Chapter Forty Nine MON LUBOS akong nasaktan nang nalaman kong planado pala ang lahat at ang bagay na lubusang sumira sa pride ko ay ang kadahilanang ipapamigay niya ako sa iba. Sa madaling salita ay ginamit ako para paglaruan ng dalawang magkapatid. Tang…ina… ang sakit no'n. Binuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya at nilegal ko na rin siya sa pamilya ko ngunit malalaman kong hindi pala siya seryoso. Sana ay totoo ang pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin dahil kung hindi ay lalong ikawawasak ng puso ko iyon. Noong araw na pumunta siya sa bahay ay nagpakalasing ako. Wala pang isang oras ay naubos ko na ang tatlong beer at muli na naman akong nagbukas ng isa. Eksaktong may kumatok noon sa labas ng bahay at ako naman ay dali-daling tumayo dahil sa pag aakalang si Sanya iyon

