Chapter 1
Tulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Dad, pinagmamasdan ang mga berdeng dahon na nagsasayawan dahil sa hangin.
Hindi ko alam kung nasaan kami pero nasisiguro ko na nasa gubat kami dahil mga puno't halaman lang ang nakikita ko. Walang kabahayan o ano, mga puno at halaman lamang.
Nasa unahan sila Mom and Dad at masayang nagkekwentuhan habang ako ay nasa likudan, may headset ang tenga ko at tulala lamang sa labas.
Ang alam ko ngayon ay lilipat ako sa bago kong school. Wala naman akong ginawang mali o ng ikasasakit ng ulo nila Mom at Dad kaya nagtataka ako kung bakit kailangan ko pa na lumipat ng school.
"Dad, malayo pa ba?" Tanong ko ng hindi ko na matiisan na magtanong.
Tinignan nya ako sa rear view mirror at ngumiti.
Hindi ito sumagot kaya naman kay Mom ako bumaling at nagtanong. "Mom, malapit na ba tayo?" Tanong ko.
Nilingon nya ako at ngumiti. "Malapit na, sweetie, sampung oras pa." nakangiti na sabi mom dahilan para lumaki ang mata ko at matawa naman si Dad.
"Mom." pagtawag ko sa kan'ya. Malakas ang naging pagtawa nito at maging si Dad ay natawa narin. Napanguso ako.
Niloloko nila ako.
"Don't ask, swertie, we're almost here."
Nakangiting sabi ni mom. Napatingin naman ako sa unahan.
Sa hindi kalayuan ay may natatanaw akong isang sky blue na gate. Sa magkabilang gilid naman ito ay may mga nagtatayuang bricks wall. May natanaw naman ako na triangle na bubong at sa dulo ng triangle ay may kulay asul na rectangle na tela ang nakakabit doon at gumagalaw-galaw pa ito dahil sa lakas ng hangin.
Palasyo?
Tumigil si Dad sa harapan ng malaking gate at bumaba kasama si Mom. Lumapit sila sa may gilid ng gate, sa may gilid ng gate ay may nakakabit na parang..... diamante?
Nagsalita doon si Mom at Dad.
Bumaba ako ng sasakyan at tumingala sa taas. Dahil sa sinag ng araw ay napapikit ako kaya naman iniharang ko ang kamay ko sa may mukha ko bago muling tumingala.
"Welcome to Crystal Academy: School of Magic..."
Mabilis na nangunot ang noo ko sa nabasa ko.
"Weird... " kunot noong sabi ko pagkabasa ko ng pangalan ng bago kong school. "What a weird name." dagdag ko pa.
Napatingin ako sa harapan ko ng may malakas na tunog ang aking narinig. Pagtingin ko ay unti-unting bumubukas ang malaking gate.
Nice.
"Let's go, sweetie." sabi ni Dad habang naglalakad papalapit sa kotse. Bumalik ako at pumasok sa kotse.
Nang tuluyan ng bumukas ang gate ay natigilan ako.
Unang bumungad sa akin ang isang napaka laking fountain habang sa gitna ng fountain ay may isang malaking diyamante ang naka lutang doon at dahan-dahan na umiikot.
Kumikinang ito dahil sa sinag ng araw, napa pikit pa ako ng tumama sa akin ang repleksiyo nito.
Si mom at dad naman ay parang walang pakialam, bagkus at tuloy lang sila sa pagmamaneho papasok ng weird school na ito.
Dahil tanghali na at lunch time na ay maraming nagkalat na mga estudyante sa school ground.
Lahat sila ay napa tingin sa kotseng sinasakyan namin habang nagtatakang tingin sa kanilang mukha.
Nang tumigil ang kotse sa hindi kalayuan ay agad kong sinuot ang shades ko. Naunang lumabas sila mom and dad bago ako sumunod.
Mabilis na umugong ang bulungan at lahat sila ay pinag-uusapan ako. Parang biglang dumating si Abraham dahil ang kaninang kumpulan ng estudyante ay mabilis na nahawi para bigyan kami ng daanan.
Lahat sila ay naka tingin sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa at pinagbubulungan ako.
Mabilis kaming umakyat ng hagdan hanggang sa hindi namalayan na nasa pinaka taas na pala kami ng building.
Bakit parang ang bilis?
Tumigil kami sa isang malaking double door. Tinignan ko ang naka sulat sa taas ng pinto at doon ko nalaman na principal office na pala ito.
Walang sabi-sabi na pumasok si Dad sa pinto kasunod si Mom na magkahawak pa ang kamay dahilan para ngumiwi ako.
Sana all...
Unang bumungad sa akin ang isang malaking chandelier, akala ko isang simpleng chandelier lang ito pero sa lahat ng chandelier ay ito ang pinaka kakaiba.
Naka lutang lang ito sa ere at ang nakaka mangha pa dito ay lahat ng ito ay gawa sa diyamante.
Sa harapan ko naman ay isang malaking bintana. At sa labas ng bintana ay may balkonahe. Sa unahan naman ng bintana ay may isang naka lagay na malaking lamesa doon. Dalawang upuan na magkaharap ang nasa unahan nito at sa gitnang lamesa naman nito ay may pangalan na naka sulat.
"Principal Aurora." mahinang banggit ko sa pangalan nito.
Nang lumingon naman ako sa kanan ko ay isang fire place ang unang bumungad sa akin.
Sa harapan ng fire place ay mayroon doon na tatlong sofa na mahahaba at sa gitna nito ay center table, naka upo doon sina mom and dad.
Sa hindi kalayuan naman ay marami akong nakikitang book shelves nasa tingin ko ay mga luma na dahil medyo sira na ang ibang cover nito at mga kulay tsokolate na ito.
"I guess you are Ayslin Asterin," mabilis akong napa tingin sa likudan ko ng may babaeng nagsalita.
Nakangiti n'yang labi ang unang bumungad sa akin. Maganda ito. Maputi. Makinis. Mahaba ang itim na itim nitong buhok. Kulay brown ang mata nito. Matangos ang ilong. At may mapupulang labi. Sa tingin ko ay mga late twenties lamang ito at kung hindi ako nagkakamali ay s'ya si Aurora. Ang principal ng Crysyal Academy.
Biglang tumayo si Mom and Dad para salubungin 'yung magandang babae.
"Aurora." Nakangiting salubong ni Mom habang naka taas ang dalawang braso at salubungin ito ng yakap.
I knew it!
"How are you?" Tanong naman ni Dad bago ito yakapin.
Nakangiting kumalas si Principal Aurora kay Dad.
"I'm fine," nakangiting sabi nito bago bumaling sa akin. "Ikaw 'yun 'di ba?" Tanong n'ya bago muling lumapit sa akin.
Mabilis na nangunot ang noo ko.
"Ang alin?" Kunot noong tanong ko. Bago pa muling makapag salita si Principal Aurora ay agad na nagsalita si Mom.
"Hindi pa n'ya alam." Mabilis na sabi ni Mom, napatingin ako sa kamay n'ya. Mukha s'yang kinakabahan dahil lagi n'yang ginagawa iyan kapag s'ya ay kinakabahan.
Mabilis na tinago ni Mom ang kan'yang kamay sa may likudan n'ya ng mapansin n'ya na doon ako naka tingin.
Ngumiti si Principal Aurora bago tumango - tango. "I see." Tatango-tango na sabi ni Principal Aurora. "May name is Aurora, the principal of Crystal Academy: School of Magic." Pagpapakilala nito bago ilahad ang kamay.
Tinanggal ko ang shades ko bago tanggapin ang kan'yang kamay.
"Ayslin Asterin Sapphire Snow." Pagpapakilala ko bago salubungin ang tingin n'ya. Mabilis n'yang nabitawan ang kamay ko at biglang gumuhit ang gulat sa kan'yang mukha dahilan para magtaka ako.
Gulat s'yang tumingin sa mga magulang ko na mukhang kinakabahan na talaga sila.
Bigla akong ngumiti ng malaki kay Principal Aurora. "Hello po." Nakangiti kong sabi sa kan'ya.
"So, it's really you?" Sabi n'ya bago hawakan ang aking pisngi na ikinagulat at ikinataka ko. Hinawakan naman ng isa pa n'yang kamay ang isa ko pang pisngi. " You are so beautiful!" Manghang sabi n'ya sa akin.
Ngumiti ako sa kan'ya bago magsalita. " Syempre naman po! Baka anak ni Aira at Philip 'to!" Ngiting-ngiti kong sabi bago tignan sina Mom at Dad pero agad na nawala ang ngiti ko ng mapansin kong naiiyak na sila. "Mom? Dad? Bakit umiiyak kayo?" Tanong ko bago lumapit sa kanila.
Pinunasan nila ang mukha nila bago ngumiti sa akin. "Nothing, sweetie, naiiyak ako kasi ang ganda ng gawa namin ni Philip." Sabi ni Mom dahilan para muli akong ngumiti.
"Dinaan sa posisyon." Sabi ni Dad at tumawa dahilan para matawa na rin kami.
"Sana kasing ganda ko ang magiging kapatid ko." Sabi ko bago tumingin sa tiyan ni Mom. Gulat naman na napatingin sila sa aking dalawa. "Hindi ba mom, buntis kayo?" Sabi ko bago ngumiti.
Hinawakan ni Mom ang tiyan n'ya bago tumango habang nakangiti sa akin.
"How did you know?" Kunot noong tanong ni Dad.
Ngumiti ako sa kan'ya ng malaki. "Instict." Sabi ko dahilan para muli silang magtawanan.
"Wazup! Mga friends!" Sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan ng may pumasok na isang lalaki.
Gwapo. Malaki ang katawan. Mapanga. Medyo maputi. Makapal ang kilay at mukha din s'yang teacher.
"Achilles! My pwend!" Nakangiting sabi ni Dad bago pagbanggain ang kanilang dibdib na tinawag n'yang Achilles.
Hyper din pala itong si Daddy. Tsk.. tsk.. tsk.
"Kumusta pareng Philip?" Ngiting-ngiting tanong ni Achilles.
"Eto, kalbo pa rin hanggang ngayon." Sabi ni Dad dahilan para humalakhak ako sa sabay-sabay silang napatingin sa akin.
"Sorry po, natawa lang." Sabi ko bago tumalikod sa kanila at doon nagpigil ng tawa.
"S'ya ba 'yung anak---"
"Anak namin, si Ayslin." Putol muli ni Mom sa sasabihin ni Achilles. "Sweetie, turn around." Sabi ni Mom dahilan para muli akong humarap sa kanila.
Biglang nanlaki ang mata ni Achilles ng makita ako. "Whoa!" Manghang sabi nito. "Napaka ganda n'ya!" Bulaslas nito.
"Position." Sabi ko dahilan para magtawanan sila at ngumiti naman ako.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Achilles ang aking pisngi at pisilin iyon.
"Mashakit." Sabi ko ng pisilin n'ya ang pisngi ko. Mabilis naman s'yang sinaway ni Mom at Dad, kinurto din s'ya ni Principal Aurora sa tagiliran kaya naman binitawan na n'ya ito. Nakangiwi kong hinimas-himas ang aking pisngi ng dahil sa sakit.
"I'm sorry, nacute-an lang ako sa'yo." Ngumuso lang ako bago tumango. "By the way, I'm Vice Principal Achilles." Pakilala n'ya bago ilahad ang kamay.
Matagala akong napatitig sa kamay n'ya bago iyon tanggapin. "Ayslin Asterin Sapphire Snow." Pakilala ko habang nakangiti.
"Ikaw nga talaga!" Sabi nito na ikinataka ko.
Hinawakan ni Dad sa balikat si Vice Principal Achilles at hinila palayo sa akin.
Humarap sa akin si Mom habang nakangiti sa akin.
"Mag-uusap lang kami, sweetie." Sabi ni Mom habang hinahaplos ang pisngi ko habang nakangiti pero ang kan'yang mata ay sobrang lungkot.
Magtatanong pa sana ako ng talikudan na nila ako. Doon sila sa may tapat ng fire place.
Dahil abala naman sila sa pag-uusap at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan ay napagpasyahan ko na libutin ang buong principal's office.
Pupunta sana ako sa mini library dito sa office ni Principal Aurora ng may makaagaw ng atensyon ko. Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang balkonahe dahil nakita ko ng bukas ang slinding door.
Nakasara 'to kanina ah.
Unti-unti akong lumapit sa sliding door habang hinahangin ang puting kurtina.
Nang makatungtong ako sa balkonahe ay mabilis na nagtaasan ang balahibo ko dahil sa hindi kalayuan, sa labas ng Academy o ng harang ay may nakita akong mga taong naka suot ng black cloak. Lahat sila ay nakaharap dito sa malaking pader.
Napaatras naman ako dahil sabay-sabay silang napatingin sa akin kaya kumabog ng malakas ang dibdib ko ng dahil sa takot. Nadagdagan pa ang takot ng unti-unti silang lumutang sa ere.
Mabilis akong umatras at pumasok nasa office, sinarado ko ang sliding door at iniharang ang makapal na kurtina sa sliding door.
Sino sila?
Bakit sila lumulutang?
Ano ba talaga ang Academy na ito?
At bakit ako nandito?