napapailing naman ako. Kung saan-saan kami nagpipinunta ni Amara para mahanap si Kairi na isa pa sa kasama ko sa dorm pero hindi namin ito makita. "Nakakainis!" bigla pumadyak-padyak si Amara sa semento, naiinis. "Saan ba pumunta ang babaeng 'yun at hindi mahagilap!" maktol nito. "Baka naman kumakain sa cafeteria." sabi ko. Lahat kasi ng pwedeng pasukan ay napuntahan na namin maliban lang sa cafeteria. Ngumiti ng malaki si Amara. "Tama ka d'yan, Sapphire. Patay gutom si Kairi kaya malamang ay nasa cafeteria iyon at lumalamon ang bubwita." nakangiti nitong sabi. Muli n'yang kinawit ang braso sa braso ko bago muli akong hilahin. "Arat na sa cafeteria at ating sunduin ang patay gutom." sabi ni Amara dahilan para tumawa ako. Mabilis namin naagaw ang atensyon ng lahat ng tumuntong kami sa loob ng cafeteria. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya naman nakaramdam ako ng ilang, 'yung iba kasi ay pinagbubulungan pa ako at nagtataka. Pinisil ni Amara ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kan'ya. Diretso lang ang tingin nito. "Huwag kang mailang, ngayon lang sila nakakita ng anghel na katulad mo." sabi ni Amara habang ginagala ang paningin sa loob, marahil ay hinahanap n'ya si Kairi. "There you, b***h, finally i found you." dinig kong bulong ni Amara bago muli akong hatakin. Bawat mesa na nadadaanan namin ay pinagbubulungan ako habang lihim akong tinitignan. Lalo akong nakaramdam ng ilang nang ilan sa mga kalalakihan ay sumisigaw pa habang 'yung iba naman ay sumisipol pa. Agad kaming tumigil sa isang babaeng puno ang bibig habang nakatingin sa amin. May bangs ito habang ang kan'yang buhok ay hanggang bewang. Medyo mataba malaki ang mata nito pero maganda s'ya. Kung tatantyahin ay mas matangkad ako sa kan'ya ng kaunti. "Hoy, gaga! Kanina pa kami naghahanap sa 'yo." sabi ni Amara bago pumameywang sa harapan ni Kairi. Ngumiti naman sa kan'ya si Kairi habang puno ng kanin ang bibig nito. Cute. Nang mapatingin ito sa akin ay mabilis na nanlaki ang kan'yang mata at dali-daling nginuya at nilunok iyon bago tumayo. Ngumiti ito sa akin. "Hello," sabi n'ya habang may pakaway pa sa akin. Ngumiti naman ako sa kan'ya. "I'm Kairi Zane, your cutest new best friend." sabi n'ya bago ilahad ang kamay sa akin. Ngumti naman ako sa kan'ya bago ilahad ang kamay. "Sapphire Snow." sabi ko bago ilahad ang kamay sa kan'ya na mabilis naman n'yang inilahad ang kamay. "Nice meeting you, Sapphire." nakangiting sabi ni Kairi. Tumango lang ako at hindi nagsalita. Napaabante naman kaming dalawa ni Amara ng may dalawang braso ang pumulupot sa leeg naming dalawa. "Wazup! Guys!" hindi ko man lingunin ay alam kong si Randy iyon. Nilingon kami ni Randy. "Hi, Sapphire. Hi, Amira." umikot ang mata ni Amara. "Amara not Amira." nakabusangot na sabi nito. Humalakhak naman si Randy. "Ba't ka galit? Yameteh kudasai!" sabi ni Randy dahilan para tumawa rin ako kasabay n'ya. Napatigil lang ako sa pagtawa ng mapansin ko na nasa akin ang paningin nilang lahat. "Sorry, natawa lang." sabi ko bago takpan ang bibig ko at doon tumawa. "Cute." komento naman ni Avary dahilan para tinignan ako nung tatlo habang may nanunuksong tingin pero binaliwala ko lang iyon. Cute naman talaga ako! Umalis nasa pagkaka akbay sa amin si Randy. Kasabay no'n ay ang pagbuhos sa akin ng malamig na tubig. "You b***h!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD