Napatigil ang daliri ko sa screen ng cellphone ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko, halos marinig ko na ang tunog nito sa sobrang tahimik ng kwarto. Bakit siya nandito? Paano siya nakakyat sa beranda ko gayong nasa second floor ito at may mga guards sa labas? "Aurora, please. Mag-usap tayo," muling tawag niya. Mababa ang boses niya, tila nagmamakaawa pero nandoon pa rin ang awtoridad na likas sa kaniya. Dapat ay tawagan ko si Daddy. Isang pindot lang, darating ang mga tauhan niya at palalayasin ang lalaking ito. Iyon ang tamang gawin. Iyon ang sabi ni Dad. Pero tila may sariling isip ang mga paa ko at dahan-dahan akong naglakad patungo sa sliding glass door ng beranda. Binuksan ko ang curtain nang kaunti. Doon, bumungad sa akin ang hitsura niya. Bahagyang gulo ang buhok niya, walang suot

